BRITT'S POV
----FLASHBACK----
Balak na naming kausapin si Vince na kapatid ni Vienna. Ayaw na naming patagalin pa ito, kailangan na naming malaman ang lahat at siya lang ang makakapagsabi sa amin nito.
Nandito kami ngayon sa field, may soccer practice ngayon si Vince at nalaman namin ito sa mga fans niya. Tamang-tama lang ang dating namin, kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench.
"Vince Malvar," sambit ko ng pangalan niya at napalingon naman siya sa direksyon namin.
"Pwede ka ba naming makausap?" Tanong naman ni Enzo.
"Kabilang kayo sa team ni Sebastian 'di ba?" Tanging pagtango ang naisagot naming dalawa ni Enzo.
"Kilala mo kami 'di ba?" Tanong ko.
"Oo kilala ko kayo, natalo namin kayo sa match 'di ba?" Nakakapikon na ang isang 'to.
"Bukod do'n, na-meet ka na namin before," sagot ni Enzo.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto niyong iparating pero wala akong natatandaan na na-meet ko na kayo before. Bakit anong meron?" Inosenteng tanong niya.
Gusto ko na siyang suntukin pero pinipigilan ko ang sarili ko na gawin 'yon. Nagmamaang-maangan ang isang 'to, wala nga ba talaga siyang naaalala?
"Bakit 'di ka na lang umamin? An'dami mo pang satsat," galit na sambit ni Enzo.
"Kayo pa talaga ang may ganang magalit? Wow! Nakakagulat kayong mga taga Political Science." Susugod na sana si Enzo pero buti na lang napigilan ko siya sa braso.
"Sino ba kayo ha?! At anong kailangan niyo sa'kin?!" Galit na sigaw ni Vince.
"Kami lang naman ang mga kaibigan ng kapatid mo," sagot ko na ikinagulat niya.
"Matagal ka na naming kilala at alam na namin ang nangyari kay Vienna 3 years ago. Bakit niyo siya nilayo sa'min? May kasalanan ba kami ha?! Bakit niyo tinago sa'min si Vienna?!" Galit na sigaw ko.
Ang dami ng nakatingin sa'min pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
"Alam mo ang sagot Vince kaya sabihin mo na sa'min bago pa kami umamin sa kapatid mo," dugtong ko. Agad niya 'kong kinuwelyuhan at tinitigan ng masama. Pero biglang dumating ang mga kaibigan niya para awatin siya.
Sa reaksiyon palang niya, halatang may alam siya.
"Unang-una sa lahat hindi ko na matandaan ang araw na nakilala ko kayo. Pangalawa, wala kayong alam sa buong nangyari kaya tumahimik na lamang kayo. Pangatlo, sa oras na makarating 'to kay Vienna, hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko. Hayaan niyo na ang kapatid ko, huwag niyo na siyang guluhin. Maayos na ang buhay ng kapatid ko kaya huwag niyo ng sirain pa."
----END OF FLASHBACK----
Hindi kami makakapayag sa gusto niya, may karapatan kami na sabihin kay Vienna ang totoo. May tinatago si Vince pero ayaw niyang sabihin sa'min lalo na sa kapatid niya. Hahanap kami ng paraan para malaman namin ang lahat.
VIENNA'S POV
Dahil sa paghatak sa'kin ni kuya, diretso uwi kami ng bahay. Hindi man lang siya nag-explain at wala siyang ni isang binanggit sa'kin.
Katatapos ko lang mag-half bath at nag-early dinner na rin ako. Gusto ko na kasing magpahinga 'tsaka maaga pa 'ko bukas. In-open ko naman ang phone ko pagkaupo ko sa kama and again, I received a text from this unknown person.
"I'm sorry"
Bakit siya humihingi ng tawad? Hindi ko maintindihan.
Napasinghap ako sa gulat nang sagutin niya ang tawag ko.
"Hello, please answer my question. Who are you? Just tell me please. Why you're sorry? Did you do something? What is it? Please I just want to know," nagmamakaawang ani ko pero hindi siya sumagot. Napahawak na 'ko sa sintido ko but after a minute, may narinig akong strum ng gitara.
Pinakinggan ko lamang ito ng mabuti. Until I realize, it's the favorite song of mine. But the call has ended and then, my tears fell out of nowhere.
I'm on my way papuntang university, medyo na late ako ng gising dahil sa nangyari kagabi. I have no idea kung babae ba siya o lalaki, but I sense that it's a guy. And I really want to know who he is as soon as possible.
After 25 minutes, nakarating na ako sa university. Papunta na rin ako sa Music Club habang bitbit ang gitara ko. Hindi nagtagal nakarating na rin ako sa club. Akala ko late na 'ko, buti na lang hindi pa nagsisimula. Pagkapasok ko sa loob may nakahandang mga pagkain at may mga balloons na nakadikit sa lahat ng corners ng room. Anong meron ngayon?
"Hi Vienna, buti nakarating ka na. Maya-maya magsisimula na tayo," nakangiting salubong sa akin ni ate Sheene.
"Anong meron ngayon ate?" Takang tanong ko.
"Opening celebration para sa mga bagong members ng club. Every year ginagawa 'to at magkakaroon tayo mamaya ng iba't-ibang activities at games," sagot niya.
"Ahh gano'n po ba, sige po ate."
"Maupo ka na, si Dim maya-maya parating na."
Naghanap na ako ng bakanteng upuan. Nilapag ko rin naman ang bitbit kong gitara at naupo na sa isang silya. Sina Louie nagre-rehearse, siguro kakanta sila mamaya.
"Hi, ikaw si Vienna 'di ba? Pamangkin ni Professor Lozano?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Mukhang kilala na nga ako ng lahat dahil kay tito.
"Hello, oo ako nga si Vienna," sagot ko.
"I'm Isabel, 2nd year from College of Architecture and she's Xianna, my classmate," nakangiting pakilala niya.
"Hi Vienna, nice to meet you," 'yong Xianna at nakipag-shake hands siya sa'kin. Akala ko walang kakausap sa aking bagong members, buti na lang meron.
Dumating din naman si kuya Dim at nagsiupo na rin sina Louie kasali na riyan si Sebastian. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya, ayokong masira ang araw ko ngayon. Gusto ko masaya lang at mag-e-enjoy ako.
"Good morning everyone, napansin niyo rin naman siguro kung anong meron ngayon. Every opening ng mga clubs nagkakaroon ng celebration para sa mga bagong members. Syempre hindi mawawala ang pa games at activity. But for now, magkakaroon muna tayo ng draw lots. By partner ito at kapag tapos na ang draw lots, pwede niyo ng hanapin ang partner niyo. Siya ang magiging partner niyo for the whole games and activity in this celebration at every activities na gagawin sa Music Club. Is it clear?" Paliwanag ni kuya Dim at tumango naman kaming lahat. Nagsimula na nga ang draw lots pero hindi pa 'ko nakakabunot.
"Vienna ikaw naman," wika ni ate Sheene. Bumunot na rin naman ako sa loob ng box at binuksan ang papel.
Ang swerte ko naman dahil favorite number ko ang nabunot ko.
"Okay na ba lahat? Kung oo, pwede niyo ng hanapin ang partner niyo," wika ni kuya Dim. Si Isabel at Xianna, ibang number ang nabunot nilang dalawa at hindi pareho ng sa akin.
"Vienna, anong number ang nabunot mo?" Tanong ni Patrick.
"Number 8, bakit?" Sagot ko.
"Partner mo si Sebastian, 8 din ang nabunot niya."
Ang dami rito na pwede kong maging ka partner, bakit siya pa?
"Sebastian, si Vienna ang partner mo," sigaw ni Patrick. Nagsimula tuloy ang tuksuhan no'ng lumapit na siya sa direksyon ko. Ngunit napaiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya.
"May inihanda kaming bracelet for both partners, hindi naman siguro magiging issue 'yon 'di ba?"
Tinanong pa talaga ni kuya Dim, halata namang issue 'yon sa iba dahil kay Sebastian.
"Sebastian, ikaw na ang mauna. Kunin mo na rito at ipasuot mo kay Vienna."
Nanlaki talaga ang mata ko dahil sa sinabi ni ate Sheene. May kamay ako at kaya ko na suotin 'yon mag-isa.
Kinuha na ni Sebastian ang bracelet at bumalik na sa puwesto niya after niyang kunin kay ate Sheene. Sinuot niya muna 'yong para sa kaniya, at ito na nga. Ayoko na rin namang mag-inarte pa kaya inangat ko na lamang ang braso ko sa harapan niya.
Nakatingin sa'min ang lahat, daig pa na may proposal na nagaganap. Naisuot niya na sa'kin ang bracelet and after that, tiningnan niya 'ko pero umiwas ako agad ng tingin sa kaniya.
"O 'di ba maganda? Bagay na bagay ang bracelet sa inyong dalawa," wika ni kuya Dim.
Hindi ko napigilan ang mapabuntong hininga ng dahil sa sinabi niya.
Bagay? Tsk!