(NERISA's Pov) Kabado ako habang mabilis na lumalabas ng kwarto ko. Binalitaan na rin ako ng mga kawal ko, tungkol sa malaking digmaan na ngayon ay nangyari rito sa Greenen Muwa. Ang sabi ng kawal namin ni Bawane ay nagapi na raw ang ibang kawal. May nakakita raw na nahuli na si Bawane at dala-dala ni Emerald. Nag-aalala tuloy ako sa aking pinsan na si Bawane. Sana ay ligtas ito ngayon. May sa baliw pa naman si Emerald Hycone! Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Kahit kailan ay salot sa buhay namin ang Emerald Hycone na ‘yon. Ang tagal namang dumating ni tita Tess at Tita Beth. Kailangan na sila rito sa buong Greenen Muwa. Siguro naman ay napalakas na nila ang mga kapangyarihan nila? Upang tuluyang makuha ang buong lugar na ito. . Talagang may pagka-demonyo si Emerald Hycone. An

