Nasa biyahe na 'ko papuntang studio. I received a 30 text from kuya RJ at ang laman lahat ng 'yon "where are you?". I just rolled my eyes, kanina pa raw siya naghihintay sa'kin sa parking lot eh hindi ko naman siya sinabihan na hintayin niya 'ko.
After 45 minutes, nakarating na rin naman ako sa parking lot ng studio and he's waiting me there. Pagkababa ko ng kotse sinamaan niya 'ko ng tingin, inirapan ko na lang siya. Sumakay na lang ako sa kotse niya at sumakay na rin siya.
"Ano ang kakantahin mo mamaya?" He asked. Hindi ko pala siya sinabihan kasi wala rin naman sa plano ko na sabihin ito sa kaniya.
"Malalaman mo rin 'yon mamaya," tanging sagot ko.
I realized na panay kanta lang ako ngayong araw. Una do'n sa park pangalawang beses 'yon tas mamaya ulit do'n sa station. Sumasakit na talaga ang lalamunan ko, bakit pa kasi ako pumayag?
"Parang pagod ka yata? Saan ka nagpunta kanina?" He asked again.
"Sa park, nagmuni-muni. I already told you, sa tingin mo nagsisinungaling ako?" Sagot ko naman sa kaniya.
"Sinisigurado ko lang, pahinga ka na muna diyan." Hays, salamat naman wala na siyang tanong.
Napa-lean ako sa bintana at tumingin sa mga nagdadaanang mga sasakyan. Nag-flashback sa'kin ang nangyari kanina sa park, ang boses niyang napakaganda at ang mga titig niya. Sabihin na nating nakakainlove nga ang boses niya but it doesn't mean na gusto ko siya. It's just that maganda ang boses niya na kahit na sinong babae ay magkakagusto sa kaniya.
The way he look at me parang may ibig sabihin, talagang malulunod ka sa mga tingin at titig niya. Ang mga binibitawan niyang linya parang ako 'yong tinutukoy. The way he sing it parang may kasamang pagmamahal at talagang nararamdaman ko 'yon.
Bakit kaya gano'n ang naramdaman ko? We're not really close, minsan lang din kami nakakapagusap. But I have this weird feeling towards on him na parang I've known him before or it's just that nag-a-assume lang ako.
"Vienna, hoy!" Saka lang ako nagising sa reyalidad at napaayos ng upo. Napatingin ako kay kuya but he's already outside of the car.
Kanina pa kaya kami nakarating? Bakit 'di ko man lang napansin?
"Kanina pa kita tinatawag, lumabas ka na diyan then ayusin mo ang hoodie na suot mo at isuot mo na rin 'yang shades mo." Sinunod ko naman ang sinabi niya bago ako lumabas ng kotse.
"Hindi niya naman siguro ire-reveal ang identity ko 'di ba?" I asked nang makalapit na 'ko sa direksyon niya.
"We already talked about that Vienna, don't worry safe ka just trust them okay? Hali ka na, bago pa may makakilala sa'kin dito," tugon niya sabay akbay sa'kin.
Pumasok na lang din kami sa loob ng station at binati naman ng mga staff si kuya. Syempre, isa siyang manager ng isang artista at mga singers kaya nakilala siya ng mga staffs na naandito. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan din ako ng mga taong nakakasalubong namin.
Kasalukuyan kaming nakasunod ngayon sa isang babaeng staff at pinapasok niya kami sa isang studio. Dito na siguro ang main area ng mga DJ's. Pagkapasok namin nakipagkamay si kuya RJ sa dalawang DJ, nakatingin lang ako. Pero may nahagip ang mata ko, isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa isang swivel chair at nakatalikod mula sa'min.
Oh my goodness! Kilala ko na kung sino siya. It's Tine Alvarez!
Nagsimula na 'kong kabahan, not now! Hindi niya p'wedeng malaman. Bakit kasi siya naandito? Invited din ba siya?
"And I would like you to meet Vienna Malvar also known as VnM." Sa kakatingin ko kay Tine, naipakilala na pala ako ni kuya RJ. Gulat na gulat naman ang dalawang DJ sa'kin na parang nakakita ng multo.
"Finally na meet ka na rin namin. I'm DJ Chacha and this is DJ Marion. Hindi nga kami nagkamali, ang ganda mo nga and for sure madaming maiinggit sa'ming mga listeners."
I just smile for what she said, parang na out of words ako dahil kay Tine.
"May balak ka bang pumasok ng Music Industry? Balita namin ang una mong kinompose na kanta, kinanta ng isang artist. Totoo ba 'yon?" Tanong ni DJ Marion at tumango naman ako bilang sagot.
