Chapter 25

1466 Words
"Vienna, are you okay? Kanina ka pa tulala diyan. Iniisip mo pa rin ba 'yong unknown person na nag-text sa'yo?" Wika ni Therese. Katatapos lang ng first class namin, na ikuwento ko na sa kanila kagabi ang tungkol do'n sa text pero hindi naman 'yan ang iniisip ko ngayon. "I'm fine Therese, inaantok lang ako," sagot ko na lang para hindi na siya magtanong pa. "By the way Vienna, baka bukas sa org. na 'ko kakain at baka 'di ko kayo makasama." Wednesday na nga pala bukas, nawala bigla sa utak ko ang tungkol do'n. "It's fine Therese, baka sa Music Club na rin ako magsta-stay bukas 'tsaka 1st day ko 'yon as a new member," sagot ko. "Pero paano ka? Sino ang makakasabay mong kumain? Wala ka pa namang ka close do'n," aniya. "Okay lang Therese, huwag ka ng mag-alala." Dahil sa mga orgs namin, hindi kami magkikita buong araw. Bakit kasi naging whole day pa 'yon? "Vienna.." Napatingin ako agad sa pinto nang may tumawag sa'kin, si Faith at nginitian niya 'ko. "Si Tine nandito, hinahanap ka," dugtong pa niya. Nagkatinginan kami agad ni Therese. I thought he's busy o 'di kaya nagtatampo siya sa'kin. "Puntahan mo na siya sa labas," nakangiting wika ni Therese at tumayo na lang din naman ako. Tinukso ako ng mga classmates ko sa pangunguna nina Sandra. Pagkalabas ko ng room, naabutan ko siyang nakasandal sa pader at may hawak na paper bag. Napansin niya rin naman ang presensya ko kaya agad siyang ngumiti na ipinagtaka ko. "Anong ginagawa mo rito? May klase ka pa ah," sabi ko. "Nag-excuse ako sa klase, don't worry. Here pabigay ni mom, favorite mo raw 'yan kaya kaninang umaga pinagluto ka niya," nakangiting sagot niya. Ang bait talaga ng mom niya but I can't remember her from my past. "Pasabi salamat dito, nag-abala pa talaga siya." "Ayos lang sa kaniya 'yon, kainin mo 'yan ha? Then kain ka rin ng lunch mamaya. Alis na 'ko, kita na lang tayo mamaya bye," aniya sabay pat ng ulo ko. I just smile at him. Nakarinig ako bigla ng tilian, yeah it's them none other than my classmates. Nakabalik na ako sa loob ng room, nakiusisa pa ang iba kung ano ba raw ang laman eh wala naman akong idea kung ano ang laman nito. "Ang sweet naman ni Tine, parang nililigawan ka na niya sa lagay na 'yan ah ayiee," tukso pa ni Therese. Kinuha ko naman ang laman ng paper bag at nilagay ito sa katabi kong upuan. May dalawang set ng pagkain, 'yong isa ang laman ay carbonara at 'yong isa naman isang rice with menudo. Alam nga ng mom ni Tine ang paborito kong pagkain, napangiti na lang ako. "Vienna, mukhang masarap, si Tine ang nagluto?" Nakangiting sambit ni Therese. "Hindi, mom niya ang nagluto nito, siya lang ang naghatid." "Ang bait naman ng mom niya, so ibig sabihin na meet mo na pala? Nakapunta ka na ba sa bahay nila?" Tinakpan ko na ang bibig niya, baka kasi ano pa ang sunod niyang itatanong tapos marinig pa ng lahat. "Hindi mo 'yan na ikuwento sa'min Vienna, ikaw ah naglilihim ka na." Yes 'di ko nga na ikuwento sa kanila na minsan na akong nakapunta sa bahay ni Tine. Bakit ko ikukwento? Kung tukso rin naman nila ang aabutin ko. "Kasi na--" Hindi ko na natapos ang susunod kong sasabihin nang biglang tumayo si Sebastian at aksidenteng natamaan ng gitara niya ang isang silya kung saan do'n nakalagay ang pagkain. Nahulog ito sa sahig at gumawa talaga 'yon ng ingay. Halos lahat ng taong naandito sa loob natahimik at nakatingin sa pagkaing nasa sahig. Naikuyom ko na ang dalawang kamay ko dahil sa inis at galit. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya at nilagpasan lang ako. "Hindi ka man lang ba magso-sorry?" Sabi ko bago tumayo na ikinatigil niya. Napalingon siya sa'kin pero tiningnan niya lang ako. "Vienna, hindi naman sinasadya ni Sebastian," biglang sabi ni Britt. "Shut up Britt! Hindi ikaw ang kinakausap ko," galit na sagot ko pero hindi ko siya nilingon at nakipagtitigan lang ako kay Sebastian. "Vienna, tama si Britt 'tsaka pagkain lang naman 'yan makakabili ka pa sa cafeteria," singit ni Liezel. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Ayoko sa mga taong nakikisabat kahit hindi naman kasali sa usapan. "You too shut up! Huwag kang sumali. Yes, pagkain lang 'to and I can buy as many as I can baka nga ilibre pa kita. But I appreciate things hindi katulad mo," masungit na sambit ko. Ngayon ko lang siya sinagot ng ganito but the hell I care! Nakakaubos na siya ng pasensya. "Huwag kang bastos Sebastian, bigla-bigla ka na lang aalis na parang walang ginawa. Marami pa naman ang humahanga sa'yo pero gan'yan ka." Pinigilan ako sa braso ni Therese pero hindi ako nagpatinag. Ayoko ng ganito eh, gusto talaga nilang makita ang pagiging demonyita ko. Pinipigilan ko ang sarili ko pero nakakaubos na talaga sila ng pasensiya. "If you don't know on how to value or appreciate things, umayos ayos naman kayo." Hindi ko napigilan ang maluha. Kinuha ko na agad ang natapong pagkain sa sahig pati ang dalawang lalagyanan. Hindi ko nagawang punasan ang mga luha ko at hinayaan na lang ito na umagos sa pisnge ko. "Vienna, tulungan na kita," si Therese pero pinigilan ko siya. "Okay lang Therese, kaya ko na 'to." After kong pulutin lahat ng kalat, kumuha na 'ko ng tissue sa bag at sinimulang punasan ang sahig. Nakatingin lang ang lahat sa'kin lalo na si Sebastian. Tumayo na 'ko at pumunta sa harapan niya pero hindi siya makatingin sa'kin. Dapat lang na mahiya siya sa ginawa niya, nakakapikon siya. "Try to appreciate things para maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon," seryosong sambit ko at agad ng lumabas ng room. He deserves everything that I have said nang matauhan naman siya. I can't believe him! Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi ko na talaga siya maintindihan. Damn him! "Huwag ka nang sad ah? Hindi ito makakarating kay Tine, kinausap ko na ang mga classmates natin kanina. No need to worry okay?" Marahang wika ni Therese, ngumiti na lang ako. Katatapos lang ng second period at nawalan ako ng ganang makinig sa discussion dahil sa nangyari kanina. "Si Michelle nasa isang bench malapit sa cafeteria at may binili na siyang pagkain para sa atin." Tumango ako bilang sagot at nagtungo na nga kami kung nasaan si Michelle. Naabutan namin siyang umiinom ng coke, napatigil lang siya nang makita niya na kami. Agad naman siyang tumayo at niyakap ako. "Vienna, umiyak ka raw kanina, nakita ka ng isang classmate ko no'ng napadaan siya sa room niyo. May nangyari ba?" Tanong niya matapos akong yakapin. Napatingin ako kay Therese nang makaupo na kaming dalawa. She knows what I mean kaya siya na ang nagkuwento kay Michelle. "Damn him! Walang manners, kainis siya! Kahapon pa 'yon. Kung makapangaral sa'tin, akala mo naman alam ang buong nangyari," naiinis na sambit ni Michelle after ikuwento ni Therese ang nangyari kanina. What should I expect? Gan'yan siya mag-react kapag ako na ang na aagrabyado. "Nakita niya naman na doon nakalagay tapos parang bagyo kung makadaan. Ayun walang natira, ang sahig na ang nakatikim at hindi si Vienna. Ewan ko ba kung bakit niya 'yon ginawa? Makikita mo naman sa kaniya na galit sya at naiinis pero hindi naman namin alam kung bakit nagkagano'n 'yon," si Therese. Tama siya, mukhang napikon si Sebastian pero hindi ko naman alam ang dahilan. Hindi naman ibig sabihin niyon na maninira siya ng araw, dinamay niya pa ang pagkain. "About sa pagkain napaka-big deal na niyon, useless lang ang effort ng mom ni Tine. Lalo na sa hindi niya paghingi ng tawad sa'yo. I understand you Vienna, alam ko kung bakit ka umiyak," saad ni Michelle. Naalala ko bigla ang pag-iyak ko kanina at halos lahat nakasaksi. Hindi ko ugali ang umiyak in public, ayokong makita ng lahat ang kahinaan ko. Pero dahil sa ginawa ni Sebastian, natutunan ko ng gawin 'yon. "Hindi kaya nagseselos siya kay Tine?" Biglang sabi ni Therese, napatingin talaga ako sa kaniya agad. "Kasi alam mo Vienna, no'ng lumabas ka ng room kanina para puntahan si Tine. Napansin ko na nag-iba ang mood ni Sebastian, hindi ako nagkakamali at for sure nagseselos 'yon," dugtong pa niya. How come na magseselos siya? We're not even close. "Hindi tayo sigurado riyan, masamang mag-assume. Malalaman din natin 'yan, hindi mahirap kilatisin si Sebastian. Kahit hindi showy ang lalaking 'yon, mapapansin pa rin natin sa kinikilos niya towards sa'yo." Ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinagot ni Michelle. Ayokong isipin 'yon kasi paniguradong hindi 'yon totoo at malabo 'yon mangyari. I don't care about his feelings, hindi ko naman nakikita sa kaniya na kaya niyang magmahal ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD