Chapter 19

1448 Words
It's Saturday in the morning at wala pa 'kong balak lumabas ng kwarto, nakahilata pa rin ako sa kama. But suddenly, I remembered what we did yesterday. We really enjoyed, pumunta kami ng mall para mag-shopping, naglaro sa timezone at kumain ng kung anong magustuhan naming kainin. Syempre libre ko 'yon, hindi naman ako nagsisi natutuwa pa nga ako kasi dahil sa mga ginawa namin nakalimutan ko ang mga nangyari kahapon sa university. Pumunta rin kami sa shop ko, si Therese hindi pa rin makapaniwala na sa ganitong edad ko may sarili na 'kong business. Pinakain ko naman sila ng binake kong cupcakes then pina-takeout ko rin sila ng cakes, pambawi sa effort nilang dalawa. After niyon, umuwi na rin kami at sobra akong napagod pero worth it naman kasi nag-enjoy talaga ako. Thanks to them, I really appreciate their love and concern. Nag-vibrate ang phone ko and I check it, si kuya RJ. Good morning Vienna, later 5:00 PM at 97.9 radio station. Susunduin na lang kita, suot ka ng hoodie jacket for safety. Ngayon ko lang naalala, kakanta nga pala ako sa isang radio station buti na lang ni-remind sa'kin ni kuya RJ. Ano naman kaya ang kakantahin ko mamaya? Lumabas na 'ko ng kwarto after kong maghilamos at mag-toothbrush. Naabutan ko namang nasa hapag na sina Mom, tito Lucas at si kuya. Mukhang ako na lang 'ata ang hinihintay. Napalingon si mom sa direksyon ko at nginitian ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaupo na 'ko. "Buti na lang nakababa ka na, meron kaming announcement ng tito Lucas mo," nakangiting wika niya. Bigla naman akong napatingin sa kamay nilang magkahawak. Nagkatinginan pa silang dalawa, parang alam ko na kung ano ang tinutukoy nilang announcement. "So far 6 years na kaming nagsasama ng tito Lucas niyo kaya nagpaplano na kaming magpakasal by December." Tuluyan ko ng nabitawan ang hawak kong kutsara. Nagulat sila sa ginawa ko but I ignore it. "Vienna anak.." "I'm not against on your marriage but mom kakamatay pa lang ni dad last month tapos nagpaplano ka ng magpakasal ulit?" Galit na sabi ko. "Anak, pagtatalunan na naman ba natin 'to? Napag-usapan na natin 'yan Vienna. Can you just support me? Just for my happiness?" s**t that reason! 'Yan na lang lagi, nakakasawa na. "Mom sana naman naisip niyo na sa kapatid kayo ni dad magpapakasal hindi sa kung sinong tao. You're selfish mom, noon pa gan'yan ka na. Ni minsan ba mom hindi ka naging masaya sa piling ni dad? Inisip mo man lang ba kami ni kuya kung ano ang magiging epekto niyan sa'min?" Napatayo na 'ko, nawawalan na 'ko ng gana. Aalis na sana ako pero hinawakan niya 'ko sa braso kaya napatigil ako. "Vienna, matagal na kaming hiwalay ng papa niyo, bakit hindi mo 'ko maintindihan?" Napatawa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. "Naghiwalay lang naman kayo ni dad dahil kay tito Lucas 'di ba? Tapos huli na ng malaman ni dad na kapatid niya ang pinili mo. At kitang-kita ng dalawang mata ko na siya ang kahalikan mo at siya rin pala ang dahilan kung bakit mo hiniwalayan si dad. Nawalan man ako ng memorya mom pero tanda ko ang mga nangyari bago ako na aksidente. Mom, kung hindi niyo niloko si dad, kung hindi niyo siya pinagpalit sa kaniya," galit na sabi ko sabay turo kay tito Lucas. Unti-unti na ring pumatak ang mga luha ko, naalala ko na naman ulit 'yong sakit na pinagdaanan ni dad noong lokohin siya ni mom at pinagpalit sa mismo nitong kapatid. "Sana hanggang ngayon buo pa ang pamilya natin, sana kasama ko pa rin siya sa pag-abot ng mga pangarap ko. Ginawa na lahat ni dad just to make you stay and choose him pero hindi niyo pa rin siya pinili," sigaw ko. Gusto ko lahat isigaw sa harap niya ang masasakit na pinagdaanan ni dad dahil sa ginawa niya. Ngunit wala na 'kong lakas para sabihin 'yon, hindi na rin naman maibabalik pa ang buhay ng dad ko. "Okay, if 'yan ang gusto niyo then I'll support you pero huwag kang umasa na magpapakita ako sa araw ng kasal niyo." Then I leave. Tinakbo ko na papuntang kwarto and I can't stop myself from crying. 11 years old lang ako noong maghiwalay sila at ang dahilan niyon, may mahal ng iba si mom. Alam na pala ni dad na si tito Lucas ang secret lover ni mom pero hindi niya ito pinaalam sa'min kasi ayaw niya na magalit kami kay tito. Nagpakamartyr ang dad ko para lang mag-stay sa kaniya si mom pero hindi rin naman ito nagtagal, tuluyan na nga siyang iniwan ng mom ko. When I was 16 years old, doon ko lang nalaman na ang lalaking naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ay walang iba kundi si tito Lucas. Isa ito sa naging dahilan kung bakit ako na aksidente at nawalan ng memorya. May dumating mang babae sa buhay ni dad, natutunan ulit niyang magmahal ngunit mas mahal niya pa rin ang mom ko. Naka-moveon nga siya but he wants mom back to his life kahit si tita Georgina na ang asawa at kasama niya sa buhay. "Vienna, papasok ako." Pinunasan ko agad ang pisnge ko bago pa makapasok si kuya. Lumapit din naman siya sa direksyon ko at naupo sa tabi ko and he sigh after. Parang wala lang sa kaniya ang naging announcement ng nanay namin, kalmado lang siya at walang imik kanina. "Against din ako sa kasal nilang dalawa pero tama rin si mom, matagal na silang hiwalay ni dad. Hindi naman ibig sabihin niyon na parang wala lang sa kaniya ang lahat ng pinagsamahan nila ni dad. Nagsisi na siya sa kasalanang nagawa niya at paniguradong pinatawad na rin siya ng dad natin." Tahimik lang ako, hahayaan ko si kuya na magsalita. I want to hear his side pero parang pumapayag siya sa plano nina mom at tito Lucas. "Siguro nagawa lang ni mom na maghanap ng iba kasi gusto niya ng atensiyon na hindi maibigay sa kaniya ni dad. Dad is so workaholic, business lang ang inaatupag niya, nakakalimutan niyang may asawa at pamilya siyang uuwian. Yes, we receive gifts from him every birthdays and in different kinds of occasions. Pero hindi niya binibigyan ng oras at atensiyon si mom. 'Yon ang dahilan kung bakit nagawa niyang lokohin at iwan si dad. Nahanap niya ang atensiyon na gusto niya kay tito Lucas, for sure nagsisi na rin si dad sa mga naging pagkukulang niya. Wala namang dapat sisihin all this time, silang tatlo parehong may kasalanan at si tito Lucas nagmahal lang. Minahal niya ng buong-buo ang nanay natin at tinuring niya tayong parang totoo niya na ring anak. Matagal na panahon na rin 'yon Vienna, huwag na nating ipagkait kay mom ang kasiyahang gusto niya. Let's just support her, tayo na lang ang meron siya kaya hayaan na natin siyang maging masaya. I hope naintindihan mo ang mga sinabi ko, taha na okay?" Everything that he said, I understand. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na kung totoo ngang minahal niya si dad kahit na ano pa ang mga naging pagkukulang nito sa kaniya, hindi niya ito ipagpapalit sa iba. Hindi maiiwasan na masaktan sa pag-ibig at kahit nasaktan ka na ng paulit-ulit kapag mahal mo talaga ang isang tao hindi mo ito iiwan at bibitawan. Wala akong kinakampihan, do'n ako sa alam kong tama. Kahit pareho silang may nagawang kasalanan, hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para sirain ang mga pinangako nila sa panginoon na magsasama sila hanggang kamatayan. Kasalukuyan akong nagsusuklay ngayon, nakaligo na 'ko at nakabihis na rin. Gaya nga ng utos ni kuya RJ, nagsuot ako ng hoodie jacket at nagdala rin ng shades. Kasi baka may makakakilala sa'kin do'n pero hindi naman in-announce ng station na kakanta ako. Alam ko na rin naman ang kakantahin ko at sana magustuhan 'yon ng mga listeners. Nakababa na rin ako galing kwarto, wala na ngayon sina mom at tito Lucas, siguro nasa trabaho na. Alam na rin naman ni kuya na aalis ako at nakapagpaalam na rin ako sa kaniya. Bigla akong may naalala, kailangan ko nga palang kausapin si nanay Selda. Hinanap ko naman siya sa buong bahay pero parang wala siya rito ngayon. "Kuya Armando, si nanay Selda ho ba nakita niyo?" Tanong ko sa hardinero namin na kasalukuyang nagtatanim ng bulaklak. "Ah ma'am umuwi po ng probinsya, maaga po siyang umalis kanina at baka sa susunod na linggo pa siya makakabalik sa trabaho. Bakit ma'am, may kailangan ba kayo sa kaniya?" Sagot ni kuya pero umiling na lang ako. Hays, ngayon pa na may kailangan akong itanong sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD