“Hayop ka! Ano’ng ginawa mo sa aking asawa! Ipapakulong kita--!” Malakas na sigaw ng babae. Balak sana nitong lapitan ang asawa nang basta ko na lang itong sinampal ito sa mukha. Hinawakan ko rin ang buhok nito. Talagang asar na asar ako sa mukha nito. “Sige ipakulong mo ako! Nang magkaalaman tayo kung sinong may masang-sang na baho sa ating dalawa!” Sabay taas ng aking posa. Pinakita ko rin ang aking id bilang isang reporter. “Titiyakin kong kakalat sa buong Baryo Ngalan-ngalan ang baho ninyong mag-asawa!” pagbabanta ko sa babae. Wala akong narinig na salita sa mag-asawa. Ngunit ramdaman kong hindi pa rin sila natatakot sa aking pagbabanta. Hanggang sa dali-dali silang umalis dito. Nakita ko naman ang lungkot sa mukha nina Lowane ay Lola Ren-Ren. “Huwag kayong mag-isip ng kung ano

