Chapter 22

1531 Words
After 15 minutes nakabalik na sina kuya RJ. Pa ngiti-ngiti lang si DJ Chacha sa'kin na animo'y kinikilig. "Start na tayo Vienna, maupo ka na rito. Ano nga pala ang kakantahin mo?" Wika ni DJ Marion at sinunod ko naman ang sinabi niya. Naupo ako sabay bigay sa kaniya ng phone ko, naandon kasi ang minus one na kakantahin ko. Parang kinakabahan yata ako lalo na't nandito si Tine. Hindi ko naman maintindihan ang ginagawa ni DJ Marion. Basta may inaayos siya related sa sounds at nakita ko namang nag-on air na. "Magandang, magandang hapon mga kaigan. Isang masigabong palakpakan naman diyan," masayang bati ni DJ Chacha. Ito pala ang ginagawa nila rito? Nakakapanibago, mahirap din pala ang trabaho ng isang DJ. "Sa hapong ito, meron kaming inimbitahang isang famous cover artist ng kasaysayan 'di ba partner?" Wika ni DJ Marion. "Yes partner, alam kong maraming nakakakilala sa kaniya ngayon. Naghi-hit at nagkaka-million views ang mga kino-cover niyang kanta sa YouTube at f*******:. Daig pa niya ang isang music artist at an'dami niyang followers, partner," tugon ni DJ Chacha. "Plus an'dami niya ring taga-hanga partner, maraming nag-aabang na i-release ang kinover niyang kanta. For sure partner ang mga listeners natin ngayon, inggit na inggit sa atin." Napatawa na 'ko ng palihim dahil sa sinabi ni DJ Marion. An'dami nilang alam sa mga nangyayari sa'kin pero ako walang alam sa mga nangyayari sa paligid ko. "Huwag na natin 'tong patagalin partner. Please welcome our guest for today, no other than VnM." After sabihin 'yon ni DJ Chacha, humarap na rin ako sa mic. "Hello everyone," maikling bati ko. "Rinig niyo 'yon mga kaigan? Ngayon handa na ba kayo? Ang volume ng radyo, pakilakasan na," natatawang wika ni DJ Marion. Hinanda ko na rin naman ang sarili ko, napabuntong hininga ako ng wala sa oras. Pinatugtog na ang minus one na hinanda ko. Sana kayanin kong kantahin 'to, ayokong ipahiya ang station, si kuya RJ at syempre ang sarili ko. (Song playing: "Speechless" sing by: Naomi Scott) Napatingin ako kay Tine at nakatingin din pala siya sa'kin but he just smile. Pumalakpak silang lahat after kong matapos kumanta at ngumiti na lang din ako. "What a fantastic performance, parang dinala niya tayo sa setting ng Aladdin partner." Napatawa na 'ko dahil sa sinabi ni DJ Chacha, ang kulit lang nila. "Tama ka diyan partner, for sure nagustuhan ito ng mga listeners. Agree ba kayo? Ang dami tuloy magandang comments at reactions partner. Isang masigabong palakpakan ulit para diyan mga kaigan," dugtong naman ni DJ Marion. "Maraming salamat VnM na pinaunlakan mo ang aming imbetasyon, sa uulitin. After 5 minutes break, magbabalik kami mga kaigan," wika ni DJ Chacha. After that, niyakap nila akong dalawa. I have no words to say, basta masaya ako kasi nagustuhan nila ang kinanta ko. 'Di na kami nagtagal sa station, umalis na rin kami ni kuya RJ. Nagpaalam na rin ako kay Tine at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa kaniya. Mga halos dalawang oras na biyahe dahil na rin sa traffic ay nakauwi na ako sa bahay. Pagkaparada ko ng kotse, pumasok na lang din ako sa loob ng bahay. Naabutan ko namang naghahanda ng pagkain si mom sa dining area. "Good evening, ma'am Vienna," bati sa'kin ni ate Liza, isa sa mga kasambahay namin. "Vienna anak.." Napalingon ako sa direksyon ni mom. Agad siyang tumayo at lumapit sa'kin. "Nagugutom ka na ba? Hali ka, sabayan mo na kami ng tito Lucas mo," dugtong niya. "Busog pa po ako mom, kumain na 'ko pagkauwi ko rito. Sabay na lang kami ni kuya mamaya, akyat na po ako sa kwarto," walang ganang sagot ko at umalis na sa harapan niya. Not now, baka masira niya lang ang kasiyahang nararamdaman ko. Dumating din ang araw ng Lunes, as usual papasok ng university, makikinig sa teacher, take down notes, quiz at recitation. Gano'n ang nangyari sa tatlong subjects ko ngayong araw, sumasakit ang ulo ko sa mga lessons na dini-discuss lalo na sa sociology. Tapos nagbigay na ng requirements for end term, advance mas'yado eh malayo pa naman ang final exams. Katatapos lang ng class ko sa Philippine Constitution at lunch time na rin pero wala pa 'kong balak lumabas ng room. Si Therese busy sa kakaayos ng mga gamit niya and until now hindi pa rin ako pinapansin nina Britt. Wala naman dapat akong pakealam sa mga kinikilos nila towards sa'kin pero kasi tinuring ko na silang kaibigan tapos ngayon hindi nila ako magawang tingnan at kausapin. "Vienna hoy! Kanina ka pa tulala diyan, tayong dalawa na lang ang naiwan dito sa room." Napaayos ako agad ng upo at napatingin sa paligid. Tama nga siya, hays, nawawala na 'ko sa wisyo. "Tinatamad akong lumabas," sabi ko sabay ayos ng damit ko. "So balak mong mag-stay ng dalawang oras dito bago mag time?" Sagot ni Therese. "Mamaya na siguro ako kakain, mauna ka na lang baka si Michelle naandon na, matutulog na lang muna ako rito." "Sure ka Vienna? Dalhan na lang kita ng pagkain?" Umiling naman ako, wala talaga akong gana promise 'tsaka stress ako. "I'm fine Therese, sige na." "Okay, after naming kumain babalik ako rito," tugon niya. Nginitian ko na lamang siya then lumabas na siya ng room. Napahiga na 'ko sa arm chair at napapikit. Pagod talaga ako plus drained na rin ang utak ko. After 15 minutes, may naririnig akong yabag ng mga paa. Napaangat ako ng tingin, sina Sandra kasama ang dalawang friends niya. "Oh, Vienna, 'di ka kakain ng lunch?" Tanong ni Sandra. "Tinatamad akong lumabas," maikling sagot ko. "I have extra rice and ulam Vienna, baka gusto mo?" Sabi ni Lessandra. Actually, last week they are really nice to me. At first, I don't like their personality pero mabait naman pala sila. "Thank you Lessandra pero hindi pa talaga--" Napatigil ako nang may biglang kumatok sa pinto. Napansin ko na napangiti sina Sandra 'tsaka lang ako lumingon para matingnan. Why he's here? "Yiee, may taga-hatid pala ng pagkain," nanunuksong wika ni Lea. "Hashtag sanaol, 'yan ba ang hindi magjowa? Iba ka rin Tine ah," kinikilig na sambit ni Sandra. Oo si Tine nga, pa'no niya nalaman? 'Di kaya? Tsk! Si Michelle at Therese. "Pasok ka Tine, huwag paghintayin ang grasya," dugtong pa ni Sandra at hindi talaga ako makapagsalita. Pumasok din naman si Tine at nagtungo sa direksyon ko. Kumuha siya ng isang upuan at tumabi sa'kin tapos umupo na rin siya. Binaba niya na rin ang paper bag na dala niya, nakatingin lang ako sa kaniya 'tsaka niya nilabas ang mga pagkain. Bakit kaya niya ginagawa sa'kin 'to? Anong nakain niya? "Tine, inutusan ka ba ni Michelle o ni Therese?" Tanong ko bago siya tumingin sa'kin but he just smile. "Kusang-loob 'to Vienna, niluto 'to ni mom sa bahay kanina. May sobra kaya na isipan kong dalhan ka baka maalala mo pa si mom dahil dito. Oo, tinext ako ni Therese na naandito ka lang sa room niyo pero papunta na talaga ako rito no'ng nag-text siya," sagot niya. Napatingin ako kina Sandra, kinikilig lang ang tatlo habang kumakain. "Vienna Malvar.." Napatingin ulit ako sa pinto nang may nagsambit ng pangalan ko, si Lester lang pala. May hawak na bottled water at isang styrofoam na may lamang pagkain. "Special delivery for you," nakangiting wika niya pero nagulat siya nang makita niya si Tine sa tabi ko. "Late na ba 'to?" Aniya habang nakatingin kay Tine. "Kanino ba galing 'yan?" Takang tanong ni Lessandra. Kanino nga kaya galing? "Inutusan ako ni Sebastian na ibigay 'to kay Vienna," sagot ni Lester na ikinagulat ko talaga. Agad namang napatingin sa'kin sina Sandra lalo na si Tine. "Ano naman ang gagawin ko rito?" Tanong ni Lester. "Nakapagtataka, sa lahat ng mga babae rito sa university ikaw pa lang ang binigyan niya ng pagkain," wika ni Lea. "Okay lang sana kung kaibigan ka niya pero isang linggo mo palang siya nakilala. Nakapagtataka na ang bait at sweet niya sa'yo," dugtong ni Lessandra. "Hayaan niyo na, 'di naman gano'n ka big deal kaya tanggapin mo na lang Vienna okay lang 'yan. Tayo lang naman ang nakakaalam dito, wala naman ang ibang fans ni Sebastian," wika ni Sandra. Ano ba naman 'tong ginagawa ni Sebastian? Lalo niyang ginugulo ang isip ko. Minsan ang cold niya, hindi namamansin at masungit pero ngayon, nagpapakasweet siya sa'kin. Ano naman kaya ang dahilan niya para bigyan ako ng pagkain? "Akin na Lester, pasabi sa kaniya salamat," ani ko. Inabot din naman ni Lester sa'kin ang pagkain at tubig. At si Tine, tahimik lang. "Sige Vienna, eatwell," nakangiting tugon ni Lester at tumakbo na siya palabas ng room. Binuksan ko naman ang styrofoam, green curry lang naman ang laman. It's one of my favorite, pero walang ganitong ulam sa cafeteria. Saan niya naman kaya 'to nabili? "Vienna, kailangan ko palang pumunta kay coach, kainin mo lang 'yang dinala ko. Una na 'ko ha? Pakabusog ka," wika ni Tine sabay tayo nito at labas ng room. 'Anyari do'n? 'Di ko man lang siya nagawang pigilan. "Vienna, parang may nagseselos," sabi ni Lessandra pagkaalis ni Tine. Nagseselos siya? Bakit naman? Dahil ba sa pagkain o dahil kay Sebastian?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD