Chapter 17

1068 Words
"Aksidente lang 'yon Vienna, hindi marumi maglaro ang kuya mo at alam mo 'yan," sagot ni Michelle. Halatang nag-aalala ang mga fans ni Sebastian, tumigil na sila sa kaka-cheer at halos silang lahat natahimik dahil sa nangyari. Nagkaroon ng isa pang set of game, over time na pero wala pa ring nakakagoal. Si Tine maayos namang nakakatakbo at nakakasipa pero 'yon nga lang nakakakaba pa rin kasi baka ma-injured ulit siya. After 1 hour, the game is over at tama nga ang hula ko, Engineering ang nanalo. Mas lalong umingay ang paligid, natuwa naman ako sa naging resulta ng game pero hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-alala at isipin si Sebastian. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Okay lang kaya siya? Hays, why I suddenly feel this? Hindi ako ganito ka concern sa mga taong kakakilala ko pa lang. But I'm worried, natalo na nga sila tapos injured pa siya but I'm praying and hoping na sana maayos ang lagay niya. After matapos ng game, everything was going back to normal. May ilan na hindi pa nakaka-move on sa laro at ang iba natutuwa pa rin sa resulta. It's already 10:30 am at napili naming dito tumambay sa cafeteria. Until now, nag-aalala pa rin ako kay Sebastian. "Hoy Vienna! Saang lupalop na ng mundo tumatakbo 'yang utak mo? Kanina ka pa tahimik diyan." Saka lang ako nagising sa reyalidad nang magsalita si Michelle. Nakatingin na pala silang dalawa sa'kin pero hindi ko man lang ito napansin. Napabuntong hininga na lang ako. "Nag-aalala ako kay Sebastian," sagot ko na ikinagulat nilang dalawa. "Ha? Bakit ka naman nag-aalala sa kaniya? Hindi naman sinasadya ng kuya mo 'yong nangyari sa kaniya, nanunuod kaya ako," wika ni Therese. Ewan ko nga rin eh, hindi ko alam kung bakit ako sobrang nag-aalala sa lalaking 'yon. We're not even close at minsan lang din kami nag-uusap. "Yeah me too, Vienna napaparanoid ka lang, for sure naman okay na si Sebastian. Kung mag-alala ka naman sa kaniya parang jowa mo siya o 'di kaya matagal na kayong magkakilala. Vienna, 1 week ka pa lang dito sa university pero parang matagal mo nang kilala si Sebastian," wika rin ni Michelle. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Therese. Naitapon ko tuloy sa kaniya ang hawak kong tissue. "Vienna, 'di kaya crush mo na si Sebastian?" Nagulat talaga ako sa tanong ni Therese. Seryoso siya nang banggitin niya ang mga katagang 'yon. I don't feel anything towards kay Sebastian, it's just that concerned lang ako. "Therese mali ka diyan, hindi ko siya crush o gusto at nag-aalala lang talaga ako sa kaniya," depensa ko. Baka kasi ano pa ang isipin niya makarating pa kay Sebastian. "Ganito na lang, I'll check on my i********: account baka may pinost ang mga fans niya," saad ni Michelle. Kinuha niya naman ang phone niya sa bag and she immediately open her i********: account. "Nasa Music Club siya, nakaupo at may bandage ang binti tapos may hawak na saklay. Galing sa isang fan, ano friend punta na tayo sa Music Club? Doon na rin natin hintayin na i-release ang results ng audition," tumango naman ako bilang sagot kay Michelle. Tumayo na kaming tatlo at lumabas na ng cafeteria. "Dumaan na muna tayo sa locker, kukunin ko lang ang jacket at pick na pinahiram sa'kin ni Sebastian." Tumango silang dalawa bilang sagot bago kami nagtungo sa lockers area. Pagkarating naman namin kinuha ko na rin ang paper bag na may lamang dalawang bagay na pinahiram sa'kin ni Sebastian. After that, nagpunta na rin kaming tatlo sa Music Club. Pagkarating namin an'dami na ring naghihintay na mai-release ang results. May lumabas sa pinto, si ate Sheene at may hawak siyang bond paper. Siguro 'yan na ang result. "Vienna, sana makapasok ka sa Music Club," wika ni Therese. Ngayon pa lang nakakaramdam na 'ko ng kaba at mukhang hindi ko magugustuhan ang magiging resulta. "Ito na ang results sa nangyaring audition kahapon," sabi ni ate Sheene at dinikit niya na ito sa bulletin board. Nagsilapitan ang lahat pero hindi na muna kami lumapit, ayoko rin naman kasing makisiksik. Makakapaghintay naman ako na malaman 'yong result at mukhang na disappoint naman ang karamihan nang makita na nila ang resulta ng audition. 'Yong iba parang maiiyak na, 'yong iba naman nagdadabog at nananabunot. Hindi ko napigilang mapailing dahil sa inasal nila. "Hali ka na Vienna, tayo naman ang tumingin," aya sa'kin ni Therese, sumunod na lang din ako. Ngumiti sa'kin si ate Sheene nang makarating na kami sa harap ng bulletin board. "WAHHH VIENNA!!" Nagulat talaga ako sa reaksiyon nilang dalawa. Napatingin tuloy ako ng tuluyan sa board, this time ako na itong nagulat dahil sa nakita ko. "Nangunguna ka, yehey, congrats Vienna," si Michelle at niyakap naman nila akong dalawa. "To those who passed the audition, welcome to the Music Club." Nagpalakpakan ang lahat nang sabihin 'yon ni ate Sheene. This time hindi na siya nag-iisa, nasa likod niya ang ibang old members ng club except kay Sebastian. Pero hindi ako natutuwa, nakapasa ako hindi dahil sa koneksiyon naming dalawa 'di ba? "Pwede na kayong pumasok sa loob, idi-discuss ng ating Secretary ang rules ng Music Club," sabi ni kuya Dim. Nakakawalang gana 'to, hindi talaga ako natutuwa sa resulta ng audition. "Vienna pasok ka na sa loob, hintayin ka na lang namin dito sa labas. Congrats friend, sobrang proud ako sa'yo at after mo diyan let's celebrate," sabi ni Michelle at niyakap ako ulit. "Ngumiti ka naman, hindi ka ba masaya? Sige na pasok ka na sa loob," wika ni Therese at nag-fake smile na lang ako. Pumasok na rin naman ako at agad na ring naupo sa isang silya malayo kay Sebastian. "Again everyone congratulations, I hope na lahat kayo magpa-participate sa lahat ng activities ng club. I want your full cooperation and loyalty, lahat kayo may potensiyal sa pagkanta at pagtugtog ng kahit na anong instrument. Maipapakita niyo ang mga 'yan sa mga activities at contest na gaganapin dito sa university. And now, idi-discuss na ng club Secretary ang rules ng Music Club, please listen carefully," paliwanag ni kuya Dim. Nag-start na rin mag-discuss si ate Sheene, nakikinig lang ako pero napapatingin ako sa direksyon ni Sebastian. Nasa kabilang corner siya nakaupo at seryosong nakikinig, napatingin naman ako sa binti niya. Naka-bandage nga pero sa itsura at lagay niya ngayon, parang hindi siya nasaktan kanina. Hays, ba't kasi ako nag-aalala sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD