Napatingin talaga ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Napansin ko namang seryoso siya sa sinabi niya kaya ngumiti na lang ako.
"Bakit kaya hindi kita nameet sa birthday party ng kuya mo? We're friends since grade 5 then pumupunta rin naman ako sa bahay niyo pero hindi naman kita nakilala o nakita. Ilang taon ka noong tumira ka na sa amerika kasama ang dad mo?"
Nag-isip naman ako pero hindi ko na tanda. Matagal na panahon na kasi 'yon, 11 years old lang yata ako that time noong 13th birthday ni kuya. And for sure hindi pa 'yan hiwalay sina mom at dad, at wala pa 'ko niyan sa amerika.
"Hindi ko na tanda Tine sorry, wala talaga akong naaalala," sagot ko.
"Ayos lang Vienna, 'wag mo nang pilitin ang sarili mo," sabi niya at ngumiti naman ako.
"I have an idea, kung tanungin mo kaya ang mga maids niyo sa bahay baka may alam sila."
Bakit hindi ko 'yan naisip dati pa? Ang tanga ko talaga minsan. Naalala ko naman bigla si nanay Selda. 10 years na namin siyang kasama sa bahay at paniguradong may alam siya sa mga nangyari sa akin noon bago ako naaksidente.
"Thanks Tine," maikling sagot ko at ngumiti sa kaniya.
"Your welcome Vienna, para sa 'yo tutulong ako," aniya sabay ngiti nito.
Sana nga matulungan ako ni nanay Selda, siya na lang ang pag-asa ko para masagot na rin 'tong mga tanong na bumabagabag sa utak ko.
After ng mga nangyari sa park kahapon, umuwi na rin ako sa bahay at hindi na 'ko bumalik ng university. Dahil don nagalit si Michelle sa'kin, hinintay daw nila ako na makabalik. I'm really thankful sa suggestion ni Tine, mabait sya at maaasahan.
Now it's Friday, papunta na 'kong university and this day laro na nina kuya. Mamaya na rin ire-release ang results ng audition dahil na rin sa late na itong natapos kahapon.
Naiparada ko na rin ang kotse ko nang makarating na 'ko sa university and as usual madami na namang tao. Big event nga pala ito ng university. Sana talaga hindi na lang ako nagpunta.
Nag-text din naman sa'kin si Michelle, dumiretso raw ako sa field at sinunod ko naman. At sa bawat dinadaanan ko, busy sila sa kagagawa ng mga banners.
Napailing na lang ako, it's useless if hindi naman na aappreciate nang ina-idolize nila.
Nakarating na ako sa field, an'dami na ring tao na naghihintay na magsimula ang game. Hinanap ko rin naman sina Michelle pero hindi ko naman sila mahagilap. Nag-vibrate ang phone ko, tinext ako ulit ng maganda kong kaibigan.
Vienna my friend, bili lang kami ng drinks ha? Puntahan mo na lang muna si Tine, kanina ka pa yata niya inaantay.
Ito na nga ba ang iniisip ko, kaya nga ayokong manuod eh. Lagot talaga sa'kin ang dalawang 'yon kapag may kalokohan silang gagawin sa'kin.
"VIENNA!" Napatingin ako sa taong tumawag sa'kin, it's my brother. Nakasuot na siya ng jersey at halatang handa na sa laro. Lumapit din naman ako sa direksyon nila at nakita ko na rin si Tine na nakaupo.
"Kararating mo lang?" Tanong ni kuya at tumango naman ako bilang sagot. Napatingin ako sa katabi nilang players, sina Sebastian. Hindi ba sila natatakot? Defending champion ang makakalaban nila.
"Kaninong team ka pala susuporta Vienna? Sa kuya mo o kay Sebastian?" Tanong ni Laurence pero hindi ko siya sinagot.
"Nandito lang ako para manuod ng game, wala akong susuportahan," sagot ko. Ayoko namang maging biased, both teams support ako hindi lang sa isang team.
"Aray! Ang sakit naman niyon Vienna, wala talaga?" Nagdadramang tanong ni Ian. I just rolled my eyes.
"Hayaan niyo na ang kapatid ko," singit ni kuya. Tumigil na rin naman silang lahat.
"Anyways, ipapanalo naman namin itong game, pababagsakin namin 'yang team ni Sebastian," wika ni Tyler na ikinakunot ng noo ko. Parang may binabalak silang masama sa team ni Sebastian.
"Huwag mong pansinin 'yang sinabi ni Tyler. Hoy dre 'wag mo ngang takutin si Vienna. Mag-focus ka na lang sa laro pwede?" Kunot-noong sagot ni Tine. Tumahimik si Tyler pero paano niya nalaman na natatakot nga ako? Halata ba sa mukha ko?
After mga 10 minutes, pumito na rin ang isang referee na nasa field, sign na magsisimula na ang game. Napatingin ako sa direksyon ni Sebastian, agad na rin siyang tumayo gano'n din sina Britt. Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa'kin, akala ko pa naman iiwas siya pero hindi. I just mouthed "Good luck" and I smile at him pero agad na siyang umiwas ng tingin. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya?
"Vienna, okay ka lang?" Tanong ni Tine nang makaalis na sina kuya at nagpunta na sa field.
"Oo, okay lang. Umm, ang mga fans mo nga pala todo cheer sa'yo, wala ka bang gagawin?" Pag-iiba ko, napalingon naman siya pero hindi rin naman 'yon nagtagal.
"Hayaan mo na lang sila, titigil din ang mga 'yan 'tsaka hindi naman ako makakalaro," sagot niya.
Parehong-pareho silang dalawa ni Sebastian, walang pakealam sa mga fans nila. Pero agad naman akong napatingin sa tuhod niya, magaling na ito at hindi na rin siya naglagay ng band aid. Anong magagawa ko eh 'yon kasi ang bilin sa'kin ng nurse, paano kung ma-injured siya ulit?
"Kung gusto mong mag-laro, ayos lang Tine," sabi ko at agad siyang napalingon sa'kin. "But be careful, kapag na injured ka ulit hindi na kita tutulungan," dugtong ko.
Napangiti naman siya sa sinabi ko at biglang napaiwas ng tingin. What was that? Did he blush?
Nakarating na sina Michelle, akala ko pa naman nagsisinungaling lang siya. May bitbit nga silang drinks at binigyan din naman nila kaming dalawa ni Tine.
"Buti na lang hindi pa nagsisimula ang game," wika ni Therese nang makaupo na siya sa tabi ko gano'n din si Michelle. Kaya mas lalo tuloy akong napadikit kay Tine at nakangiti lang silang dalawa. Kaasar sila sa totoo lang, sarap sabunutan.
"Sayang Tine hindi ka makakalaro," malungkot na wika ni Michelle.
"Magsa-subtitute ako mamaya, pinayagan ako ni Vienna na mag-laro." After of what he said, napatingin na naman sa'kin ang dalawa na may halong panunukso.
Nag-start na nga ang game at 'yong bola nasa team ni Sebastian, I'm not into sports pero nanunuod ako ng soccer. Todo sigawan at hiyawan naman ang mga fans lalo na ang fans club ni Sebastian. Hindi maitatanggi na magaling nga siyang maglaro gano'n din sina Britt at Enzo pero hindi nila kayang pantayan ang galing ni kuya sa laro. 4 years ng varsity player si kuya, ang team niya ang nagbigay karangalan sa larong soccer dito sa university. Hindi naman sa ang nega ko pero ngayon pa lang alam ko na kung sino ang mananalo.
Thirty five minutes na ang nakalipas pero wala pa ring score both teams, ang gagaling ba naman kasi ng mga players. Bigla namang nag-time out at kaniya-kaniya naman silang balik sa mga puwesto nila.
"Tine, doon lang kami, hali na kayo Therese," sabi ko sabay tayo. Nagulat naman si Tine pero hindi ko na hinintay na makasagot siya. Agad na rin kaming umalis bago pa makabalik sina kuya at nakasunod lang silang dalawa sa likod ko.
"Vienna, bakit tayo umalis do'n?" Tanong ni Michelle nang makaupo na kami sa isang bleachers na malapit lang din sa puwesto ni Tine.
"Kanina pa tayo pinagtitinginan, hindi niyo ba napapansin? Baka pag-isipan pa tayo ng kung anu-ano," sagot ko naman.
"And so? We are free from everything, we made our own decisions. Nasaan ang demokrasya kung pipigilan lang naman pala nila tayo sa mga gusto nating gawin?"
Umiiral na naman ang political perspective ni Michelle, nakakainis. Hindi ko na siya sinagot at nanuod na lang ulit ng game at nag-start din naman ito. Kina Sebastian ulit ang bola, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.
"Ano ba naman 'yan wala pa ring nakaka-goal, ang tagal naman," reklamo ni Therese. Agad namang nagkaroon ng substitution, si Tine nakapasok na at pinalitan niya si Ian gano'n din ang nangyari sa team ni Sebastian.
"Akala ko ba hindi pa makakalaro si Tine? 'Di ba injured siya? Bakit ka pumayag?" Tanong ni Therese.
"Naaawa lang ako sa kaniya, nagpunta siya rito para maglaro hindi para maupo lang at manuod," tugon ko.
"Okay lang 'yan, panigurado namang mag-iingat na si Tine. Takot niya lang sa'yo kapag na injured ulit siya," wika ni Michelle sabay tapik ng balikat ko.
Lalong umingay ang paligid no'ng nasa field na si Tine. Todo sigawan ang mga fans niya but he just ignore it at nag-focus lang sa game.
But after a minute, naging tahimik ang paligid at nagulat lahat ng tao lalo na ako. Si Sebastian biglang napagulong sa damuhan. He was going to hit the ball pero napigilan ito ni kuya kaya nasipa nito ang binti niya. Namimilipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang binti niya. Bigla namang tinigil ang laro at agad inalalayan si Sebastian pero hindi niya magawang maihakbang ang mga paa niya.
"Hindi 'yon sinasadya ni kuya 'di ba?" Tanong ko habang nakatingin kay Sebastian.
Jusko, ba't ako nag-aalala?