"Every partners magkakaroon ng picture taking, first documentation ng Music Club," anunsyo ni ate Sheene.
Sinasadya ba nila itong mangyari? Hindi na nakakatuwa. After ng celebration na 'to, for sure ako na naman ang magiging topic sa social media.
Nagsimula na nga ang picture taking, naupo na lang muna ako at napabuntong hininga ng malalim.
"Vienna.."
Napasinghap ako nang marinig kong tinawag ako ni Sebastian. Ito pa lang ang unang beses na banggitin niya ang pangalan ko. 'Di ko alam pero ang ganda ng pagkakabigkas niya nito.
"Hmm?" Tanging sagot ko pero hindi ko siya nilingon.
"Tungkol sa nangyari kahapon, I'm sorry hindi ko sinasadya," sabi niya.
Akala ko pa naman wala sa bokabularyo niya ang salitang "sorry" meron naman pala. I didn't expect this, kasi akala ko hindi siya magso-sorry sa'kin. Ang isang Sebastian marunong naman pala tumanggap ng pagkakamali niya.
"Forget it," maikling sagot ko. 'Yon na lang ang naisagot ko, ayoko na rin naman kasi itong pahabain pa. Pero galit pa rin ako sa kaniya at hindi niya agad-agad maiaalis sa'kin 'yon sa isang sorry lang niya.
"Vienna, kayo na rito," wika ni ate Sheene.
Tumayo na lang din naman ako at nagpunta na sa gitna. Lumapit sa'kin si Sebastian, nasa right side ko siya at sa tingin ko ka height niya lang si Tine.
"Pakita niyo naman ang couple bracelet niyo. I-I mean ang bracelet niyo as partner." Kinilig ang lahat ng dahil sa sinabi ni kuya Dim pero ako naaasar.
Inangat ko ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang bracelet at gano'n din ang ginawa ni Sebastian. Ngumiti na lang ako ng pilit, actually napipilitan lang din naman ako rito.
"Next shot naman, hawak ka Seb sa balikat ni Vienna," utos ni Louie, siya kasi ang photographer.
Nakakarami na sila, naiinis na talaga ako.
"Required ba 'yon?" I asked.
"Every partners, 2 shots Vienna. Sige na, para sa Music Club," sagot ni kuya Dim. Napatingin ako kay Sebastian pero nakatingin na pala siya sa'kin nang hindi ko namamalayan.
No choice na rin naman kaming dalawa kaya ginawa na lang ni Sebastian ang inutos sa kaniya. Humawak nga siya sa balikat ko at mas lalo akong nilapit sa kaniya. Kinabahan ako sa ginawa niya at ang puso ko, ang lakas na ng kabog nito. Nararamdaman ko lang 'to sa tuwing nagkadikit ang balat naming dalawa at malapit ako sa kaniya.
But why I suddenly feel this? Gusto ko na ba siya kaya ito ang nararamdaman ko sa kaniya?
Natapos na rin naman ang picture taking, nagsi-upo na rin naman kaming lahat. Still, katabi ko pa rin si Sebastian. Naaasar na 'ko kanina pa, sa tingin ko pinagplanuhan talaga nina kuya Dim 'to.
"Ang first activity na gagawin niyo ay sasayaw kayo ng kahit na anong klase ng nursery rhymes. This time, no music related. Sasayaw lang kayo as partners, kami na ang bahala ni Sheene kumanta sa napili niyong kanta related sa topic. Bibigyan ko kayo ng 30 minutes para mag-prepare then by 10 am, magsisimula na tayo," paliwanag ni kuya Dim.
Ano naman kaya ang sasayawin namin? Hindi nga ako marunong sumayaw eh. Nag-start na mag-discuss ang iba pero kaming dalawa ito nakaupo lang.
"May naiisip ka ba?" Tanong ko at napalingon sa kaniya.
"Alam mo naman siguro ang watermelon dance?" Pinigilan ko talagang matawa sa sinuggest niya.
"Oo alam ko 'yon, pero ang basic ng steppings at common na sa lahat. Suggest ko na baguhin natin ang sayaw but I'm not into dancing, subukan lang natin," sagot ko, tumango naman siya.
So ayun nga nag-start na kaming baguhin ang steppings ng sayaw. Wala siyang sinuggest na kahit isa, ako lang talaga ang nag-isip kahit hindi ako professional dancer. Nakikinig nga siya sa sinasabi ko pero hindi naman siya sumasabay sa'kin sumayaw.
"Tingnan mo 'yong iba tapos na, tayo na lang ang hindi pa tapos. Sasayaw ka o isusumbong kita kay kuya Dim?" Naiinis na sabi ko sa kaniya.
Tumayo na siya at lumapit sa tabi ko. Nagsimula na nga siyang sumayaw and you know what mas malala siya kesa sa'kin. Humagalpak na talaga ako sa tawa, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ngayon lang ako tumawa ng ganito, buti na lang med'yo malayo kami sa lahat at walang nakakarinig ng tawa ko.
Napatigil siya sa pagsayaw at tiningnan ako ng masama, napatigil tuloy ako sa pagtawa. But I can't stop it, napatalikod na 'ko at kinalma ang sarili. Inhale.. exhale! Vienna focus!
