Chapter 31

1823 Words
VIENNA'S POV Katatapos ko lang mag-half bath at buti na lang nagkasya pa sa'kin ang mga damit na naiwan ko rito. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang pangalang 'yon. Sa tingin ko, kilala siya ng mga magulang ko at maging si kuya. Hindi pupwedeng wala silang alam tungkol sa kaniya and I need to find out who he is. It's already 6:30 pm at hapunan na ngayon dito sa orphanage. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa dining area kung saan naabutan ko ng kumakain ang mga bata. "Nak, maupo ka na at saluhan mo na ang mga bata," wika ni sister Elizabeth nang mapansin niya na ang presensya ko. "Mamaya na lang po sister, si Billy ho nga pala? Kumain na ba siya?" "Kumain na siya at nakainom na rin ng gamot. Si sister Fiona na ang nag-asikaso sa kaniya. Huwag ka ng mag-alala anak," sagot naman ni sister Elizabeth at ngumiti na lamang ako. "Okay po sister, sa labas na ho muna ako," paalam ko. Hindi pa naman kasi ako nagugutom at parang nawalan ako ng ganang kumain. Lumabas na rin ako ng orphanage at sobrang lamig ng hangin. Naupo rin ako sa isang duyan at sabay kinuha ang phone ko sa bulsa. Naka-receive ako ng text galing kay kuya at mom, binuksan ko na lang ito at binasa. Vienna, where are you? Call me if you read my message - kuya Anak, nag-aalala na ko sa'yo. Nasaan ka? At susunduin kita - mom Hindi ako nag-reply sa mga text nila, ibinulsa ko na lang ulit ang phone ko. Lahat kaya ng mga na ikuwento nila sa'kin noon totoo o pawang kasinungalingan lamang? 'Sabi ng papa mo noon sa'min, malapit sa puso mo ang taong 'yan at kilala siya ng mom at kuya mo. Pero hindi niya nabanggit sa amin kung sino siya sa buhay mo.' Pumatak na ang mga luha ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na mismong kadugo ko, nagsinungaling sa'kin. "Hello Michelle," I said as I answer the call. Then I wipe my tears. (Hello Vienna, kamusta diyan? Okay lang ba si Billy?) "Yes, he's fine Michelle," maikling sagot ko. (How about you? Are you okay?) Ramdam ko sa boses niya na nag-aalala siya sa'kin pero ayoko pa na ikuwento 'to sa kaniya. "I'm fine Michelle, pagod lang ako," sagot ko at napabuntong hininga siya sa kabilang linya. (Sige friend, pahinga ka na. Nasabihan ko na si kuya Vince na nasa orphanage ka, huwag mo na silang alalahanin. See you tomorrow friend, ingat ka) "Thank you Michelle, see you tomorrow bye." Then I hang up the call. Tumayo na lang din ako mula sa pagkakaupo sa duyan. Sa araw na ito, parang ang daming nangyari. Sana bukas maging maganda ang araw ko at ang tanging iisipin ko lamang ay si Billy. 5 am pa lang nagising na 'ko para gawin ang morning routine ko. Nakaligo at nakapagbihis na rin ako ng damit. Kailangan ko talagang umuwi ng bahay para kumuha ng damit. Ang mga damit ko kasing naiwan dito, hindi na magkasya sa'kin. Underwear, pantulog at pambahay lamang ang nagkasya sa'kin. Kaya no choice ako, nagsuot ako ng dress kahit labag sa loob ko. Buti na lang din may nagkasya sa'king heels na sakto lang ang taas. Nilugay ko na lang din ang buhok ko at napatingin ako sa salamin. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. "Susmaryosep!" Buti na lang hindi ako nagmura sa harapan ni sister Fely. Nagulat din ako sa presensya niya, pero parang mas nagulat siya sa itsura ko ngayon. "Sister Fely ginulat niyo 'ko," sabi ko nang maka-recover ako mula sa pagkagulat. "Pasensya ka na anak, nakalimutan ko kasing kumatok. Ginulat mo rin ako sa postura mo ngayon, ang ganda mo anak." Nakakagulat ba talaga ang itsura ko? Hindi kasi ako ganito manamit, lagi akong naka-pants at shirts. No choice nga kasi ako, alangan naman magsuot ako ng pambahay o 'di kaya pantulog. "Nakakapanibago ho ba sa paningin niyo na ganito ang suot ko?" Tanong ko at tumango naman siya bilang sagot. "Oo anak pero dahil sa suot mong 'yan, mas lalo kang gumanda. Baka magkaroon ka na ng madaming manliligaw niyan," tugon niya. Napatawa ako ng bahagya dahil sa huling sinabi ni sister. "Wala pa po sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon. Ang dami ko pang iniisip na problema, ayoko na pati 'yon dumagdag pa," ani ko. "Pero kapag dumating na ang tamang lalaki para sa'yo, sana hayaan mo na mahalin ka niya at sana ay tanggapin mo siya," aniya. Napangiti na lamang ako sa pinayo ni sister. Nagtungo na rin kami sa baba ni sister Fely, gulat na gulat din ang ibang mga madre sa itsura ko. Anong magagawa ko? Eh, ito lang ang nagkasya sa'king damit. Kinain ko na ang hinandang pagkain nina sister. Hindi na 'ko nakatanggi, ayoko rin naman kasing mapagalitan nina sister. After mga 15 minutes, tapos na rin akong kumain and it's already 6:38 am. Nagpunta na muna ako sa kwarto ni Billy para magpaalam sa kaniya. Baka kasi hanapin niya na naman ako mamaya kapag hindi niya 'ko makita rito sa orphanage. Pagkapasok ko sa kwarto niya tamang-tama lang at gising na siya. Ngumiti siya sa'kin nang makita niya ako. "Maganda ba si ate?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "Opo ate, mas lalo ka pong gumanda," nakangiting sagot niya. "Salamat Billy, 'tsaka nga pala papasok muna ako sa school. Behave ka rito, ha? Kumain ka ng breakfast at inumin mo rin ang mga gamot mo. Huwag matigas ang ulo, okay? Dito pa rin naman ako uuwi at makakasama mo pa rin ako." "Opo ate Vienna, mag-ingat po kayo." "Mag-iingat si ate, alis na 'ko, ha? Pakabait ka rito. I love you." Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "Opo, I love you, too ate." After ko siyang yakapin, lumabas na rin ako ng kwarto niya. Nagtungo na rin ako sa labas at naabutan ko naman sina sister na inaantay ako. "Vienna, mag-iingat ka," salubong sa'kin ni sister Celia sabay yakap nito sa'kin. "Opo sister, 'tsaka nga po pala, may dadating na delivery po rito mamaya. Groceries po 'yon 'tsaka cakes at cupcakes para sa mga bata," sagot ko. Napansin ko kasi kagabi na kokonti na lang ang stocks ng grocery dito sa orphanage. Kaya agad-agad kong tinawagan si manong Edison, baka kasi wala ng makain ang mga bata at sina sisters. "Vienna, nag-abala ka pa, dapat ang pera mo iniipon mo para sa kinabukasan mo. May pera pa naman kaming naitabi na galing kay mayor at sa iba pang nagdo-donate dito sa orphanage," wika ni sister Elizabeth. "Sister, itabi niyo na lang ho 'yan, 'tsaka wala naman akong panggagamitan ng pera. May naitabi na po ako para sa pag-aaral ko at para rin sa future ko. Mas kailangan po 'yon ng mga bata kaysa sa'kin, lalo na po kayo," I replied then I smile to them. Ayoko na mapunta sa walang kwentang bagay ang pera ko at ni dad. Kaya mas gugustuhin ko na lang na itulong 'yon kina sister at sa mga bata. "Maraming salamat Vienna, mag-iingat ka okay?" Sabi ni sister Louisa. Niyakap naman nila akong lahat at after niyon, sumakay na rin ako sa kotse at umalis na ng orphanage. Buti na lang at hindi traffic, naging maayos ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. After 40 minutes, nakarating na ako ng university. Naiparada ko na rin ang kotse ko at bumaba na rin. Pero hindi ko inaasahan na makita ko si kuya dito sa parking lot. Sa tingin ko ako ang hinihintay niya, napatingin din naman siya sa direksyon ko. At sa tingin ko, nagulat din siya sa itsura ko ngayon. "Why you don't even text me na nasa orphanage ka? Si mom nag-aalala sa'yo, hindi mo man lang ba kami inisip Vienna?" Galit na salubong niya sa'kin. Nagsitinginan naman sa'min ang lahat, pero in-ignore ko na lang ito. "Bakit ka nagagalit? Tinext ka naman ni Michelle, 'di ba? Ano pa ang ikinakagalit mo?" Naiinis na sagot ko. Kairita! Ito pa ang naging bungad sa araw ko. "Respituhin mo nga ang taong kaharap mo, parang hindi mo ko kuya ha?!" This time, mas lalong tumaas ang boses niya. Nagulat talaga ako, ngayon ko lang nakita ang ganitong ekspresyon ni kuya. "Bro tama na 'yan.." Napatingin ako sa lalaking dumating, si Tine. "Kanina pa kayo tinitingnan ng lahat, ano ba ang problema?" Dugtong niya at napaiwas na 'ko ng tingin. Kung hindi dumating si Tine baka mas lalong nagalit sa'kin si kuya. "Kausapin mo nga 'yan," biglang sabi ni kuya sabay alis nito. Siya pa ang may karapatang mag-walk out, ako nga dapat 'yon kasi ako 'yong pinagalitan niya. "Okay ka lang?" "Oo okay lang ako, pupunta muna ako sa locker ko," sabi ko at nagsimula na ring maglakad papasok ng university. Nakasunod lang si Tine sa likod ko hanggang sa makapasok na kami ng main entrance. Pinagtitinginan naman ako ng lahat, hindi naman malaswa itong suot ko at formal dress naman ito. "Hindi ba, siya ang kapatid ni Vince Malvar? Ang ganda niya." "Oo, maganda rin boses niya. Pamangkin siya ni Professor Lozano at bagong member siya ng Music Club." "Mag-jowa kaya sila ni Tine? Inferness bagay sila." 'Yan ang ilan sa mga naririnig ko sa paligid pero hindi ko magawang ngumiti sa mga compliments nila dahil sa sinabi ni kuya. Bigla ko na lang naramdaman na may naglagay ng jacket sa likod ko. Nilingon ko naman ito at si Tine lang pala, nakasunod pa rin pala siya sa'kin. "Baka lamigin ka mamaya, naka-aircon pa naman ang room niyo," sabi niya, ngumiti na lang ako. Sinamahan niya 'ko papuntang lockers area, kinuha ko lang naman ang mga notebooks at pens ko. Nag-volunteer siya na raw ang magdadala ng mga gamit ko. Ewan ko ba bakit ang gentleman niya ngayon? Nagsimula na rin akong magtaka sa mga kinikilos niya. "Sa orphanage ka pa rin ba uuwi?" Tanong niya na ipinagtaka ko. "Paano mo nalaman na sa orphanage ako galing?" Nagtatakang tanong ko. "Umm, ano.. naikuwento lang sa'kin ni Michelle at Therese kahapon," sagot niya sabay iwas ng tingin sa'kin. Bakit bigla siyang namula? Nagtaka tuloy ako. "Oo, 'di ko pa maiwan si Billy kaya pansamantala na doon na muna ako uuwi hanggang sa gumaling siya," sagot ko pero hindi pa rin siya makatingin sa'kin. "If you need help, sabihan mo lang ako. 'Tsaka ako na rin ang bahalang kumausap sa kuya mo, for sure worried lang 'yon sa'yo kaya nagalit kanina." "Thank you Tine, o siya malapit na 'ko sa room. Hanggang dito na lang, punta ka na rin sa room mo baka ma-late ka pa." Binigay niya na rin sa'kin ang mga gamit ko. As usual, pinat niya na naman ako sa ulo pero nanginginig ang mga kamay niya habang ginagawa 'yon. Bakit parang kinakabahan siya? At parang nahihiya na rin siyang tumingin sa'kin. Nangyari do'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD