Umalis na rin si Tine at napapailing na lamang ako. Agad naman akong sinalubong ni Therese ng yakap nang makita niya na 'ko. Gulat na gulat din ang lahat ng tao sa room dahil sa pananamit ko ngayon.
Naupo na lang ako sa seat ko pero hindi nakaligtas sa'kin ang mga titig ni Sebastian. Sinuot ko na lang ang jacket na pinahiram sa'kin ni Tine at bumagay rin naman ito sa suot kong dress.
"Vienna, ang ganda mo talaga sa suot mong 'yan," saad ni Therese at tiningnan niya pa 'ko mula ulo hanggang paa.
"No choice kasi ako, wala akong dalang extrang damit kahapon. Kaya napilitan ako na isuot 'to at itong dress na 'to ang tanging nagkasya sa'kin," explain ko naman sa kaniya.
"Kaya naman pala, for sure si Michelle magugulat din sa'yo mamaya. By the way, 'yang jacket na suot mo kay Tine ba 'yan?" Kinikilig na sambit niya.
Paano niya nalaman na kay Tine 'to? Tumango na lamang ako bilang sagot kaya agad niya 'kong sinundot sa tagiliran. Kinikilig ang loka.
"Vienna, couple bracelet pala kayo ni Sebastian," wika ni Patricia nang mapansin niya ang suot kong bracelet.
Napatingin ako kay Sebastian, akala ko pa naman hindi niya na suot ang bracelet ngunit suot pa rin pala niya ito.
"Vienna, couple bracelet nga kayo pero bakit? Nakita ko ang f*******: post ng president niyo, kayong dalawa ni Sebastian with that bracelet," bulong sa'kin ni Therese.
"Every member ng Music Club meron nito, hindi lang kami," seryosong tugon ni Sebastian na ikinagulat ko.
Akala ko pa naman babaliwalain niya ang sinabi ni Patricia pero nagkamali ako. Tahimik si Sebastian dito sa room, nakikinig lang talaga siya sa discussion at sumasagot kapag may tanong sa kaniya ang mga teachers. Pero ngayon hindi na, nagsisimula na siyang magbago.
Natapos din ang tatlong subjects ko ngayong umaga. Lunch time na rin at si Therese nauna ng umalis. Pupunta pa kasi siya sa org niya kaya inayos ko na lang din ang mga gamit ko para makalabas na ng room. Nagbabalak na sana akong umalis kaso pinigilan ako sa braso ni Sebastian.
"May kailangan ka?" Tanong ko, at saka niya lang ako binitawan.
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya after lunch?" Tanong niya na ipinagtaka ko. Para naman kaya saan?
"Sige, alis na 'ko," sagot ko at lumabas na ng room. Bakit gusto niya 'kong kausapin mamaya? Ano naman kaya ang sasabihin niya?
Nakarating din naman ako sa cafeteria at nahanap ko na rin kung nasaan nakapuwesto si Michelle. Nakabili na siya ng pagkain at nagulat din siya nang makita ako. Hinead to toe pa 'ko pero inirapan ko na lamang siya.
"Ikaw ba talaga ang bestfriend ko?" I just rolled my eyes for what she asked. Maganda nga ako, pero hindi ko naman alam na kapag nagsuot ako ng dress magbabago ang anyo ko.
"Tumigil ka Michelle, baka masampal kita ng wala sa oras," banta ko. Nag-peace sign siya sa'kin at dumating na rin naman si Therese. Naupo na rin siya sa bakanteng silya sabay inom ng soda.
"Nakakagulat itong si Vienna, hindi lang ako kundi lahat ng estudyanteng nandito sa loob ng cafeteria," si Michelle at tumawa naman si Therese.
"Mas lalo na kanina sa room, maging ang mga professor's napansin siya at sinabihan din ng maganda. P'wede na siyang maging representative sa next pageant na gaganapin dito sa university," sagot ni Therese, at hinampas ko tuloy siya sa balikat. Wala sa plano ko ang sumali sa mga gano'n baka mapahiya lang din ako.
Nagsimula na rin akong kumain, nagugutom na rin kasi ako. Kumain na rin sina Therese ngunit napapansin ko na tinitingnan ako ng mga kalalakihan na 'andito sa cafeteria. Sa susunod talaga hindi na 'ko magsusuot nito.
"By the way friend, kumusta naman ang celebration sa Music Club kahapon?" Biglang tanong ni Michelle. Naalala ko ang mga nangyari kahapon at kahit papano nag-enjoy naman ako.
"Ayos lang, nag-enjoy naman ako," maikling sagot ko.
"Nakita mo na ba ang first IG post ni Sebastian?" Tanong ni Therese pero umiling ako bilang sagot.
"May IG na si Sebastian? Bakit hindi ko 'yon alam? Mai-check ko nga," tugon ni Michelle sabay kuha ng phone niya.
"Nagulat nga ang lahat eh, biruin mo all this time saka lang siya gumawa ng account. Tingnan mo 'tong latest post niya Vienna."
At pinakita nga naman sa'kin ni Therese. Video naming dalawa ni Sebastian habang sumasayaw pero mabilis lang, do'n lang sa part na napahalakhak ako sa tawa. Bakit naman kaya ito ang pinost niya? Nakapagtataka naman. Ngunit an'daming nag-like at comment, at halos lahat mga fans niya ata.
"First IG post niya pero ikaw agad ang laman. Nakapagtataka naman, hindi kaya tama ka Therese na gusto nga ni Sebastian itong si Vienna?"
Napaiwas ako nang tingin dahil sa sinabi ni Michelle. Nag-a-assume na naman itong kaibigan ko, mali naman ang iniisip niya at hindi totoo.
"Pwede rin Michelle, baka na fall na nga itong si Sebastian sa'yo Vienna. Tapos ang cute niyo pareho, hindi nga kayo marunong sumayaw pero ang cute niyo namang tingnan. At sa mga pictures na nakita ko, parang bagay kayo," sagot ni Therese. Nakita ko rin naman 'yong pictures, maganda ang pagkakakuha pero hindi ko maramdaman na bagay nga kaming dalawa.
"Pero ang mas naging usap-usapan kahapon, ang ginawa ni Sebastian kay Liezel," pag-iiba ni Michelle sa usapan. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit niya 'yon ginawa kay Liezel.
"Saksi ako do'n," maikling sagot ko.
"Seryoso? Kitang-kita mo? Paano?" Takang tanong ni Therese.
"Oo, kahit ako nagulat sa ginawa niya. Lalaki siya pero nagawa niya 'yon sa isang babae. At kasalanan ko kung bakit niya 'yon nagawa kay Liezel. Pinagtanggol niya lang ako laban do'n sa tatlo, pero may binanggit si Liezel na naging dahilan para magalit siya," explain ko.
"Med'yo matagal ko na ring nakilala si Sebastian at never ko pa siyang nakitang nakipag-usap sa isang babae. Sina Britt at Enzo lang talaga ang kinakausap niya at sa tingin ko, woman hater 'yang si Sebastian. Balita ko kasi iniwan siya ng mom niya dahil sa isang lalaki at baka dahil do'n kaya siya nagkakaganiyan. At alam 'yon ni Liezel, sa talas ng dila't bibig niya kaya siya napapahamak. Bagay lang sa kaniya ang hampas ni Sebastian at buti na lang hindi na suspend si Sebastian dahil sa ginawa niya kay Liezel kahapon," mahabang lintanya ni Therese at bigla ako nakaramdam ng lungkot.
Iniwan siya ng mom niya dahil sa isang lalaki kaya pala ayaw niya sa mga babae. Pero bakit kinakausap niya 'ko at nilalapitan?
Tapos na rin kaming kumain ng lunch at buti na lang nabusog ako sa kinain ko.
"Una na kami Vienna ha? Sure ka kaya mo na?" Tumango ako bilang sagot kay Michelle. Alam na nila na mag-uusap kami ngayon ni Sebastian.
Umalis na rin naman sina Therese and after mga 5 minutes, dumating din naman si Sebastian at may bitbit siyang dalawang soda.
"Kumain ka na ba? Sorry kung natagalan ako, dumaan pa kasi ako sa Music Club. Here, baka nauuhaw ka." Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Why all of the sudden naging ganito siya ka formal makipagusap sa'kin?
"Oo, tapos na at salamat dito sa soda," sagot ko after a minute.
"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Dugtong ko.
"Kahapon kasi nag-announce si Dim na magkakaroon ng Open House next Friday para sa mga incoming college students. Napag-utusan siya ni Dean na magpe-perform ang mga bagong members ng org natin sa event. Hindi naman mandatory pero napili tayo kahapon kasama ang banda ko," paliwanag niya.
Bakit ako agad ang napili eh madami pa namang magaling tumugtog at kumanta sa club?
"Hindi na ba pwedeng mag-back out?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Majority ang pumili sa'yo kaya hindi ka na pwedeng mag-back out. Huwag kang mag-alala, kasama mo 'ko na mag-perform," sagot niya. Ang ibig sabihin pala niyon, duet kami? At kakanta rin siya kasama ang banda niya?
"Kailangan nating mag-practice ng husto lalo na't dalawang songs ang kakantahin natin. May mga natitirang araw pa para sa practice at rehearsal," dugtong pa niya.
"Kasali ba diyan ang Saturday at Sunday?" Tanong ko at tumango naman siya. Sa orphanage kaya ako pansamantala nakatira at ang dalawang araw na 'yan, ilalaan ko sana para sa mga bata.
"Bukas may practice kami ng banda ko by 8 am at baka until 1 to 6 pm tayo makakapag-practice. Sa weekends ba may gagawin ka?" Tanong niya. Buti na lang naalala ko, niyaya pala ako ni Tine sa isang date. Ano ba naman 'yan? Ano ba ang dapat kong unahin?
"'Yan sana ang napili kong araw para sa practice natin. Then by Monday and Tuesday, magfo-focus ako sa banda. By Wednesday, mai-perform natin 'to sa club and by Thursday rehearsal na lang the whole day," dugtong pa ni Sebastian at nakikinig lang ako.
Ngayon lang 'ata siya nagsalita ng sobrang haba at tuloy-tuloy. Hindi ko napigilan na ma-amazed sa kaniya habang nagsasalita siya.
"Sige, pero pansamantala akong nakatira ngayon sa orphanage. May inaalagaan akong bata, so baka ma-late ako sa practice," sagot ko na ikinatahimik niya.
May mali ba sa sinabi ko? Bakit natahimik ang isang 'to?
"Okay lang Vienna, bigay mo na lang sa'kin ang address at pupuntahan na lang kita," sagot niya after ng isang minutong katahimikan.
"Sa club na lang natin pag-usapan ang tungkol sa dalawang songs na kakantahin natin. Malapit ng mag-time, hali ka na," dugtong niya.
Agad siyang tumayo at umalis, hindi niya na 'ko hinintay pa. Ano ang nangyari do'n? Nakapagtataka ang kinikilos niya. Naguguluhan na rin ako, bakit biglang naging gano'n 'yon? Ano na naman kaya ang problema niya?