Talagang pinakita pa nito sa aking ang hawak na injection. Pero hindi ko hahayaan na turukan ako ng lalaking ‘to. Napatingin naman ako sa Ina ni Isaac nang mag-ingay ang cellphone nito. “Anak Isaac, ikaw na ang bahala kay Emerald. At tiyakin mo na magagamot mo siya, okay. . . Kakausapin ko lang itong ate Sharel mo." Agad na lumayo sa amin ang Ginang. Muli akong tumingin sa lalaking baliw na ngayon ay kaharap ko at ano mang oras ay itatarak na nito sa akin ang injection. “Handa ka na ba sa injection na nararapat sa ‘yo, Susumoko Tamuran?!” “Subukan mong iturok ‘yan sa aking katawan, Mr. Yago. Titiyakin kong magiging abo ang p*********i mo!” pagbabanta ko sa lalakk. Ngunit nagkibit balikat lamang ito. Hindi man lang ito natakot sa pagbabanta ko. Nakita kong muli na naman itong humakban

