Nag-start na kaming kumain at ngayon ko lang na realize kung ano ang pagkaing sinusubo ko. Ito'y carbonara lang naman, napatingin ako sa kaniya pero panay subo lang siya.
"Ako ang nag-luto niyan," biglang sabi niya na ikinagulat ko talaga.
"Marunong ka palang mag-luto," hindi makapaniwalang sambit ko.
"Oo, namana ko kay dad at niluto ko 'yan for peace offering, para sa'yo." Then he look at me. Hindi ako nakaiwas, kusa na ring tumitig ang mga mata ko sa kaniya.
Hindi ko na talaga siya maintindihan, nag-effort siyang lutuin 'to para sa'kin. Siya rin kaya ang nagluto nung green curry na binigay niya sa'kin?
Kumain na lang ako, hinayaan ko na lang siya na tingnan ako. Pero may biglang dumating, sina Liezel.
"Nakakagulat naman na makita kayong magkasama kumain," wika ni Liezel nang makarating silang tatlo sa direksyon namin ni Sebastian.
"Oo nga pala, iisang club lang pala kayo," dugtong pa niya.
"Close kayo agad? Na forget na ang war Vienna?" Maarteng saad ni Mae. Nakakapikon na sila, kainis! Kaso nga lang ayoko silang patulan.
"Sabagay, bakit ka naman magtatanim ng galit sa gan'yang itsura? I feel you Vienna, gan'yan din ako pero hindi ako gano'n magalit at magpahiya ng tao."
Napatayo na 'ko dahil sa sinabi ni Liezel pero pinigilan ako sa braso ni Sebastian. Tumayo siya at seryosong hinarap sina Liezel. Marahan niyang binitawan ang braso ko at masamang tiningnan ang tatlong babaeng nasa harapan namin.
"Umalis na kayong tatlo bago pa magdilim ang paningin ko at baka ano pa ang magawa ko sa inyo," seryosong sabi niya.
"Bakit mo ba pinapansin ang babaeng 'to? Tapos kinakampihan mo pa siya," galit na sabi ni Liezel. Naikuyom ko na ang kamay ko, gusto ko na siyang patulan pero itong si Sebastian pinigilan ako.
"Ayaw mo sa mga babae 'di ba? Because of your--"
Nagulat na talaga ako sa sunod na nangyari. Hinampas ni Sebastian ang hawak niyang paper plate na may lamang pagkain sa pagmumukha ni Liezel. Madaming nakakita sa ginawa niya, madami rin ang nagulat lalo na ako.
Bakit niya 'yon ginawa? Si Liezel umiyak na, dinaluhan naman siya ng dalawang kaibigan niya. Pero ako nakatingin pa rin kay Sebastian, umiigting na ang panga niya sa galit.
"Sa oras na banggitin mo ulit 'yon, hindi lang 'yan ang aabutin mo," malamig na sambit niya at agad na rin siyang umalis.
But after a minute sinundan ko si Sebastian, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa pero sa tingin ko kailangan niya ng kausap.
Sa bawat dinadaanan niya, nakatingin sa kaniya ang lahat pero patuloy pa rin siya sa paglalakad at nakasunod lang ako.
"Sebastian sandali.. Sebastian," tawag ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig.
"Sebastian ano ba?! Tumigil ka nga muna," sigaw ko. Masakit na ang paa ko at med'yo malayo na kami sa Music Club. Malapit na kami sa garden pero hindi pa rin siya tumigil.
Huminto na 'ko, napayuko at napakapit sa mga tuhod ko. Hiningal ako ro'n kainis! Ano ba kasing meron do'n sa sinabi ni Liezel kaya biglang nagalit si Sebastian?
Umayos ako ng tayo pero nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya at nakatingin sa'kin. Pero ang mas ikinagulat ko, umiiyak siya at namumula na ang kaniyang mga mata.
Nagulat na naman ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya 'ko ng mahigpit. Marami ang nakakita sa ginawa niya pero hindi ko na lamang ito pinansin. I just hug him back 'cause he needs me now. Bahala na kung ano man ang isipin ng mga nakakita, wala na 'kong pakialam do'n.
After that scenario, naupo na lang kami rito sa garden. Pero tahimik lang siya at nakatingin sa malayo. Ayoko namang magsalita kasi baka ano pa ang lumabas sa bibig ko but I will try to ask him.
"Sebastian.." banggit ko ng pangalan niya pero hindi niya 'ko nilingon.
"Bakit mo 'yon ginawa kay Liezel? Given ng masungit siya at kontrabida. Pero Sebastian babae 'yong sinaktan mo, nakita mo namang umiyak si Liezel 'di ba? I'm sorry if I'm crossing the line, pero babae rin ako. Pangit tingnan sa inyong mga lalaki na nananakit kayo ng babae."
Hindi siya sumagot, nanatili siyang tahimik kaya napabuntong hininga na lang ako. Alam kong narinig niya ang mga sinabi ko, pero ano pa nga ba ang aasahan ko sa kaniya?
"Hali ka na, baka hinahanap na tayo sa club," sabi ko bago tumayo. Mas kailangan niya si Britt at Enzo kaysa sa'kin. Ayoko na rin siyang tanungin at kausapin baka mas lalo lang siyang magalit.
"Mauna ka na, susunod ako," sagot niya. Kahit ayaw ko siyang iwan dito sa garden, ginawa ko na lang. Pagkaalis ko, tinext ko agad si Britt. Sila lang talaga ang kayang pagkatiwalaan ni Sebastian.
Nakabalik na rin naman ako sa Music Club pero parang wala silang alam sa nangyari. Pagkapasok ko sa loob, kantahan at tugtugan ang kanilang ginagawa. Naupo na lang ako at napabuntong-hininga.
"Vienna, saan ka galing? At si Sebastian asan?" Tanong ni Liam nang mapadaan siya sa harap ko.
"May pinuntahan lang at si Sebastian pabalik na 'yon," sagot ko. Lalong hahaba sungay ko nito, ngayon lang talaga ako magsisinungaling kasi kailangan.
"Gano'n ba, kaya naman pala hindi kayo nakabalik agad. Nakadalawang games na kanina at after nito magkakaroon ulit ng game. Baka si Sebastian papunta na rito," wika niya, tumango na lang ako.
Ewan ko ba kung may balak pang bumalik dito si Sebastian. Sa tingin ko kasi hindi na, sa itsura niya pa lang kanina wala na siyang balak na magsaya pa.
After a minute, diniscuss na ni kuya Dim ang instruction ng pangatlong game. By partner na naman and this time, hindi ulit kami makakasali.
"Dim paano si Vienna? Hindi pa nakakabalik si Sebastian," sabi ni Patrick. Napatingin tuloy sa'kin ang lahat.
"Saan ba nagpunta si Sebastian? Bakit hindi pa rin siya nakakabalik?" Takang tanong ni kuya Dim.
"Ako na lang muna ang pa-partner kay Vienna habang wala pa si Sebastian," suggestion ni ate Sheene.
"Okay lang ate Sheene, manunuod na lang po ako," sagot ko para tumigil na sila.
"Sure ka Vienna?" Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ni Sam.
At nagsimula na nga ang 3rd game, paper dance ang lalaruin nila. Nanunuod lang ako pero hindi ko napigilan ang mainggit. Sana talaga nandito siya, pero wala at hindi pa siya nakakabalik.
In the end of the game, nanalo sina Bryan. Ang galing kasi ng strategy nilang dalawa, bukod sa maliit ang partner niya magaan lang din ito. It's already 12:35 pm pero hindi pa rin nakakabalik si Sebastian. Lunch time na at nagsikain na rin ang iba. Nakaupo lang ako ngayon sa pinaka-corner ng room at nakikinig ng music. Nawawalan na 'ko ng gana sa celebration na 'to, gusto ko na ring umuwi at magpahinga.
"Vienna.." Inalis ko ang suot kong earpads no'ng lumapit sa direksyon ko si ate Sheene. May bitbit siyang paper bag pero hindi ko alam kung para kanino.
"May nagpapabigay, galing daw kay Tine," aniya sabay abot sa'kin ng paper bag.
"Salamat po ate," tugon ko at kinuha ito.
"Hindi raw niya maibigay sa'yo ng personal kasi may soccer practice sila."
Kaya naman pala. Tinupad niya talaga ang sinabi niya sa'kin kahapon, for sure naman makakain ko na 'to.
"Boyfriend mo ba si Tine? Paano si Sebastian?" Malungkot na saad niya na ikinagulat ko.
"Po?" Gulat na tanong ko.
"Ahh wala Vienna hehe, kainin mo na 'yan," tugon nito at umalis na siya sa harap ko.
Anong ibig niyang sabihin? Paano si Sebastian? Ano raw?