Matigas Ang Ulo
“ESME!" Sigaw ni Mother Beth. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking maliit na katawan sa ilalim ng kama. Natatakot akong maabutan o mahanap niya dahil paniguradong paparusahan na naman ako nito.Sumenyas ako na huwag maingay kay Crissy nang sumilip ito sa aking pinagtataguan. Siya ang isa sa mga bata na kasama ko sa silid na ito. Bale sampu kaming lahat rito na nagsisiksikan sa silid.
“Ayaw mo bang lumabas, ha, Esme? Gusto mo ba na isusumbong kita kay Mother Tess? Gusto mo bang lumuhod sa asin buong magdamag? Alam mo naman si Mother Tess kapag magagalit?’’ narinig kong saad ni Mother Beth. Kaya kahit natatakot dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan.
“Mother Beth, huwag mo akong isusumbong kay Mother Tess. Maawa ka sa akin,’’ pagmamakaawa ko. Ipinagdikit ko ang aking mga palad tanda ng pagsusumamo. Mas lalo ko pang pinakita rito na takot ako gamit ang mga mata ko para maawa siya sa akin. Kabado akong maparusahan ni Mother Tess dahil napakamaldita nito. Halos lumabas ang aking kaluluwa sa aking katawan kapag ito ang magalit. Ngunit ilang beses nga ba akong nakatikim sa kanyang parusa? Isa? Dalawa o lima? Hindi ko na maalala o mabilang.
“Hindi mo ako madadaan sa paawa mong ‘yan, Esme! Grabe, kang bata ka! Maaga akong tatandaan dahil sa kakasaway ko sa ’yo?! Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na huwag kang makipag-away! Huwag kang gagawa ng gulo at mananakit ng kapwa mo bata! Alam mo ba kung ano ang nangyari kay Michel dahil sinagawa mong pagtulak sa kanya?’’ mahaba nitong litanya. Hindi naman ako nakikinig ang malinaw lang sa akin na ako sinisisi niya sa nangyari kay Michel.
“Alam mo ba, ha?’’ sigaw niya sa aking mukha. Kaya marahas akong napailing-iling. Hindi ko naman talaga alam kung ano’ng nangyari kay Michel dahil tumakbo ako kaagad pagkatapos ko siyang itulak.
"Kailan ka ba talaga magtino, Esme? Dito ka lumaki sa bahay ampunan na ito pero hindi ibig sabihin na ikaw ang maghari-harian dito!’’ Nakita ko ang pamumula sa mukha ni Mother Beth. Senyales na sobrang galit ito sa akin. Para sa akin hindi nabago ang ganitong senaryo. Dahil kahit ano ang gawin kong paliwanag, kahit magsasabi pa ako ng totoo. Wala namang mababago dahil tingin nila lahat sa akin, sinungaling, salbahe at basagulera. Ngunit hindi nila alam na pinagtatanggol ko lang naman ang aking sarili laban sa mga nambu-bully sa akin. Ang hindi ko maintindihan kahit kusa na nga akong umiiwas at lumalayo sa mga kapwa ko bata rito sa loob ng orphanage sila naman itong lapit nang lapit sa akin. Lagi nila akong pinagdidiskitahan. Mainit ang grupo nila nina Michel sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Kaya natuto akong lumaban. Ayaw kong magpapaapi ‘yan ang natutuhan ko mula kay sister Margarette.
“Esmeralda, huwag magkikipagbasag ulo. Huwag kang tumulad sa ibang mga bata rito sa loob ng orphanage na sakit ng ulo. Matuto kang makikisama pero hindi ibig sabihin na basta ka na lang magpapaapi. Kapag wala kang ginagawang masama matuto kang lumaban. Ipaglaban mo ang iyong sarili," habilin sa akin ni sister Margarette bago pa man siya umalis dito sa orphanage dahil kailangan niyang umuwi sa kanila dahil sa kanyang pamilya. Sobrang nalulungkot ako sa kanyang pagkaalis. Pakiramdam ko nawalan ako ng kakampi at ng taong tunay na nagmamahal sa akin. Si sister Margarette lang naman ang nagmamalasakit sa akin. ‘Yong iba niyang kasamahan mainit ang dugo sa akin hindi ko naman alam kung bakit?
“Ano? Tatahimik ka na lang ba? Halika rito humingi ka ng tawad kay Michel!’’ sikmat ulit sa akin ni Mother Beth. Mariin akong napapikit dahil sa sobrang sakit. Mahigpit kasi nitong hinahawakan ang aking maliit na braso kay bumaon ang kanyang mga koko.
“Mother Beth, bakit ako hihingi ng tawad? Hindi naman ako ang nauna. Sila Michel ang unang nanakit sa akin. Ipinagtanggol ko lang naman ang aking sarili,’’ katwiran ko at ipinapakita ang sugatan kong mga kamay dahil sa paghampas sa akin ni Michel.
“Hindi totoo ‘yan, Mother Beth. Sinungaling ka! Ikaw ang unang lumapit sa amin! Masaya nga kaming nagtatawanan ni Michel pero bigla kang lumapit at itinulak mo si Michel dahilan kaya bumagsak siya sa lupa at nabagok ang kanyang ulo,’’ bentang sa akin ni Nerisa. Kaibigan siya ni Michel kaya ganoon na lamang ang kanyang kasinungalingan para ipagdiinan ako. Mariin akong napaiiling-iling dahil nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni mother Beth. Para na itong sinapian ng demonyo.
“H-hindi totoo ‘yan, Nerisa! Napakasinungaling mo!’’ sigaw ko. Nagpupumilgas ako mula sa pagkakahawak ni Mother Beth at pilit kong inaabot ang buhok ni Nerisa dahil sa kanyang kasinungalingan.
“Sinungaling ka! Napakasama Ninyo!’’ sa puntong ito wala akong pakialam kung paparusahan man ako. Okay, na ‘yong kahit maparusahan man ako dahil totoong ginawa kaysa naman maparusahan ako dahil sa kanilang mga kasinungalingan.
“Mother Beth, oh. Kita mo ‘yan. Nakakatakot po si Emerald. Lagi po siyang nanakit sa amin dahil lagi niyang sinasabi na mas dapat siya ang masusunod dahil matagal na siya rito,’’ dagdag pa ni Nerisa na mas lalong ikinangitmgit ng aking kalooban. Hindi ko alam bakit ganito kasama ang kanilang mga ugali? May pa iyak-iyak pa itong nalalaman. Grabe, ang impluwensiya nito kay Michel.
“Hindi totoo ‘yan! Mother Beth, maniwala ka po sa akin. Maniwala ka po sa akin, hindi ako masamang bata,’’ pagmamakaawa ko kay Mother Beth. Pero mukhang mas pinaniniwalaan nito si Nerisa. Lagi naman ganiyan. Marahas kong naikuyom ang aking kamao nang makita ko ang mukha ni Nerisa na nakangiti na sobrang tuwa-tuwa dahil nagtatagumpay na naman sila.
“Buti nga sa ’yo!’’ narinig kong anas ni Nerisa nang kaladkarin ako ni Mother Beth palabas ng silid.
“Ang tigas talaga ng ulo bata ka! Wala kang kinatatandaan! Hali ka!” galit na galit na saad ni Mother Beth.
“Ayaw ko! Hindi ako papasok diyan!’’ sigaw nang akmang ikukulong na naman nila ako sa basement. Ayaw kong makulong sobrang nakakatakot dahil napakadilim at lagi nilang tinatakot sa amin na may mga multo sa loob ng basement. Mahigpit akong napapahawak ko hamba ng pintuan.
“Clarisse, sabihin mo sa kanila na hindi ako may kasalanan!’’ tumakbo ako kay Clarisse nang nakawala ako sa pagkakahawak kay Mother Beth. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya dahil siya naman ang nakakita sa nangyari.
“Please . . .please . . . Clarisse, ulit ko.’’
“Hindi ko po alam, Mother beth. Hindi ko nakita ang nangyari,’’ bumagsak ang balikat ko sa narinig. Akala ko pa naman iba siya. Pero siguro natatakot lang din siya kay Michel.
“Pasaway ka talagang, Esme. Idadamay mo pa si Clarisse sa kalokohan mo. Gusto mo pang magsinungaling siya para sa ’yo!’’ napahiyaw ako sa sakit dahil sa malakas na pagkakahila ni Mother Beth sa aking braso. Pero kahit gaano kasakit hindi ako umiiyaik. Ayaw kong ipakita kay Nerisa na natatakot at panalo sila. Pinipilit pinigil ang aking mga luha.
“Ano’ng kaguluhan ito? Bakit mo sinasaktan si Esme?’’ nabuhay ang aking pag-asa ang marinig ko ang boses ni sister Merideth.
“Huwag kang makialam sister Merideth. Wala kang alam sa nangyari at wala kang pakialam kung paano ko didisiplinahin batang ‘yan!’’ Singhal ni Mother Beth.
“Hindi naman ako nakikialam, Mother Beth. Sa akin lang nasasaktan ‘yong bata.’’
”Manahimik ka! Kabago-bago mo pa lang dito pakialamera ka na. Matuto kang lumugar, huwg mo akong pakialaman!’’ muling Singhal ni Mother Beth.
At saka binangga ang balikat nito para lagpasan siya. Hindi na ako nagpupumilit pa dahil ayaw kong madamay si sister Merideth dahil sa akin. Akmang papasuk na ako sa loob ng basement nang may nagsalita.
“Sandali! Nagsasabi naman siya ng totoo. Ang grupo ni Michel ang nagsimula ng away. Nakikita ko nangyari kanina kaya alam kong ang totoo,’’ boses ng isang batang lalaki. Hindi ko kilala kung sino.