Way back in 2017, after kong mag-cover ng isang kanta nag-decide ako na sumali sa isang contest sa Star Music PH. Mga aspiring composers na gustong i-share ang mga talents nila. Sampo ang nanalo at kasali ako ro'n. Ang ginawa kong song kinanta ng isang artist na nag-hit at trending sa buong Pilipinas. So I've plan to compose another song na ako naman ang kakanta.
"Wala siyang balak na pumasok sa Music Industry, magfo-focus na muna siya sa pag-aaral then after niyang gumraduate saka lang siya magde-decide. Now, hanggang covers at pagco-compose na lang muna siya." Si kuya RJ na lang ang sumagot kasi naman 'di ko rin masagot. Alam na rin naman na lahat ni kuya, kaya siya na ang bahala.
"Can I ask?" Sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Tine.
"Sure ano 'yon?" Sagot naman ni DJ Chacha bago ko tinuro si Tine.
"He's Tine Alvarez, pamangkin ng may-ari nitong station at nagco-cover din siya ng songs just like you," sagot naman ni DJ Chacha.
I'm really shocked, hindi ko akalaing kumakanta pala si Tine.
"I know him," maikling sagot ko.
"That would not be a problem Vienna, naka-hidden identity din si Tine. Two years na siyang kumakanta and ang reason niya ayaw niyang pagkaguluhan. Sa university pa nga lang daw dinudumog na siya ng mga fans niya, paano pa kaya kapag nalaman ng lahat kung sino siya" sagot ni DJ Marion.
"Pero mas sikat ka kaysa sa kaniya, apat na beses lang siya na nagco-cover ng songs and 'yong last na song which is kinanta niya kanina, 'yon naman ang kinompose niya," dugtong pa ni DJ Marion.
An'dami ko pa palang hindi alam sa kaniya. Behind his charming and cute personality may nakatago palang galing sa pagkanta.
Bigla siyang napalingon sa'min at gano'n na lang ang gulat niya nang makita ako. Kaya pala 'di niya kami rinig kasi may suot siyang earphones. Lumapit siya sa direksyon namin but he just look at me.
"Wala pa namang 5 pm sir, magkape na muna tayo," biglang sabi ni DJ Marion.
"Sure, Vienna okay ka lang ba rito?" Tumango na lang ako bilang sagot kay kuya RJ. Lumabas naman silang tatlo sa studio at naiwan na lang kaming dalawa rito ni Tine. And still he was looking at me, nakakailang na actually.
"Baka matunaw na 'ko niyan Tine," sabi ko para tumigil na siya sa kakatitig sa'kin at umiwas din naman siya.
"Sorry Vienna, hindi ko lang talaga in-expect na tama ako ng hinala sa'yo," sagot niya na ipinagtaka ko.
"What do you mean?"
"Na ikaw si VnM, I thought it's not you pero sa initials pa lang ng screen name mo alam kong ikaw na. No'ng una kong marinig ang boses mo sa nangyaring audition, na halata ko na. Pero hindi kita tinanong kasi baka iwasan mo 'ko 'tsaka marunong akong mangilatis ng tao."
Kaya naman pala. Parang ang ibig niyang sabihin, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling o hindi at alam niya kung ano ang tinatakbo ng isip ko.
"I didn't expect you to be here, kumakanta ka rin pala but hindi ko makita sa personality mo na singer ka. Sa university wala ka namang ibang ginawa kundi soccer lang. Alam ba ni kuya na kumakanta ka?" Tumango siya bilang sagot.
"Siya at ang teammates lang namin ang nakakaalam 'tsaka ayaw kong kumanta sa university. Aksaya lang 'yan sa oras 'tsaka ayokong maging sikat Vienna. Gusto kong maging malaya sa lahat ng bagay, 'yong wala kang ibang iniisip o pinoproblema at wala kang iiwasan. Alam kong gano'n din ang reasons mo 'tsaka wala akong confidence kumanta in public kaya naka-hidden identity din ako kagaya mo."
Kaya naman pala, ngayon naintindihan ko na. We just the same, ang pagkakaiba lang namin may confidence ako kumanta in public pero wala akong confidence na ipakilala ang totoong ako sa harap ng nakararami.
"But if there's someone na humingi ng favor sa'yo na kantahan mo siya, papayag ka?" Tanong ko, ngumiti naman siya.
"Kung ikaw lang naman 'yon, hindi na 'ko magdadalawang isip pa," sagot niya na ikinatahimik ko.
Ngumiti siya sa'kin sabay pat ng ulo ko, namumula kaya ako?
"By the way, nandito ka rin ba para kumanta?" Then I clear my throat, speechless ako putek!
"Oo, in-invite lang ako rito," sagot ko naman.
"Gano'n ba, sige papanuorin kita," nakangiting sambit niya at ngumiti na lang din ako.
Bakit kasi nandito pa siya? Baka hindi ako makakakanta ng maayos nito mamaya.