SEBASTIAN'S POV
Nakasunod lang kaming tatlo sa likuran nina Vienna pero hindi niya napapansin ang presensya namin. Kanina ko pa siya tinitingnan mula no'ng mag-perform siya hanggang sa puntahan siya ni Tine kasama si Vince na kapatid niya.
Hindi nga ako nagkakamali, siya nga si Vienna, ang nag-iisang babaeng minahal ko noon pero nawala na parang isang bula. Bumalik siya na parang hindi ako kilala, na parang bago sa kaniya lahat ng mga nakikita niya.
Is she pretending? Palabas lang ba ang lahat para hindi niya pagsisihan ang ginawa niya sa'kin noon?
Her personality, the way she speak to someone, hindi siya gano'n at ibang-iba sa nakilala kong Vienna 7 years ago. She is not the woman I staring now, anong nangyari 3 years ago? How come na hindi niya 'ko naaalala?
"Dad, hindi ako sigurado kung siya nga si Vienna pero magkamukha silang dalawa. Hindi sila magkapareho ng ugali pero ramdam ko dad na siya nga 'yon."
"Anak, wala tayong naging balita sa mga nangyari sa kaniya 3 years ago. Ang tanging makakasagot lang sa mga tanong mo ang mom niya pero hindi natin alam kung saan sila nakatira ngayon. An'dami ko nang napagtanungan pero wala naman silang maibigay na sagot o info sa'kin. Pero anak, whatever their reason is sana matanggap mo at mapatawad mo siya."
Ginawa na ang lahat ni dad para mahanap sila lalong-lalo na si Vienna pero hindi namin sila mahanap. Ngayon na nalaman kong siya nga, bumalik lahat ng masasakit na pinagdaanan ko dahil sa pagkawala niya. I should be happy kasi nandito na siya ulit pero nanaig 'yong sakit at galit ko sa kaniya.
"Pre, ayos ka lang? Kanina ka pa nakatingin kay Vienna," wika ni Britt. Kasalukuyan na kaming nandito ngayon sa cafeteria at saka lang ako napaiwas ng tingin nang sabihin 'yon ni Britt.
"Ikaw ba pre ayos ka lang? Ngayong alam na natin na siya nga ang kaibigan natin, iiwasan mo ba siya? Anong nararamdaman mo?" Tanong rin naman sa kaniya ni Enzo.
"Matagal ko ng kaibigan si Vienna at wala sa plano ko na iwasan siya. Oo, nagalit ako sa kaniya dahil sa biglaang pagkawala niya pero kaibigan ko siya. Kung ano man ang dahilan niya, papatawarin ko siya," sagot ni Britt.
"Nakakagulat ang biglaang pagkawala at pagbabalik niya. Paano kung may nangyari sa kaniya 3 years ago? Mapapatawad mo ba siya pre?" Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Enzo. Natahimik ako pero napatingin sa'kin si Britt at naghihintay ng sagot ko.
"Hindi ko alam," maikling sagot ko.
Kung gano'n lang sana kadali para sa'kin na patawarin siya nagawa ko na noon pero hindi. Bago pa siya bumalik, unti-unti ko na siyang kinakalimutan. Pero no'ng bumalik siya, bumalik din ang pamilyar na sakit mula sa nakaraan. Namiss ko siya ng sobra pero sinaktan niya 'ko, iniwan niya 'ko.
VIENNA'S POV
Hindi man lang sila makatingin sa'min dito. Nakakapanibago ang kilos nilang dalawa, hindi naman sila gan'yan sa'kin ah.
"Nakakapanibago ang dalawang tukmol na 'yon, bakit hindi ka nila pinansin?" Takang tanong ni Therese. Napansin niya rin pala, akala ko ako lang.
"Oo nga, every time na nakikita ka nila nilalapitan ka kaagad at babatiin pero bakit ngayon hindi na? Gusto mo lapitan namin at kausapin?" Suggestion ni Michelle pero umiling ako bilang sagot.
"Huwag niyo na lang silang pansinin," sagot ko.
"Ano kaya ang problema nang dalawang 'yon? Given ng hindi namamansin si Sebastian, pero 'yang mga kaibigan niya pinapansin ka," saad ni Michelle.
May ginawa kaya akong mali? Nakakapanibago sila at hindi ako sanay na ganito sila sa'kin.
Tumayo na 'ko at kinuha ang gitara ko. Nagtaka sina Therese at Michelle sa biglaang pagtayo ko. Nakita ko namang napatingin sa direksyon ko sina Britt pero ako na ang unang umiwas.
"May pupuntahan lang ako, balik ako mamayang 3 pm," sabi ko.
"Ha? Saan ka naman pupunta? Kapag natapos ang 2nd set, ire-release na agad ang results," tugon ni Michelle.
"Don't worry babalik ako, alis na 'ko."
At agad na akong lumabas ng cafeteria. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta pero gusto ko munang umalis dito sa university at makalanghap ng preskong hangin.
Am I really affected of what they acted? Hindi ko rin maintindihan 'tong sarili ko pero sa tingin ko nasaktan ako sa pang-iignore nila sa'kin.
Nakarating na ako sa parking lot at sumakay na rin ako ng kotse at pinaandar ito. Now, may naisip na 'kong puntahan. Pero bigla namang nag-ring ang phone ko and it's kuya RJ. Sinagot ko ito agad.
"Yes kuya? Napatawag ka?" I asked as I answer the call.
(May goodnews ako sa'yo)
Ano naman kaya ang tinutukoy niya?
"Ano 'yon kuya?"
(Nagkaroon ng 1 million views ang recent cover song mo sa youtube. Maraming listeners ang gusto kang makita at makilala. Vienna, it's been 5 years ka ng nagco-cover at nagco-compose ng kanta, hindi ka pa ba magpapakilala sa publiko?)
"Wala pa ho sa plano ko ang mag-reveal ng identity kuya."
(Vienna, you have a lot of fans and followers. Kapag nakita ka na nila mas lalo silang dadami at lalo ka nilang susuportahan. But whatever your decision is, I support you)
Is this the right time to reveal my identity? Pero parang ayoko pa. I'm afraid that someday kakalimutan din nila ako, iiwan, sisiraan at hanggang sa tuluyan na silang mawala sa buhay ko. I really appreciate their love and support pero dahil sa takot ko, mas gugustuhin ko na lang na itago ang totoo kong pagkatao.
"Just give me two weeks kuya, magco-compose ako ng kanta then after that sasabihin ko sa'yo ang desisyon ko. Ngayon ayoko na muna, just give me time kuya."
(I understand Vienna, if 'yan ang gusto mo then susuportahan kita. Just call me if nakapag-compose ka na then we will start the recording okay?)
"Yes kuya, salamat."
(Your welcome Vienna, by the way may isang radio station ang nag-invite sa'yo para kumanta. Ano papayag ka ba?)
"Sige kuya, basta samahan mo 'ko."
(Of course Vienna, I will hang up this call. Ingat ka, I'll text you later kung saan at kailan)
"Okay then kuya, you too ingat ka, bye." Binaba niya na ang tawag at napabuntong hininga na lang ako.
If nabubuhay pa si dad, mas matutuwa siya kaysa sa'kin dahil sa mga achievements na natatanggap ko. But still I'm happy pero mas masaya kapag kasama ko siya sa pag-abot ng mga pangarap ko sa buhay.
I really miss you dad, wait for me in heaven.
After mga 40 minutes nakarating na ako sa park at bitbit ko lang din ang gitara ko. Naupo ako sa isang bench at napatingin sa mga batang naglalaro.
Sino kaya ang mga naging kaibigan ko before bukod kay Michelle? Wala kasi akong naaalala. Hindi rin naman na kasi tanda ni kuya at mom ang mga pangalan nila.
Kinuha ko na lang ang gitara ko sa lalagyanan nito. Balak kong tumugtog pero wala naman akong maisip na pwedeng kantahin. Ano bang nangyayari sa'kin? Naiinis ako!
"Kanina pa nakakunot 'yang noo mo."
Muntikan na talaga akong mapamura. Nagulat talaga ako nang may magsalita sa likod ko. Nilingon ko naman agad para malaman ko kung sino.
"Tine? Bakit ka nandito?" Naisambit ko. Nakakagulat ang presensya niya, bakit siya nandito? Sinundan kaya niya 'ko?
"Of course sinundan ka," sagot niya.
"Stalker.." maikling sambit ko sabay irap sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
"Ang gwapo ko namang stalker." Sinamaan ko siya ng tingin at tumigil din naman siya sa pagtawa. Naupo siya sa tabi ko at napatingin din siya sa mga batang naglalaro sa damuhan.
"Nakita kita sa parking lot kanina kaya sinundan kita tapos mukha kang badmood, tama nga ako," biglang sabi niya.
Should I thank him? I want to be alone pero sinundan niya pa 'ko.
"May nangyari ba Vienna?" Dugtong pa niya pero umiling na lang ako bilang sagot.
"Wala, gusto ko lang talagang pumunta rito 'tsaka wala namang ganap do'n sa university," sagot ko but I lied. Hindi niya na kailangang malaman pa ang dahilan. Tumahimik din naman siya at hindi na nagsalita. But after a minute nagtanong siya ulit.
"Vienna, may naging kaibigan ka ba dati?" Tanong niya. Hindi ko naman ito nasagot agad kasi 'yan din ang iniisip ko kanina. Napapaisip din naman ako pero wala talaga akong maalala.
"Si Michelle lang talaga ang kaibigang nakilala ko, wala rin akong maalala kung may naging kaibigan nga ako dati bago ako na aksidente. Kuwento nina kuya at mom, meron naman daw pero hindi na nila tanda ang mga pangalan. Hindi naman ako naniniwala na pati 'yon limot na nila, ramdam ko na may tinatago sila sa'kin at 'yon ang aalamin ko," sagot ko.
After mailibing ni dad last month, lumipas muna ang isang linggo bago ako nag-decide na umuwi ng Pilipinas. Wala ng kahit na anong na ikuwento si mom tungkol sa mga nangyari sa'kin 3 years ago. Wala na siyang binanggit sa'kin na pangalan ng mga tao na nakilala ko noon.
"Gusto mong tanungin ko si Vince? Baka ikuwento niya sa'kin," tugon ni Tine.
"Don't ask him, magagalit lang 'yon kapag tinanong mo pa 'yon sa kaniya. Nangako ako kay kuya na hindi na 'ko magtatanong at babanggitin sa kaniya ang tungkol sa mga nangyari sa'kin dati kasi hindi niya naman ito masasagot. After maghiwalay ng mga magulang namin kay tito Francis siya tumira for almost 4 years, kaya paniguradong wala siyang alam sa mga nangyari sa buhay ko noon," sagot ko.
"Then I will help you Vienna."