VIENNA'S POV
Time Check: 5:03 pm
Katatapos lang ng klase ko ngayong hapon pero hindi pa 'ko makakauwi. Sinabihan ko na rin naman si Michelle at Therese kaya nauna na rin silang umuwi. Nakarating din naman ako sa Music Club at naabutan ko na nag-uusap sila ng ka-bandmates niya.
"Hi Vienna," bati sa'kin ni Liam nang makapasok na ako ng room. Nginitian ko na lamang siya at naupo ako sa bakanteng silya.
"Nandito na pala si Vienna dre, hi Vienna kamusta?" Tanong ni Louie nang mapansin niya na ang presensya ko. Napatingin din sa'kin si Sebastian pero hindi 'yon nagtagal.
"Ayos lang," maikling sagot ko.
"Buti naman, una na kami.. ingat kayo ni Sebastian." At umalis na rin sila after magpaalam ni Louie. Kami na lang dalawa ang naandito ngayon sa loob pero siya abala sa pag-aayos ng mga gitara. Bakit kaya ang tahimik niya? Pero kanina no'ng mag-usap kami, ang daldal niya.
Lumapit siya sa direksyon ko at may hawak na siya ngayong bond paper. Inabot rin naman niya ito sa'kin at kinuha ko na lang din ito mula sa kaniya.
"'Yan ang lyrics ng dalawang kanta na kakantahin natin sa event. Meron na rin 'yang chords para makakapagpractice ka nang mag-isa," sabi niya.
Binasa ko ang title ng dalawang kanta at gano'n na lang ang gulat ko. Bakit ito ang kakantahin namin? Siya kaya ang pumili nito?
"Ayoko naman na mahirapan ka, kaya 'yan ang napili ko kasi familiar ka na. At para konting practice na lang din ang gagawin natin," biglang sabi niya habang nakatingin sa'kin. Kanina pa kaya niya 'ko tinitingnan? Nakita kaya niya na nagulat ako?
"Pero gusto mo ba na ito ang kantahin natin?" Tanong ko at tumango naman siya.
"I like the song, that's why gusto ko rin kantahin 'yan kasama ka," sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko maintindihan pero dahil sa huling binanggit niya, kumabog ng mabilis ang puso ko. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
"Hali ka na, uwi na tayo," aniya. Tumayo na siya kaya tumayo na lang din ako. Lumabas na rin kaming dalawa sa Music Club at siya na rin ang nag-lock ng pinto. Bigla namang nag-ring ang phone ko, si sister Fely kaya sinagot ko na ito. Madilim na pala, hindi ko man lang namalayan at baka nag-aalala na sila sa'kin.
(Hello Vienna, anak nasaan ka na?)
"Pauwi na po ako sister pero dadaan pa po muna ako sa bahay. Kukuha lang ako ng damit then uuwi na ho ako diyan," sagot ko. Napaiwas ako nang tingin kay Sebastian dahil nasa tabi ko na pala siya at nakatingin sa'kin.
(Hindi mo na kailangan umuwi sa inyo nak, naandito na ang mga gamit mo. Hinatid ng mama mo kanina kasama ang tito Lucas mo)
Hindi ako nakasagot agad, but I didn't even ask for help on her. I didn't expect na pupunta siya ng orphanage para lang sa mga gamit ko. Pero sa mga panahon na kailangan ko siya, hindi siya pumunta o nagpakita para sa'kin na mismong anak niya.
(Vienna, ayos ka lang ba? Naririnig mo 'ko?)
"Ahh opo sister, sige po."
(Mag-iingat ka Vienna) Then I hang up the call. Napatingin ako kay Sebastian and still nakatingin pa rin pala siya sa'kin. Bakit kaya? Anong meron sa mukha ko?
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
"Oo ayos lang, hali ka na uwi na tayo," tugon ko at umalis na nga kami ng club. Nang makarating kami sa parking lot, sumakay na lang din ako sa kotse ko at hindi na nag-abala pa para magpaalam sa kaniya.
Nakauwi na rin naman ako sa orphanage at kasalukuyan akong tumutugtog ngayon. Katatapos ko lang mag-half bath at maghapunan, pinakain ko na rin si Billy at pinainom ng gamot niya. Tumigil ako sa pagtugtog at napabuntong hininga.
Ngayon lang ako na pressure ng ganito, everytime naman na nagco-cover ako ng kanta hindi ko naman 'to nararamdaman. Pero kasi ito ang pangalawang beses na kakanta ako in public at kaduet pa si Sebastian. Hindi ko alam kung kanino ba talaga ako na pe-pressure, kay Sebastian o sa mga manunuod?
"Vienna, si sister Fiona 'to." Napatayo ako agad at binuksan ang pinto. Pumasok naman si sister Fiona at naupo sa kama at umupo rin ako sa tabi niya.
"Kakanta ka sa school niyo?" Tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Pero kasama ko po ang classmate ko," sagot ko at bigla naman siyang ngumiti.
"Babae o lalaki?"
"Lalaki po."
"Gwapo ba? Matipuno? Mayaman? Matalino? Mabait?"
Parang hindi madre ang kaharap ko ngayon. Lumiliwanag ang mga mata niya habang binabanggit ang mga tanong na 'yon. Na curious tuloy ako, nagkaroon kaya ng boyfriend noon si sister bago siya pumasok sa pagmamadre?
"Sister, makikilala niyo rin po siya. Sa sabado at linggo dito ho kami magpa-practice, nakapagpaalam na rin po ako kay sister Fely," sagot ko.
"Paniguradong kasing-gwapo siya ni Tine."
Hays, ito na naman si sister, napailing na lang ako.
"Sister, pwede ba 'ko magtanong?"
"O sige Vienna ano 'yon?"
"Before po kayo pumasok sa pagmamadre, nagkaroon ba kayo ng manliligaw o 'di kaya boyfriend?" Tanong ko ngunit napaiwas bigla ng tingin sa'kin si sister. May mali ba sa tanong ko?
"Oo Vienna, sa totoo lang nagkaroon ako ng limang karelasyon noon. Pero alam mo halos lahat ng 'yon, hindi nagtagal. 'Yong unang tatlong lalaki, pinagpalit ako sa bakla. Tapos ang huling dalawang lalaki na minahal ko, may mga asawa na pala," pagkuwento niya. Nakaramdam ako ng lungkot, hindi ko akalain na mararanasan 'yon ni sister sa mga lalaki.
"Hindi ko alam kung bakit gano'n ang mga nangyari sa'kin, nagmahal lang naman ako. Wala naman akong ginawang mali at totoo naman ako magmahal. Ang saklap, 'di ba? Hanggang dumating sa punto na, natatakot na ako sumubok magmahal ulit. Hindi naman ako nagsisi na pumasok ako sa pagmamadre. Dahil dito nagbago ang pananaw ko sa pag-ibig, na hindi lahat ng storya may happy ending. Hindi lahat nagtatapos na masaya at nagmamahalan ang dalawang bida. Napamahal na ako sa ganitong trabaho at buong puso akong naglilingkod sa panginoon. At wala akong kahit na anong pinagsisisihan," dugtong ni sister.
Sobrang nakaka-proud si sister, bilib ako sa kaniya dahil sa pagiging matatag at matapang niya. Maganda si sister Fiona pero may mga tao talaga na hindi sinuswerte sa pag-ibig. Takot ng sumubok magmahal ulit kasi baka iwanan, ipagpalit at hanggang sa masaktan na naman ng paulit-ulit.
"Kaya Vienna kapag pumasok ka sa isang relasyon dapat maging praktikal ka. Dapat pareho niyong mahal ang isa't-isa at ang mas importante, ang tiwala. 'Yon ang pinakamahalagang pondasiyon sa isang relasyon," sabi niya sabay ngiti at tumango naman ako bilang sagot. Nakaka-speechless ang mga pinayo ni sister kaya 'di ko magawang sumagot.
"O siya magpatuloy ka na, pupunta na muna ako sa kwarto ng mga bata."
"Okay po sister, good night na rin po."
"Good night Vienna, pagkatapos mo riyan pahinga ka na."
Lumabas na rin si sister Fiona sa kwarto ko at napangiti na lang ako after. Naintindihan ko si sister, ayaw niya lang na masaktan pa ulit dahil sa pag-ibig.
Life is unfair but love is unfair too. Ikaw na nga 'tong nagmamahal ng totoo, ikaw pa ang nasasaktan.
Kinabukasan, napaaga ulit ako ng gising para gawin ang morning routine ko. Nakaligo, nakabihis at nakapag-breakfast na rin ako. Kasalukuyan akong nagsusuklay ngayon, back to normal na ulit ang suot ko.
After ko mag-suklay ng buhok, lumabas na rin ako ng kwarto at nagtungo na sa labas. Naabutan ko naman na nagkakape sina sisters sa isang mesa habang nag-uusap. Lumapit na rin ako sa direksyon nila para makapagpaalam na.
"Good morning po," nakangiting bati ko sa kanila. Napalingon din naman silang lahat sa akin.
"Magandang umaga rin Vienna, papasok ka na?" Wika ni sister Louisa at tumango naman ako bilang sagot.
"Opo sister, nakapag-breakfast na rin po ako," sagot ko.
"Buti naman kung gano'n, patingin nga pala ng kamay mo." Pinakita ko naman agad kay sister Celia ang kamay ko.
"Namumula ang mga daliri mo, bakit kasi tuloy-tuloy ang pagsasanay mo kagabi?" Sabi ni sister Celia nang makita niya na ang kamay ko.
"Mayroon pang sugat at hindi mo man lang ginamot," napakamot na 'ko sa batok dahil sa sinabi ni sister Fely.
"Hindi naman po masakit, okay lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin, ako na po ang bahala. Alis na po ako sisters, ba-bye po," sagot ko. Nagpaalam na 'ko baka kasi ayaw pa nila akong paalisin dahil sa sugat ko sa kamay at mga daliri.
"Mag-iingat ka Vienna," sabi ni sister Louisa
"Gamutin mo 'yan Vienna," dugtong pa ni sister Elizabeth.
"Opo, ba-bye po." At napatakbo na 'ko papunta sa kotse ko. Sumakay na lang din ako at pinaandar na ito, after that umalis na rin ako ng orphanage.
Nakarating din naman ako sa university exactly 6:40 am, may oras pa ako para mag-review. Pagkarating ko sa room wala pa si Therese kaya kinuha ko na lang ang notes ko at nagsimula na rin mag-review. Napatingin ako sa upuan ni Sebastian pero wala pala siya ngayon sa klase dahil sa practice.