HANGGANG sa mapatingin ako sa gagong kalaban ko at nakita kong mabilis itong sumugod papalapit sa akin. Tainga talaga! Madaya pa ang pesteng lalaki. Hindi pa nga nakakatayo ng maayos si Reyna Flexe. Tapos basta na lang itong susugod papalapit. Kaya naman mabilis kong kinuha ang aking kutsilyo at gigil kong tinarget ito sa leeg. Marami ang nagulat nang bumagsak ito at tuluyang nawalan ng buhay. Dinig na dinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao. Tuwang-tuwa sila sa nasaksihan. . . Hanggang sa muli akong tumingin sa ikalawang Reyna. Talagang hirap na hirap itong tumayo. Matinding ang nangyari rito. “Patayin ninyo siya!” malakas na sigaw ni Bawane. Nagbabantang tingin ang binigay ko rito. Hanggang sa makita ko ang isang kalaban na ngayon ay mabilis ang lapit sa akin. Agad kong sinipa paita

