Chapter 30

1668 Words
Binuksan ko na ang paper bag, pero ibang pagkain ang nakita ko. Isang rice with afritada at isang box ng cookies. Alam talaga ni tita ang mga paborito kong pagkain. Sinimulan ko na rin naman itong kainin pero bigla akong napatigil nang makita ko na si Sebastian. Nang makita siya ni kuya Dim, hinampas siya nito sa balikat ng hawak niyang newspaper na ginamit kanina sa game. Iniwas ko na lang ang tingin ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Ano ba naman 'to? Bakit bigla akong kinabahan sa presensya niya? "Vienna, may naghahanap sa'yo rito sa labas." Agad akong napatingin kay kuya Dim nang sabihin niya 'yon. "Sino po kuya?" Tanong ko, nagtataka. "Si Tine Alvarez," sagot ni kuya Dim. Tumayo na lang ako, akala ko pa naman may soccer practice siya pero bakit nagpunta pa siya rito? Nag-excuse ako para lumabas ng club. Nakita ko nga si Tine, basang-basa siya ng pawis at halata nga na galing siya sa practice. Ngumiti siya agad nang makita niya na 'ko. "Bakit ka pa nagpunta rito?" Tanong ko nang makalapit ako sa direksyon niya. "Natanggap mo ba ang pagkain?" "Hindi mo sinagot ang tanong ko." "Sorry na, pinagpahinga muna kami ni coach kaya nakapunta ako rito. Ano natanggap mo ba?" Nakangusong tugon niya, tumango naman ako agad. "Good, ubusin mo 'yon ah. Ako kaya ang nagluto niyon, nagpatulong ako kay mom," dugtong pa niya. Hindi naman ako makapaniwala na siya ang nagluto niyon. Masarap din palang magluto ang isang Tine Alvarez. "Kaya naman pala ang panget ng lasa," biro ko kaya agad niya 'kong kinurot sa pisngi nang 'di ko inaasahan. "Aray Tine! Sapakin kita diyan eh," inis na sigaw ko pero tinawanan niya lang ako. "Ang cute mo kasi, o siya alis na 'ko. Ubusin mo 'yon ah? Wala kang ititira." "Copy that Mr. Alvarez," sagot ko at sumaludo sa kaniya. "Good, sige alis na 'ko," nakangiting aniya sabay pat ng ulo ko. Kapag umaalis siya, ginagawa niya talaga sa'kin 'yon. Ano ako aso? Papasok na sana ako sa club nang biglang mag-ring ang phone ko. Si sister Fiona, bakit kaya siya napatawag? "Hello sister Fiona, napatawag ho kayo?" I asked as I answer the call. (Hello Vienna, kailangan ka namin ngayon dito sa orphanage) "Sister ano po ang nangyari?" Kinakabahang tanong ko. Parang may nangyaring masama sa orphanage. (Si Billy kasi dalawang araw ng hindi kumakain at hinahanap ka niya. Hindi na namin alam ang gagawin, nagsimula lang 'to noong magkaroon siya ng lagnat. Nagulat na lang kami, hinahanap ka na niya rito sa orphanage. Panay tubig na lang siya, hindi niya na rin naiinom ang mga gamot niya. Vienna, kung hindi ka busy, pwede ka bang pumunta rito?) Sagot ni sister Fiona. Agad naman akong pumasok sa loob ng Music Club at inayos ang pagkaing binigay ni Tine at binalik sa loob ng paper bag. "Hintayin niyo 'ko diyan, sister." (Salamat Vienna, mag-iingat ka okay?) "Opo sister, ba-bye po," then I hang up the call. Kinakabahan na 'ko, nanginginig na rin ang kamay ko. Malapit sa puso ko si Billy, sa lahat ng bata sa orphanage siya ang pinakakaiba. Mature siya kung mag-isip kahit 9 years old pa lang siya. "Vienna, may problema ba?" Tanong ni kuya Dim no'ng papaalis na 'ko. "Kuya kailangan kong umalis, may emergency lang po. I'm sorry but I need to hurry, babawi na lang po ako next meeting," sabi ko at lumabas na ng room. Napatakbo na 'ko papuntang parking lot, hindi ko na pinansin ang tingin ng lahat. Ang nasa utak ko lang ngayon ay si Billy. Sana maayos ang lagay niya. "Yes Michelle, malapit na 'ko sa orphanage. Tawagan na lang kita mamaya, ingat kayo ni Therese." Then I hang up the call. Kilala ni Michelle si Billy, na ikuwento ko sa kaniya no'ng nasa US pa kaming dalawa. Nakarating na ako sa orphanage, pagkaparada ko ng kotse dali-dali na rin akong bumaba. Sinalubong ako nina sister Elizabeth at sister Fiona. "Vienna, salamat nakapunta ka," sabay yakap sa'kin ni sister Elizabeth. "Where's Billy?" Tanong ko. "Nasa kwarto niya, hali ka," sagot ni sister Fiona. Pumasok na kami sa orphanage at nagtungo na sa kwarto ni Billy. Naabutan naman namin sina sister Fely na nag-uusap, niyakap din naman nila ako. Binuksan ko na rin ang pinto, nakaupo si Billy sa kama at nakaharap sa bintana. "Billy.. andito si ate Vienna," sabi ko at agad siyang humarap. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya nang makita niya na 'ko. Tumakbo siya papunta sa direksyon ko at agad akong niyakap ng mahigpit. "Ate Vienna, huwag ka nang umalis. Huwag mo na 'kong iwan ate, dito ka lang." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, natahimik ako habang yakap-yakap niya 'ko. "Hindi na aalis si ate pangako 'yan, basta kakain ka na at iinumin mo ang mga gamot mo. Susundin mo ang ate Vienna okay? Huwag matigas ang ulo." Tumango siya bilang sagot at niyakap muli ako. Napatingin ako kina sister and they are all smiling at me. Ngumiti na lang din ako kahit parang gusto ko ng umiyak dahil sa sitwasyon ni Billy ngayon. Pinakain ko rin si Billy at buti na lang, kumain na siya. Ayoko na dumating sa point na manghina siya dahil sa sakit niya. Tapos na kumain si Billy, pinainom ko na rin siya ng gamot sa lagnat at gamot para sa sakit niya. Billy is sick, mayroon siyang sakit sa puso at nag-start lang ito when he was 6 years old. Sa murang edad niya naranasan niya ang ganitong kalalang sakit. Ayoko siyang mawala sa'kin, kaya naghahanap ako ng paraan para maipagamot siya at para umayos na ang buhay niya. Time Check: 5:15 pm Kakalabas ko lang ngayon sa kwarto ni Billy, napasarap ang kwentuhan naming dalawa hanggang sa dinalaw na siya ng antok. Napatingin ako sa paligid, ito pa rin ang dating orphanage na tinirhan ko 3 years ago. Walang nagbago, hindi ko tuloy maiwasan na isipin ang mga malulungkot at masasamang nangyari sa'kin. Saksi ang orphanage kung paano ako bumangon mula sa isang aksidente na muntikan ko ng ikamatay. "Vienna.." Napalingon agad ako, si sister Fely. Agad siyang ngumiti at niyakap ako nang makalapit na siya sa direksyon ko. "Salamat anak, kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon hindi pa rin kumakain si Billy. Buti na lang at dumating ka, bumalik ang dati niyang sigla at dahil 'yon sa'yo." "Walang anuman po sister, kahit ano mang oras pupunta ako rito para po sa inyo at sa mga bata. Mahalaga ho kayo sa'kin, lalong-lalo na po si Billy. Kung hindi dahil sa kaniya baka hanggang ngayon wala pa rin akong ni isang naaalala," masayang sambit ko at niyakap ako ulit ni sister Fely, napayakap na lang din ako sa kaniya. "Hanggang kailan ka mananatili rito? Alam ko na busy ka sa pag-aaral mo. Kami na ang bahalang kumausap kay Billy." "Okay lang po sister, nangako po ako sa kaniya at tutuparin ko po 'yon. Hindi naman po sobrang layo ng orphanage mula sa university. Ako na po ang bahala, huwag na po kayong mag-alala." "Sige anak, hindi na rin naman kita mapipigilan sa gusto mo. At 'tsaka maayos pa at malinis ang dating kwarto mo rito." "Akala ko po naging kwarto na ng mga bata ang kwarto ko rito noon?" 'Yon kasi ang binalita sa'kin dati pero hindi ko akalain na nandito pa rin pala 'yon. "Hindi pumayag ang mga madre sa gusto ng papa mo. Gusto namin na manatili ang kwarto mo rito kahit umalis ka na," tugon ni sister na nagpangiti sa akin. Pamilya na talaga ang turing nila sa'kin noon pa man kaya mahal na mahal ko silang lahat dahil sa pagmamahal na pinaparamdam nila sa'kin. "Sister Fiona, pakihatid nga itong si Vienna sa kwarto niya." Lumapit sa direksyon namin si sister Fiona. Maganda talaga siya pero hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang maglingkod sa panginoon kaysa maghanap ng ibang trabaho. Pero sa tingin ko, may malalim siyang dahilan. Nakarating din naman kami ni sister Fiona sa dating kwarto ko. Pinihit niya na rin ang door knob at binuksan ito. Pumasok na kaming dalawa, hindi na 'ko nagulat sa nadatnan ko rito sa loob. Ito pa rin talaga ang kwarto ko, mula sa pagkakaayos ng mga laruan, libro at mismong cabinet ko gano'n pa rin. Walang nagbago, maganda pa rin gaya ng dati. "Sana magkasya pa sa'yo ang mga naiwan mong damit dito," wika ni sister Fiona. "Huwag po kayong mag-alala sister, kakasya pa po 'yan sa'kin at hindi naman po ako kalakihan," sagot ko. "Vienna alam mo, mas lalo kang gumanda ngayon. May manliligaw ka na siguro? Tama ba 'ko?" Hindi ko na napigilan ang matawa dahil sa tanong ni sister. Bakit kaya 'yon agad ang naisip niya? "Sister wala po, 'tsaka focus muna ako sa pag-aaral. Baka bigla akong multuhin ni dad kapag hindi ko sinunod ang mga bilin niya," biro ko kay sister. Marahan niya akong hinampas sa braso sabay tawa nito. Pero biglang may nahagip ang mata ko. May kung anong nakaukit sa pader, nilapitan ko rin naman ito at binasa ang nakasulat. "Mar..tin." Pangalan ng lalaki? Sino naman kaya 'to? "Vienna, may problema ba?" Lumapit sa tabi ko si sister at napatingin din sa pader. "Sino po si Martin?" Nagtatakang tanong ko at nilingon si sister. Ngunit nagulat siya, nagtaka tuloy ako. Kilala kaya niya? "Hindi mo naaalala 'yan?" Takang tanong ni sister. Umiling naman ako bilang sagot. Ako kaya ang may gawa niyan? "Kuwento saamin ng papa mo noon, pangalan niya ang binabanggit mo noong magising ka mula sa pagka-coma. Nagulat nga rin kami no'ng inukit mo 'yan diyan. Akala namin bumalik na ang mga ala-ala mo pero hindi pa pala," dugtong ni sister na ipinagtaka ko lalo. Hindi ko maintindihan, bakit hindi ko matandaan na inukit ko 'yan? Bakit hindi man lang na ikuwento sa'kin ni dad? Kahit si mom o kuya ang tungkol sa kaniya. Kilala kaya nila ang lalaking 'to? Sino ka ba Martin? naging bahagi ka kaya ng nakaraan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD