Medyo lumayo ako sa aking pwesto at baka maamoy ng lalaki ang aking pabango, lalo at malakas ang pang-amoy nito. Sa likod ng malaking puno ako pumunta. Sana lang ay hindi ako makita rito ni Isaac. . Agad akong sumandal sa likod ng malaking puno. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kaya lang kahit malayo ako ay naririnig ko pa rin ang malakas na boses ni Isaac. “Umalis ka agad si Emerald? Bakit dalawang plato ang nasa lamesa?!” Narinig kong tanong ng lalaki kay Harere. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Paktay ako oras na makita ng lalaki. Baka tuluyan na akong gahasain nito. “Pasensiya na po, Master Isaac. Nagmamadali pong umalis si Bossing Emerald at hindi pa nga po tapos kumain, saka may mahalagang tawag siya at kailangang puntahan ngayon araw.” “Okay, ngunit oras na duma

