Chapter 18

1285 Words
Nag-focus na 'ko ulit sa pakikinig kay ate Sheene. After mga 25 minutes tapos na rin siyang mag-discuss. Lumapit na ulit sa gitna si kuya Dim. "On October, magkakaroon ng Music Contest sa university at ang club ang mag-o-organize ng gano'ng event. Magkakaroon ng battle of the bands at ang banda ni Sebastian ang magre-represent ng Music Club. Then may solo at duo singing competition, pwede kayong mga bagong members na sumali sa contest. And I really need your full cooperation, tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat. Every Wednesday whole day, para lang 'yan sa organization na sinalihan niyo. Mag-a-assign ako ng isang tao na magche-check ng attendance, three absences paaalisin na sa club. Hindi 'yan rule ng Music Club, rule 'yan ng university board. May benefits kayong makukuha sa pagsali niyo ng club. 10% of your grades galing 'yan sa organization na sinalihan niyo at may additional 5 points on your grades if sumali kayo sa mga activities o contest ng university. Hindi maaaksaya ang oras at effort niyo sa pagsali rito at ang tanging gusto ko lang ay ang magtulungan tayo," mahabang lintanya ni kuya Dim at nakikinig lang ako. Worth it naman pala ang pagsali ko pero hindi naman ako natutuwa sa naging resulta. "Malayo pa naman ang final exams so may mga natitirang araw pa kayo para um-attend ng club. If you don't have any questions, maaari na kayong umuwi and see you all next week. And by the way, Vienna Malvar please stay." Nagulat ako nang banggitin ni kuya Dim ang pangalan ko. Akala ko pa naman makakaalis na 'ko, hindi pa pala. Nagsitayuan na ang lahat lalo na ako at unti-unti na rin silang lumabas ng room pero ako nandito pa dahil sa utos ni kuya Dim. "Vienna congrats, nakapasa ka," sabi ni Louie nang makalapit na silang lahat sa direksyon ko. Ngunit si Sebastian, seryoso lang na nakatingin sa'kin pero hindi ko na lang ito pinansin. "At isa pa nangunguna ang pangalan mo sa listahan, ang galing mo talaga. Sumali ka sa Music Contest ha?" Wika ni Patrick, ngumiti na lang ako. Ayoko ng ganitong treatment, ang unfair sa ibang members. Gusto ko na pantay-pantay ang pagtrato sa'min dito, wala ni isa ang mangingibabaw. "Vienna, hali ka rito." Nag excuse rin naman ako bago ako lumapit kay kuya Dim. Nakangiti siya sa'kin pero hindi ako ngumiti in return. "Congratulations Vienna, nangunguna ang pangalan mo sa listahan at halata naman sa ipinakita mong performance kahapon na magaling ka nga. By the way kinausap ako ni Professor Lozano kanina--" "Nakapasa ba 'ko sa Music Club dahil sa kaniya?" Putol ko sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ko, actually kanina ko pa 'yan gustong itanong, nagkataon lang talaga na nag-discuss pa muna si ate Sheene kanina. "Hindi Vienna mali ka ng iniisip, kinausap niya 'ko tungkol sa naging resulta ng audition. Pinakita niya muna sa'kin ang results bago ito nai-release kanina. Hindi naman kasi ako ang nag-compute ng scores, edi sana alam ko na may nangyayaring dayaan. Maniwala ka Vienna, hindi dahil kay prof kaya ka nakapasa kundi dahil sa magaling ka," explain ni kuya Dim. Napabuntong hininga ako, pero hindi pa rin maiaalis sa'kin na isipin ang gano'ng bagay. Isa si tito sa mga judges kahapon, ano na lang ang iisipin ng iba kapag nalaman nilang pamangkin niya 'ko? Tapos nakapasa pa 'ko. "Kung ayaw mo pa ring maniwala may copy ako ng scores ng tatlong judges kahapon. Trust me Vienna, walang nangyaring dayaan," dugtong pa ni kuya Dim. "Hindi na kailangan kuya, pero ang gusto ko lang ho sana na huwag niyo akong bigyan ng special treatment dito sa club. Ayokong maging unfair sa mga bagong members dahil lang sa koneksiyon ko kay Professor Lozano. Ituring niyo kong tagasunod sa mga utos at bilin niyo, sana po ay maintindihan niyo 'ko. Umiiwas lang po ako na pag-usapan ng kahit na sino rito sa university. Iparating niyo na lang ho kuya kay Professor Lozano ang sinabi ko sa inyo. Pwede na ho ba 'kong umalis?" seryosong tugon ko. Hindi na siya nakasagot at tumango na lang siya bilang sagot. Kaya umalis na 'ko sa harapan niya. Bago ako lumabas, nagtungo na muna ako sa direksyon ni Sebastian. Nakatingin pa rin siya ng seryoso sa'kin, kanina pa 'to nakakainis na actually. "Ito na 'yong jacket at pick na pinahiram mo sa'kin, salamat," walang emosyong sambit ko. Pero hindi niya kinuha ang inabot ko, nakatingin lang siya sa'kin. Nag-decide na lang ako na ilagay ito sa sahig at tinalikuran na siya. Pero nang hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng club, napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Congrats sa'yo, magaling ka at huwag mong iisipin na nakapasok ka ng Music Club dahil sa kaniya." Hindi ko siya nilingon pero alam kong sa'kin siya nakatingin. Buti na lang may kaniya-kaniyang ginagawa sina Louie at tanging ako lang ang nakarinig ng sinabi niya. Akala ko pa naman hindi niya na 'ko kakausapin o babatiin at dadaanin na lang ako sa mga titig niya pero mali ako. Hindi ko na siya sinagot, ngumiti na lang ako at tuluyan ng lumabas ng Music Club. "Vienna, kumusta sa loob? Bakit ikaw ang huling lumabas?" Salubong sa'kin ni Michelle nang makalabas na 'ko sa club. "Ayos lang, may diniscuss lang si kuya Dim at ate Sheene tungkol sa mga upcoming events at activities ng club. Kinausap din ako ni kuya Dim," sagot ko. "Tungkol naman saan?" Takang tanong ni Therese. "Tungkol sa nangyaring audition kahapon, kinausap kasi siya ni tito about sa results. In-explain niya naman sa'kin pero hindi kasi talaga ako makapaniwala na nangunguna ang pangalan ko sa listahan. Madaming magagaling sa nangyaring audition kahapon, tapos ako pa ang nangunguna. 'Di ba parang may mali? Ayokong maging unfair sa iba dahil lang sa koneksiyon ko kay tito," sagot ko. Inakbayan ako ni Michelle at kumapit naman si Therese sa braso ko. "Vienna, college na tayo, wala ng nangyayaring dayaan dito 'tsaka si Dean ang isa sa mga judges kahapon. Sa tingin mo dadayain nila ang scores para lang makapasa ka? Eh, maganda naman talaga ang pinakita mong performance kahapon," sabi ni Michelle, napabuntong hininga na naman ako. "And if ever alam na ng lahat kung sino ka, hindi nila iisipin na nakapasa ka sa Music Club dahil sa may backer ka. Kasi kahit hindi ka na mag-audition, makakapasa ka at makakapasok sa Music Club. Tanga na ang hindi tatanggap sa'yo, kaya 'wag ka nang malungkot dapat happy ka kasi finally member ka na ng Music Club," wika ni Therese. Napangiti naman ako sa sagot nilang pareho. Maaasahan talaga silang dalawa pero nasa ugali na nila ang tuksuhin ako. "Yeah that's right, kaya ngumiti ka na baka pumangit ka. 'Wag mo ng pansinin ang sasabihin at iisipin ng iba, inggit lang 'yan kasi hindi sila nakapasa. Always remember, magaling ka okay? Magaling kang kumanta at mas lalo ka pang gagaling. Andito lang kami, ipaglalaban ka namin sa mga taong balak apihin ka." Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Michelle. Parang gusto ko tuloy umiyak, ito talagang bestfriend ko mahal na mahal ako. "And now let's celebrate!" Napatawa kaming tatlo at umalis na nga ng Music Club. Siguro tama lang ang mga sinabi nila na nakapasa ako sa Music Club dahil sa magaling ako hindi dahil sa koneksiyon ko kay tito Francis. Kung sino man ang kumontra wala na 'kong pakealam, hahayaan ko sila na pag-usapan ako ng kung anu-ano pero hindi ako makakapayag na maliitin nila ang isang tulad ako. Soon, sasabihin ko na sa lahat kung sino nga ba ako, ayoko na rin naman kasing ilihim 'to. At sana kapag nalaman na nila, hindi sila titigil na suportahan ako. 'Yon lamang ang hinihiling ko, wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD