Chapter 24

1075 Words
VIENNA'S POV Katatapos lang ng klase ko ngayong hapon, still affected pa rin ako sa mga sinabi ni Sebastian. Ewan ko kung ano ang gusto niyang iparating sa'kin, nakapagtataka siya. Si Therese kakaalis lang at si Michelle naman nakauwi na kanina pa. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito. Ayoko pang umuwi at gusto ko munang pumunta ng shop. After 40 minutes na biyahe, nakarating din naman ako. Ipinarada ko na muna ang kotse bago ako pumasok. "Good evening Ms. Vienna," bati sa akin ni kuya Arnold, guard siya ng shop. "Good evening din po kuya," nakangiting bati ko then pumasok na ako sa loob. As usual madaming customer, bukod kasi sa cakes nagbebenta na rin kami ng milktea kaya 'yon na rin ang dinadayo rito sa shop. "Good evening Ms. Vienna," bati sa'kin ng isang staff ko. Si ate Jessie at 2 years na siyang nagtatrabaho rito. "Good evening ate, kumusta rito? Okay naman ba? Si tita Mhegan pumupunta pa ba rito?" I asked sabay lapag ng bag ko sa isang bakanteng silya. "Yes po Ms. Vienna, si ma'am Mhegan pumunta po rito kahapon. Chineck niya lang ang mga kulang na stocks ng ingredients at kanina lang po dumating ang mga pina-deliver niya. Wala na pong poproblemahin, kompleto na po lahat," sagot niya. "Mabuti naman kung gano'n. Simula bukas dito na 'ko didiretso para matulungan ko kayo. And please tell her, I can handle everything here in my shop. Nandito na rin naman ako, ako na ang bahala sa lahat. Kung may problema rito ate, ako ang una mong sabihan and you don't need to tell her okay?" She can mind her own business, nandito na rin naman ako at shop ko 'to. "Okay po, Ms. Vienna." "Good, paki-serve na rin po ako ng milktea. No nuts ate." "Yes po Ms. Vienna, sandali lang po." Naupo na ako at kinuha ang notebook at ballpen ko. Magsisimula na 'ko sa paggawa ng project proposal ko, ida-draft ko na muna bago ko ita-transfer sa laptop. Nai-serve na rin sa'kin ni ate Jessie ang milktea na hiningi ko at ininom ko rin naman ito. Nag-vibrate ang phone ko sa mesa, I received a text from unknown person. "You change a lot." It's short but meaningful, kanino naman 'to galing? Napatingin ako sa mga customer pero busy silang lahat sa pakikipagkwentuhan. Napatingin ako sa labas pero wala namang tao. I sense that this unknown person really knows me. Kumakabog ang puso ko ng napakabilis, sino naman kaya 'to? Mga 7 pm na rin ako nakauwi sa bahay at nasa utak ko pa rin ang text na 'yon. Kahit sa biyahe hanggang pagdating ko ng bahay, 'yon pa rin ang iniisip ko. Konti lang ang nakakaalam ng number ko, my social media accounts are all private and how come na may makakaalam pa ng number ko? Nagtungo na ako sa kwarto ko at naupo agad sa kama pagkapasok ko. I try to call the number pero out of coverage area, tinext ko rin naman ito pero hindi nagre-reply. Hindi 'yon wrong send dahil kung gano'n nga, makaka-receive ako ng isa pang text pero wala. Who the hell it is? Wala akong idea kung babae ba siya o lalaki pero sigurado ako na kilala niya 'ko. Dumating din naman ang umaga, nakaligo at nakapagbihis na ako ng damit. Nagsuot lang ako ng denim pants at t-shirt, sinuot ko na lang din ang isang pares ng snickers ko. After that lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag at gitara ko. Kakalabas lang din ni kuya sa kwarto niya at kahit ano pa ang isuot niya, ang gwapo pa rin niya. "Bakit may dala kang gitara? Bukas pa ang schedule para sa mga clubs," sabi niya nang makita niyang may bitbit akong gitara. "Iiwan ko lang 'to sa kotse baka bukas makalimutan ko," sagot ko. "Okay, papasok ka na ba?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. "Sasabay ako, hindi ko pa kasi naipalinis ang kotse ko." "Okay, pasalamat ka good mood ako ngayon." "Kahit good mood ka pa, hindi ka naman nagpapasabay." I just rolled my eyes at iniwan na siya. Bumaba na kaming dalawa at naabutan naming kumakain na ng breakfast sina mom at tito Lucas. "Aalis na ba kayo? Kumain na muna kayo Vince," aya ni mom. "We're late mom, sa university na lang kami kakain. Alis na po kami," sagot ni kuya. Liar! Maaga pa kaya. But thanks to him, ayoko pang sumabay sa kanilang kumain. Sumakay na rin naman ako ng kotse and I decided na siya ang mag-drive pero napilitan lang naman ako. "Nagkausap na ba kayo ni mom?" Suddenly he asked, we're on our way papuntang university. Umiling ako bilang sagot, I'm not mad ayoko lang talaga siyang kausapin. "I'm not in a mood para kausapin siya 'tsaka ang dami ko pang iniisip. Puro kadramahan lang naman ang maririnig ko sa kaniya," sagot ko. "Ano bang iniisip mo? About school? Love life? 'Di mo naman kailangang problemahin ang pera, marami ka naman niyon." "Don't mind it kuya." "Lagi ka na lang gan'yan, kapatid ba talaga kita? Bakit hindi mo kayang mag-share sa'kin ng mga problema mo?" Hindi ko na siya sinagot, bahala siya diyan hindi niya rin naman ako matutulungan. "Why? Matutulungan mo ba 'ko kapag sinabi ko sa'yo?" "Tungkol nga saan? Paano kita matutulungan kung hindi mo naman sinasabi sa'kin?" Hindi ko na kailangan pang i-share sa kaniya dahil hindi niya naman ako matutulungan. "Vienna, hindi tayo lalabas ng kotse hangga't hindi mo sinasabi sa'kin," seryosong sabi ni kuya. Nakakapikon na siya, kainis! "It's about my past okay? Masaya ka na?" Iritadong sagot ko. "Vienna, 'di ba sinabi ko na sa'yo dati pa na kalimutan mo na lang ang mga nangyari before. Ikaw lang ang mahihirapan kapag pinagpatuloy mo 'yan." "See? Hindi mo nga ako matutulungan kaya ayokong sabihin sa'yo eh kasi in the end walang tutulong sa'kin." "Vienna, hindi nga kita matutulungan diyan, kung meron sana edi dati ko pa ginawa at sana dati pa natulungan na kita. Ano pa bang kailangan mong balikan sa nakaraan mo?" "If 'di mo ko kayang tulungan then fine! I don't need your help anyway." After that, hindi na 'ko nagsalita hanggang sa nakarating kami ng university. Pagkaparada niya ng kotse kinuha ko na agad ang susi at bumaba na. Nauna na rin akong pumasok sa gate. Nakakabanas siya! Kuya ko ba talaga siya? Kahit suporta niya man lang sana maa-appreciate ko, kaso wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD