Chapter 14

1475 Words
"Yiee, Vienna," tukso ni ate Sheene nang makapunta siya sa direksyon ko. "Ang unfair talaga ni Sebastian, sa'yo lang lumapit para magsabi ng good luck," wika ni Cedrick. Nagsitawanan tuloy ang ibang members ng club. "Good luck sa'yo Vienna, galingan mo mamaya," sabi naman ni Sam at ngumiti na lang ako. "Punta na kami sa harap, prepare ka na d'yan kaya mo 'yan," sabi rin ni Gian. At umalis na rin sila sa back stage, napabuntong hininga na lang ako. After 15 minutes nag-start na rin ang audition. Nag-opening speech na si kuya Dim at pinakilala niya na rin ang mga judges kung saan isa si tito Francis sa mga ito. "Vienna.." Napalingon ako, si kuya kasama si Tine at teammates niya na nakilala ko na rin last week. "What are you doing here? May practice pa kayo 'di ba?" Tanong ko pero nginitian lang nila ako. "Nagpaalam kami kay coach na manunuod kami ng audition mo at pumayag naman siya," sagot ni Tine. "Tsaka kuya mo 'ko, dapat kitang suportahan," my brother said. I just rolled my eyes, such a lier! Sa lahat ng mga sinalihan ko, ngayon lang siya sumuporta sa'kin. "Ginawan ka pa nang kuya mo ng banner." At pinakita naman ito sa'kin ni Laurence. Ito siguro ang ginagawa ni kuya kagabi. "By the way Vienna, pang ilan ka?" Tanong ni Ian. "28, pero mga lagpas 30 na lang kami nag-back out na ang iba so baka maya-maya magpe-perform na 'ko," sagot ko. "Edi punta na kami ro'n sa harap, good luck sa'yo Vienna," sabi ni Joseph at ngumiti na lang ako. "Good luck baby sister, galingan mo mamaya," sabi ni kuya pero tumango na lang ako bilang sagot. Nagsialisan din naman silang lahat pero si Tine nagpaiwan. "Tine, hindi ka susunod kina kuya?" "Susunod, gusto lang kitang samahan muna rito," sagot niya. "Hindi na kailangan Tine, may mga kasama naman ako rito. Ayos lang, don't worry," sabi ko at nginitian siya. "O sige, galingan mo mamaya for sure naman makakapasa ka, kaya mo 'yan," sabi niya sabay tapik ng balikat ko. Umalis na rin naman na siya. After 20 minutes tinawag na rin ang pangalan ko. Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras at umakyat na 'ko sa stage. Madaming sumisigaw ng pangalan ko, sa pangunguna nina Michelle at Therese most of all sina kuya at ang teammates niya. Napatingin ako sa mga judges, nginitian ako agad ni tito Francis but I just replied a fake smile. Hinanda ko na rin naman na ang gitara ko then I started to strum. Mas lalo tuloy lumakas ang sigawan at palakpakan. (Song playing: I Like You So Much, You'll Know It by: Ysabelle Cuevas) Habang kumakanta ako, napatingin lang talaga ako sa direksyon ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit pero seryoso lang siyang nakatingin sa'kin at siya lang yata ang hindi nag-eenjoy sa kinakanta ko. Still seryoso pa ring nakatingin sa'kin si Sebastian, bakit kaya? As I ended the song, nagpalakpakan ang lahat. Sinisigaw pa rin nila ang pangalan ko pero hindi ako natutuwa sa reaksiyon ni Sebastian. "Please introduce yourself," wika ni Dean at buti na lang narinig ko siya. "Vienna Malvar, 2nd year from College of Political Science," pakilala ko at nagsihiyawan naman ang lahat. Lalo na ang mga classmates ko na nandito. "Wonderful performance Ms. Malvar, keep it up congratulations." At nagpalakpakan naman ang lahat nang sabihin 'yon ni Dean. Bumaba na rin ako ng stage at sinalubong naman ako nina Therese kasama sina kuya. Pero biglang nahagip ng mata ko si Sebastian, nakatingin siya sa'kin pero ang lamig ng mga tingin niya. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Kanina hindi naman siya ganito makitungo sa'kin. Ano kayang nangyari? Nanuod na lang din kami sa iba pang nag-audition. May nag-drums, kumanta, gitara at marami pang iba. Pero hindi naman ako makapag-focus dahil sa iniisip ko ang mga tingin ni Sebastian. Natapos na rin naman ang 1st set, lunch time na at nagugutom na ako. "Vienna, 'di na ba kayo sasabay sa'min kumain?" Tanong ni kuya nang papalabas na kami sa gym. "Hindi na kuya, 'tsaka may soccer practice pa kayo. Salamat na lang," sagot ko. "Sige Vienna, kumain kayo ng madami, una na kami ha? Congrats again my dear sister." Niyakap ako ni kuya kaya napangiti na lang ako. "Sige kuya, salamat ulit sa suporta," tugon ko at nauna na nga silang maglakad kaysa sa'min. Bukas na pala ang game nila kaso, "Tine," tawag ko sa kaniy. Buti na lang narinig niya at lumingon siya. "Iyong bilin ko sa'yo, huwag mong kakalimutan." Tumango naman siya bilang sagot at nginitian ako. "Yiee, ano naman ang tinutukoy mo Vienna? Parang kayo lang 'ata ang nagkakaintindihan." Ito na naman si Michelle, nag-iisip na naman siya ng kung anu-ano. "Huwag mo ngang tuksuhin, ano nga ba 'yon Vienna?" Ito pa si Therese dumagdag din. "Pag-untugin ko kayong dalawa? Gusto niyo?" Banta ko na ikinatahimik nilang dalawa. "Hindi siya makakapaglaro bukas 'yon lang, pinaalala ko lang sa kaniya ang sinabi sa'kin ng nurse," sagot ko. "Bukas na pala ang game nila, pero kanino ka magche-cheer? Sa Political Science o Engineering?" Tanong ni Therese. "Wala akong plano manuod, tinatamad ako 'tsaka may lalakarin ako bukas," sagot ko. "Ha? At bakit? Vienna, pinaka-big event 'yon sa kasaysayan ng university 'tsaka hindi mo susuportahan ang kuya mo o 'di kaya si Sebastian?" Napabuntong hininga ako, nakakatamad kayang manuod. Kainis naman ang dalawang 'to lalo na 'tong si Michelle, hindi ako makahindi sa babaeng 'to. "Fine, manunuod na," maikling sagot ko. Napayakap naman silang dalawa sa akin. Alam kong may binabalak ang mga 'to, ramdam ko. Lagot ang mga 'to sa'kin kapag may gagawin silang kalokohan bukas. Nakarating naman kaming tatlo sa cafeteria, silang dalawa ang bumili ng pagkain habang ako nakaupo lang dito sa silya at nakatingin sa kanila. Nag-vibrate ang phone ko 'yon pala may message galing kay tito Francis at binasa ko rin naman ito. Vienna, pwede bang magpa-deliver ka ng dalawang cake at cupcakes sa bahay? Ang tita Jasmine mo kasi nagca-crave. Again congratulations, keep it up! For sure your dad was so proud of you. I just sigh, magpapa-deliver na nga lang sinali niya pa si dad and I hate it! I have my own business, pinamana sa'kin ni dad noong nabubuhay pa siya which is bread and pastry. While kay kuya isang coffee shop, mahilig kasi si kuya sa kape at lahat na yata ng klase ng kape alam niya. Hindi kami naghihirap, hindi na rin ako umaasa sa pera ni mom. Habang nasa states ako, ang kapatid ni dad na si tita Mhegan ang nagma-manage muna ng shop but now ako na. Tinawagan ko naman si manong Ed, delivery boy ng shop buti na lang sinagot niya ang tawag ko. "Manong, paki-deliver niyo nga ho 'yong dalawang chocolate cake at isang box ng cupcakes kina tito Francis. Alam niyo naman na po ang address 'di ba?" (Yes ma'am alam ko po, 'yon lang po ba maam?) "Yes manong 'yon lang, salamat po." (Sige po ma'am, your welcome po) Then I hang up the call. Nakahinga rin naman ako ng maluwag. Kung hindi ko lang siya kamag-anak, hahayaan kong mag-crave ang asawa niya hanggang sa magalit ito. Nakabili na ng pagkain sina Therese at nilapag na rin ni Michelle ang pagkain sa harap ko at sinimulan ko na rin naman itong kainin. "Vienna, ayos ka lang?" Tanong ni Therese at tumango naman ako bilang sagot. "Oo ayos lang, si tito Francis kasi inutusan ako," sagot ko. "Oh, ano sabi?" Tanong din ni Michelle. "Inutusan ako na padalhan ng cake ang asawa niya," sagot ko. "Nagpa-deliver ka naman ba sa kanila?" Tumango naman ako bilang sagot. Si Therese nakatingin lang sa'min pero sa tingin ko nagtataka na 'yan. "Sino si tito Francis na tinutukoy mo Vienna?" Takang tanong ni Therese. "Pinsan ng dad ni Vienna, si Professor Lozano siya 'yon at itong kaibigan mo may bread and pastry na business na ipinamana sa kaniya ng dad niya. Yayamanin 'yang si Vienna, nabili niya ang sarili niyang kotse dahil sa business niya," kuwento ni Michelle. Siya na ang sumagot imbis na ako. "Vienna beke nemen, sa birthday ko ikaw na ang bahala sa cake," aniya at tumango naman ako bilang sagot. "Yehey, thank you Vienna." Nginitian ko na lang si Therese at nagpatuloy na ulit kami sa pag-kain. Pero agad naman akong napatingin sa pinto, sina Britt kasama si Sebastian. Nag-uusap sina Britt at Enzo samantalang si Sebastian nakasunod lang sa likod nila. Akala ko pa naman babatiin ako ni Britt nang makita niya 'kong nakatingin sa kaniya pero wala. Nagtaka ako kung bakit umiwas siya bigla. Anong problema niya? Kanina si Sebastian ang weird ng tingin sa'kin ngayon siya naman itong umiiwas ng tingin. Ano ang problema nilang tatlo? Ano ang ginawa ko? But it turns out, nawala ang ngiti ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD