"May itatanong lang po sana ako sa kaniya kuya. Sige po kuya, alis na po ako," paalam ko.
"Ingat po kayo ma'am."
Lumabas na ako ng gate at dumiretso na sa nakaparada kong kotse. Sumakay na rin naman ako at binuhay na ang makina bago ako umalis ng bahay.
Kapag nakauwi na si nanay Selda hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na tanungin siya. Walang kahit na anong na ikuwento sa'kin si nanay Selda noon. Binibisita nga niya 'ko sa orphanage pero hindi kami nakakapagusap ng matagal. She's with us for almost 10 years at alam kong alam at kilala niya ang mga kaibigan ko before. Hindi pwedeng wala siyang alam at wala siyang kilalang kaibigan ko. Paniguradong may kinukwento ako sa kaniya noon na hindi niya na ikuwento sa'kin ngayon.
"Magpapalipas ng oras muna ako sa park then hihintayin na lang kita sa parking lot ng studio."
Kausap ko si kuya RJ ngayon. Kasalukuyan akong nagda-drive papuntang park, doon ko muna na isipang pumunta para magpalipas ng oras. Ayoko namang mag-stay sa studio ni kuya RJ, mabo-bored lang ako ro'n.
(Be there before 5 pm Vienna, it's better to be early than to be late)
"Okay kuya, bye." Then I hang up the call.
After that si Michelle naman ang tumawag sa'kin, sinagot ko na lamang ito. It's a video call and she's with Therese. Bakit hindi ko man lang alam na magkasama pala sila?
(Vienna saan ka pupunta? Oy, mag-iingat ka) Sabi ni Therese, ngumiti na lang ako.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong ko.
('Yon na nga, nasa mall kami ngayon sa isang ice cream shop. Yayayain ka sana naming pumunta rito tapos nuod tayong sine) Sagot ni Michelle. Kaya naman pala may ice cream sa harapan nilang dalawa.
"Sorry hindi ako pwede, pupunta ako sa isang radio station, kakanta ako."
(What?! Kakanta Ka?! Anong station?) Sabay na tanong nilang dalawa na ikinagulat ko. Nakakahiya talaga silang dalawa, kasalanan ko rin naman kasi hindi ko sila sinabihan.
"Yes, may nag-invite lang sa'kin, 97.9 radio station abangan niyo na lang mamaya," sagot ko.
(Sikat na radio station 'yan dito sa Manila pero bakit hindi naman sila nag-announce kagabi?) Takang tanong ni Therese. Nagkibit-balikat na lang ako, hindi ko rin naman kasi alam.
(Aabangan na lang namin 'yan Vienna, anong oras ka naman kakanta?) Michelle asked.
"Mamayang 5 pm pa naman," maikling sagot ko.
(Kung mamayang 5 pm pa, saan ka naman pupunta? Puntahan mo na lang kaya kami rito sa mall) Dugtong pa ni Michelle pero umiling ako bilang sagot.
"Doon na muna ako sa park, gusto ko munang mapag-isa sa ngayon."
(Vienna I know you, may nangyari na naman ba sa bahay niyo? What is it?)
Hindi na kailangang malaman pa 'to ni Michelle, sa susunod ko na lang siguro sasabihin sa kaniya. Baka kasi mag-alala na naman siya sa'kin, kilala ko ang kaibigan ko mas'yado siyang concern sa'kin to the point na gusto niya na 'kong patirahin sa bahay nila every time na nag-aaway kami ng mom ko.
"I'm fine Michelle, don't worry. Mag-enjoy lang kayo diyan, bawi na lang ako sa inyo next time."
(Sige, basta kapag may problema ka sabihin mo sa'kin o kay Therese okay?) Nginitian ko naman si Michelle. Ayoko lang kasi na nag-aalala siya sa'kin.
"Oo pangako, baba ko na 'to, enjoy lang kayo diyan."
(Sige Vienna, aabangan ka namin mamaya. Mag-iingat ka Vienna, see you on Monday)
Binaba ko na rin naman ang tawag after ko magpaalam sa kanila.
Bumaba na ako ng kotse nang makarating na 'ko sa park sabay bitbit din ng gitara ko. Naghanap na rin naman ako ng pwede kong maupuan, buti na lang nakahanap din ako na malapit lang sa mga batang naglalaro at naghahabulan.
Kumusta na kaya si Billy? Hindi ko man lang siya nagawang kumustahin no'ng bumisita ako sa orphanage noong mga nakaraang araw. Namiss ko na siya, gusto ko na rin talaga siyang makasama.
Nag-start na rin naman akong tumugtog. I dedicate this song for my dad. Ito kasi 'yong kinanta ko sa kaniya sa ospital after niyang mawalan ng buhay. Hindi lang 'to para sa mga taong nagmamahalan, para din ito sa mga importanteng tao na ayaw mong mawala at gusto mo pang makasama habambuhay.
(Song playing: I Wanna Grow Old With You by: Westlife)
Napansin ko namang napatigil ang mga bata sa kakalaro at napatingin sa direksyon ko. Humakbang na rin sila papalapit sa'kin, ngumiti naman ako. Naupo naman silang lahat sa damuhan at napatingin sa'kin. They are so cute! Namiss ko tuloy ang mga bata sa orphanage.
As I ended the song, nagpalakpakan silang lahat but I heard a loud applause. Napaangat ako ng tingin ngunit biglang nanlaki ang mata ko nang makilala ko na kung sino ang mga nasa harap ko.
What they are doing here? Sina Sebastian lang naman ang tinutukoy ko. How come? Still nagpapalakpakan pa rin sila except kay Sebastian. 'Di ba injured siya?
"Ang galing mo naman Vienna," biglang sabi ni Sam, hindi naman ako nakasagot.
"Deserve mo talaga na makapasok sa Music Club," wika ni Gian.
"And alam mo ba Vienna, favorite song 'yan ni Sebastian 'tsaka mahilig din siya sa mga songs ng Westlife. Minsan niya na rin 'yang napatugtog sa club, last year ata 'yon." Napatingin ako kay Sebastian nang banggitin 'yon ni Bryan.
So we're the same? Lahat ng songs ng Westlife paborito ko and favorite band ko rin sila.
"Kantahan mo ulit ang mga bata Vienna, o 'di kaya duet kayo ni Sebastian. Isa sa'min ang tutugtog, ano game?"
Wrong suggestion Louie, kahit si Sebastian nagulat. Yes gusto ko na talagang marinig na kumanta siya pero kasi nakakahiya.
"Huwag na Louie, ako na lang," nahihiyang sagot ko.
"Mas maganda kapag may kasama, okay lang naman sa'yo 'di ba pre?" Wika ni Cedrick at hindi naman nakasagot agad si Sebastian. Pero bigla siyang tumingin sa'kin bago siya sumagot.
Humindi ka please ...
"Sige.." Maikling sagot niya na nagpakaba talaga sa'kin.
"Nice, sige ako na lang ang tutugtog. Ano ang kakantahin niyo?" Tanong ni Liam.
Ano nga ba ang kakantahin naming dalawa? Mukhang hinihintay din ni Sebastian ang sagot ko.
"Ako na lang ang tutugtog, pahiram ng gitara mo," biglang sabi ni Sebastian na ikinagulat naming lahat.
Seryoso siya ang tutugtog? Kaya niya ba?
"Kaya mo bang tumugtog, pre?" Tanong ni Patrick.
"Oo, binti ko lang ang injured at hindi ang braso't kamay ko," malamig na sagot niya. Hindi na rin naman na sila nagsalita pa, tinulungan na lang nila si Sebastian na makaupo sa tabi ko.
"Alam mo ba 'yong isa sa mga kanta ng Westlife? 'Yong title, nothing's gonna change my life for you?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin. Tumango na lang ako bilang sagot. Parang na pipi ako ngayon dahil katabi ko siya at nakatingin sa'kin.
"Sige 'yon na lang, start na tayo," sabi niya. Nagpalakpakan sina Louie at ang mga bata pero kinakabahan ako.
Nag-start na rin namang mag-strum si Sebastian, nag-focus lang siya sa pagtugtog habang ako nakatingin lang kaniya.
(Song playing: Nothing's Gonna Change My Love For You by: Westlife)
As he started, napatingin lang talaga ako sa kaniya. His voice is so manly at sobrang ganda sa tenga. Kahit sinong babae na makakarinig nito, magkakagusto talaga sa kaniya. Kaya naman pala an'daming babae ang naiinlove sa kaniya dahil sa maganda ang boses niya.
As we sing together, nakatingin lang kami sa isa't-isa at wala ni isa sa'min ang umiwas. Ewan ko ba kung bakit pero parang nalulunod ako sa mga tingin niya.
Nagpalakpakan silang lahat after naming kumanta. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Akala ko pa naman umiwas na ng tingin sa'kin si Sebastian pero hindi, nakatingin pa rin pala siya sa'kin nang hindi ko namamalayan.
Binalik niya na rin sa'kin ang gitara ko bago ako tumayo. Kailangan ko na kasing umalis baka hinahanap na 'ko ni kuya RJ.
"Vienna, may show nga pala kami rito sa park baka gusto mong manuod," sabi ni Gian. Kaya naman pala nandito sila, pero paano si Sebastian? Eh, injured siya.
"Sorry Gian, may pupuntahan pa kasi ako eh pasensiya na," sagot ko.
"Sayang naman, hindi mo maririnig ang kinompose na kanta ni Sebastian."
Hindi lang pala siya main vocalist, nagco-compose rin pala siya. Ang dami ko pa palang hindi alam sa kaniya, sabagay 1 week pa lang bago ko siya nakilala.
"Siguro may next time pa naman. Sige alis na 'ko ingat kayo," sabi ko at aalis na sana pero napatigil ako dahil sa sinabi ni Gian.
"Alam mo Vienna may chemistry kayong dalawa, bagay kayo. Ingat ka nga pala Vienna." Then he leave.
Hindi mag-process sa utak ko ang sinabi niya. Kami may chemistry? Bagay kaming dalawa? Paano?