In the end, kinain ko "both" ang pagkaing binigay nila. Alangan naman itapon ko? Edi masasayang lang ang effort nilang dalawa. Kahit busog na busog na 'ko, hindi ako tumigil hangga't 'di ko naubos pareho. Parang sasabog na ang tiyan ko at gusto ko na ring sumuka.
Bakit ba ginagawa nila sa'kin 'to? Oo, mabait naman talaga si Tine pero si Sebastian mabait naman kaso hindi ko siya maintindihan.
Nandito ako ngayon sa bench kasama itong dalawang babae na kanina pa nakatingin sa'kin. I already told them what happened earlier kaya sila na curious din sa ginawa no'ng dalawang lalaki.
"Vienna, isa lang ang ibig sabihin niyan, gusto ka nilang pareho," biglang sabi ni Therese na naging dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa braso.
"Hindi 'yan mangyayari Therese, bago pa lang ako sa university na 'to," sagot ko.
"Hindi ka kasi naniniwala sa love at first sight. Mahahalata kay Tine na gusto ka nga niya kasi naman biglang nag-walk out? Ano 'yon? Duhh! Sa case naman ni Sebastian, pwede rin na gusto ka niya, hindi naman kasi mas'yadong showy ang taong 'yon. Ginagawa niya ang mga sweet na bagay ng palihim at minsan ginagawa ito ng kusang-loob na masasaksihan ng lahat," wika ni Michelle.
Napaisip ako sa sinabi niya, paano kaya kung totoo? Pero ayoko namang mag-assume.
"Hindi pa natin malalaman ngayon ng buo kung gusto ka nga nung dalawa. Magkakaroon lang tayo ng clue sa mga susunod nilang gagawin," dugtong ni Therese, napabuntong hininga naman ako.
"By the way Vienna, paano nalaman ni Sebastian na kakainin mo nga 'yong binili niya? Alam kaya niya na paborito mo ang green curry? Ako lang kaya ang nakakaalam na paborito mo 'yon, kahit nga mom at kuya mo hindi alam 'yon eh," wika ni Michelle.
Iniisip ko rin 'yan kanina, hindi naman pupwedeng aksidente lang 'yon?
"Hindi ko rin alam Michelle, nagulat din ako kanina," tugon ko.
"Baka ini-stalk ka niya ng 'di mo alam." Napaisip ako sa sinabi ni Therese. Magagawa kaya ng isang Sebastian 'yon?
"Siya ang inii-stalk Therese, hays. Hayaan mo na lang 'yon friend. Malapit na palang mag-time, alis na tayo," yaya naman ni Michelle.
Tumayo na lang din kaming dalawa ni Therese pero napahinto kaming tatlo nang may humarang sa daraanan namin. Hindi ko sila kilala pero parang ang isa sa kanila namumukhaan ko.
"Anong kailangan niyo?" Kunot-noong tanong ni Michelle.
"Ikaw si Vienna Malvar, 'di ba?" May galit sa tono ng boses niya. Actually second year din siya pero wala man lang ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong ni Michelle, ako nga siguro ang pakay nila.
"Ako nga, anong kailangan niyo?" Walang emosyong tugon ko.
"Ang tapang mo porket pamangkin ka ng isang professor dito," sabat ng isang babaeng naka-pony tail ang buhok at ang kapal pa ng makeup.
Paano nila nalaman? Lahat ba ng estudyante rito may alam na?
"Hoy ang tapang mo rin eh no! Huwag mo ngang sigawan ang kaibigan ko. Ano bang problema niyo ha?!" Galit na sigaw ni Michelle. Nagsitinginan ang lahat nang nakarinig sa amin pero buti na lang wala ni isang professor ang dumaan sa area na 'to.
"Iyang kaibigan mo feeling bida-bida, parang siya ang magaling sa lahat. Lahat na lang ba aangkinin mo? Nakapasok ka lang naman sa Music Club dahil sa may backer ka," sagot naman ng isang babae. Naikuyom ko na ang kamay ko dahil sa sinabi niya, nakakaubos na sila ng pasensya.
"So issue na pala 'yon sa inyo? Huhulaan ko, isa kayo sa mga fans ni Sebastian na nagmamagaling para lang makapasok sa Music Club. At anong sabi niyo? Bida-bida 'tong kaibigan ko? Parang kinakausap niyo lang din ang mga sarili niyo," galit na sagot ni Therese.
"Ang sabihin niyo naiinggit lang kayo kay Vienna kasi siya nakapasa eh kayo? Nganga! Hindi dahil sa may backer 'tong kaibigan ko eh nakapasa na siya sa Music Club kundi dahil magaling talaga siya," dugtong din naman ni Michelle.
Parang ang isa sa kanila gusto na 'kong sugudin at halos silang lahat ang sasama na ng tingin sa'kin.
"Anong nangyayari dito?" Napalingon kaming tatlo nang may magsalita sa likuran namin. Sina Sebastian ang dumating, nakakagulat ang presensya nilang tatlo kahit 'yong lima gulat na gulat din.
"May araw ka rin sa'min Vienna, tandaan mo 'yan," banta ng isa sa'kin bago sila umalis.
Nakakatakot ang banta niya na parang may binabalak siyang gawing masama sa'kin.
"Hindi ba kayo nahihiya? Kanina pa kayo pinagtitinginan pero hindi pa rin kayo tumigil," walang emosyong sambit ni Sebastian na ipinagtaka naming tatlo.
"So anong gusto mong iparating? Na kasalanan namin? Eh, kaibigan ko na 'tong inaaway at sinasabihan ng kung anu-ano," galit na tugon ni Michelle habang nakapamewang sa harapan ni Sebastian.
"Sana hindi niyo na pinatulan," kalmadong sabi ni Britt bago tumingin sa akin.
"Anong huwag patulan? Eh, nakakagigil na sila, ano hahayaan na lang namin?" Galit na sagot ni Therese.
Kanina ko pa gustong magsalita pero baka ano pa ang lumabas sa bibig ko at hindi nila magustuhan.
"Hindi mo man lang nagawang ipaglaban ang sarili mo, akala ko ba matapang ka?" Biglang sabi ni Sebastian at pagkatapos niyon bigla siyang umalis.
"Kaya kong ipaglaban ang sarili ko, 'tsaka kilala ba kita?" Sagot ko na ikinatigil niya.
The way he said that parang kilala niya talaga ako, damn him! Wala siyang alam kaya huwag niya 'kong pakialaman.
"Kung kaya mo, bakit hindi mo naman ginawa? Hanggang salita ka lang talaga," sagot niya at agad umalis. Sumunod na rin sina Britt sa kaniya.
Ngayon ko lang 'to naramdaman, never pa 'kong nainis ng ganito ka tindi na parang gusto kong magyaya ng suntukan at dahil lang 'yon sa mga sinabi ni Sebastian.
SEBASTIAN'S POV
"Pre, bakit mo naman 'yon sinabi? Paraan mo rin ba 'yon para maalala ka niya?" Tanong ni Britt. Hindi ko alam pero parang 'yon na rin ang gusto kong iparating sa kaniya.
----FLASHBACK----
"Dad kakausapin niyo raw ako?" Tanong ko nang makababa na 'ko galing kwarto. Hindi ako nag dalawang-isip bumaba kasi sabi ni nanay Lerma importante raw ang sasabihin ni dad.
"Yes anak, about sa nangyari kay Vienna 3 years ago," sagot niya na ikinagulat ko. Naupo ako sa kaharap niyang sofa at may nilagay siyang litrato sa mesa.
"Tingnan mo anak pero sana 'wag kang magugulat."
Dahil sa gusto ko na ring makita ang laman ng litrato, tiningnan ko na ito. Isang sasakyan na nabangga sa isang ten wheelerd truck at may tao sa loob ng kotse.
"Binigay 'yan ng isang staff sa kompanya ng dad ni Vienna noon. May nangyaring aksidente 3 years ago at siya ang involved," saad ni dad. Nakatingin pa rin ako sa litrato pero kinakabahan na 'ko ng sobra. Hindi ako makapaniwala na si Vienna ang taong 'to na nasa loob ng kotse.
"Matindi raw ang nangyaring aksidente na muntikan na ring ikamatay ni Vienna. Dinala naman daw siya sa ospital but it turns out na coma siya for almost 2 weeks. Pagkagising niya wala siyang ni isang maalala at nakilala sa mga taong nakaharap niya. After daw niyon, wala ng naging balita kung saan siya dinala. Lumipat na rin sila ng bahay at walang nakakaalam kung saan ito."
Tumulo na ang mga luha ko dahil sa kinuwento ni dad, hindi ko na ito napigilan. Kaya pala no'ng unang magtagpo ang landas namin hindi man lang siya nagulat nang makita ako at 'yon pala ang dahilan, na aksidente siya.
"Anak, hindi pa natin alam ang buong dahilan kung bakit nila nilayo sa inyo si Vienna. Pero sana anak, ang pangyayaring 'yon ay makapagpaalis ng galit diyan sa puso mo. May amnesia si Vienna hanggang ngayon, sana makakaya mong intindihin at tanggapin ang nangyari. Matutunan mo sana siyang patawarin, ikaw na rin sana ang gumawa ng paraan para maalala ka niya."
----END OF FLASHBACK----
"Pre, 'wag mo naman sanang biglain si Vienna sa mga sinasabi mo, imbis na maalala ka niya o kami ay hindi na mangyayari." Hindi ako nakasagot kay Britt, natahimik ako kasi alam kong mali ang ginawa ko.
Kinuwento ko na sa kanila ang binalita ni dad, kahit silang dalawa hindi rin makapaniwala sa nangyari kay Vienna. Hindi kami nakatanggap ng balita na naaksidente siya. Para kaming mga tanga na naghahanap kung saan siya pumunta pero 'yon pala, nasa ospital siya at na coma.
"Sa tingin ko, bukod sa nangyaring aksidente may masama pang nangyari kay Vienna. Kung tutuusin dapat ngayon kilala at naaalala niya na tayo pero hindi. Matagal na panahon na rin 'yon. Kailangan na nating kausapin si Vince, siya lang ang makakasagot nito," wika ni Enzo.
Bukod sa nangyaring aksidente meron pang nangyaring masama kay Vienna kasi kung wala, dapat ngayon naaalala niya na 'ko pero hindi. Si Vince, matutulungan niya 'ko pero paano ko siya kakausapin? Matagal na panahon na rin no'ng huli ko siyang makausap at kapag nagkikita kami rito sa university parang hindi niya 'ko kilala. Nararamdaman kong may alam siya pero pinipilit niyang itago sa'min lalo na sa kapatid niya.