"Kaya ayokong sumayaw," biglang sabi niya.
"Sorry Sebastian, don't worry hindi ka naman nag-iisa mamaya, pareho tayong mapapahiya," sagot ko at agad siyang ngumiti na ikinagulat ko talaga.
Wala pang kahit na sinong babae ang nakakita na ngumiti si Sebastian. Ang pagkakakilala sa kaniya ng lahat, introvert, masungit, misteryoso, tahimik at lalong-lalo na madamot sa ngiti. But now, nasaksihan ko ang ngiti niya na gustong-gusto makita ng lahat.
"Hindi ka naman pala madamot sa ngiti, keep it up! Nakakadagdag pogi points 'yan."
Ha? Ako pa ba 'to? Muntikan ko ng masampal ang sarili ko. Bakit ko 'yon nasabi sa kaniya? My god! Is this me? Hindi ganito si Vienna, hindi ako ganito!
Nag-start na ang first activity at napuno ng tawanan ang paligid dahil sa sayaw ni Patrick at ng partner niya. Pareho silang hindi marunong sumayaw, puro kaliwa ang mga paa. Panay tawa na lang ang lahat, parang lahat yata ng members ng Music Club hindi marunong sumayaw.
"Sinong next? Sino ang last partners?" Tanong ni kuya Dim, tinuro naman kami ng lahat. Tumayo na rin kaming dalawa at nagpunta na sa gitna.
"Anong sasayawin niyo?" Nakangiting tanong ni ate Sheene.
"Watermelon dance," sagot ni Sebastian. Nagpalakpakan naman ang lahat pero ako nagpupumigil sa pagtawa.
"So let's start, in 3..2..1 watermelon, watermelon."
Ayun na nga nag-start na kaming dalawa sumayaw. Nagtawanan na naman ang lahat pero si Sebastian seryoso lang. Habang sumasayaw ako, tawa lang din ako ng tawa dahil kay Sebastian na wala man lang pakialam sa paligid niya.
"Save the best for last talaga, anyways good job everyone at palakpakan niyo ang inyong mga sarili."
Nagpalakpakan naman ang lahat after sabihin 'yon ni kuya Dim at naupo na rin kaming dalawa ni Sebastian. Nilingon ko naman siya pero nakatingin lang siya sa harap. Hindi ko napigilan ang mapangiti habang tinitingnan siya.
Tama nga sina Michelle, hindi siya showy sa feelings niya kaya minsan nami-misinterpret ang ugali niya.
"We are done on our first activity, ngayon kakain na muna tayong lahat. May inihandang pagkain ang club para sa inyo at si Sebastian nag-donate ng dalawang menu. Thank you Seb, sa food," saad ni ate Sheene. Hindi ko inaasahan 'yon ah, mabait at mapagbigay naman pala talaga si Sebastian.
"Everyone, kumuha na kayo ng pagkain at huwag mas'yadong magpakabusog kasi magkakaroon pa tayo ng games mamaya," wika ni kuya Dim.
Nagsitayuan naman na ang iba pero ako nanatiling nakaupo. Actually gutom na 'ko pero ayoko namang makipagsiksikan do'n sa gitna. Tumayo si Sebastian at pumunta sa direksyon nina Gian. Tumayo na lang din naman ako para lumabas, gusto ko lang magpahangin.
"Oy Vienna, hindi ka pa ba kakain? Gusto mo kuha kita?" Tanong ni Bryan no'ng papalabas na 'ko ng club.
"Huwag na Bryan salamat na lang, labas muna ako," sagot ko at tuluyan ng lumabas.
Umupo naman ako agad sa isang mahabang upuan at napatingin sa paligid. Parang halos lahat ng estudyante, busy sa mga clubs nila.
Inopen ko ang phone ko, napangiti ako nang makita kong may nag-pop up na isang text galing kay tita Georgina.
Hi sweetie, how are you? I try to call you but it seems that you're busy. By the way, we miss you sweetie. I hope you can visit us here, call me if you're not busy okay? I love you
She is just my step mom but she really treat me as her own daughter. I hope to see her soon and also my dear little brother, Gavin. After kasi mailibing si dad, umuwi na 'ko rito sa Pilipinas kaya hindi ko na sila nagawang bisitahin sa US.
"Vienna.." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Sebastian. May bitbit siyang dalawang paper plate na may lamang pagkain. Inabot niya naman sa'kin ang isa at nag-aalangan pa 'ko na kunin ito.
"Papasok naman ako pero salamat dito," sabi ko at naupo siya sa tabi ko.
"Ikaw na lang kasi ang hindi pa kumakain kaya kinuha na kita ng pagkain," sagot niya.
"Dito talaga tayo kakain? May upuan naman sa loob," ani ko, umiling siya bilang sagot. Napansin ko kasi na marami na ang nakatingin sa'min dito kahit kararating pa lang niya.
"Hindi ako komportable do'n sa loob, pero kung gusto mo na sa loob kumain okay lang."
"Sige dito na lang, para may kasama ka," sagot ko at napatingin siya sa'kin pero hindi rin naman 'yon nagtagal.
Bakit bigla akong naging mabait sa katabi ko ngayon?