Nagkibit balikat na lamang ako at inalis ko ang tingin sa dalawang taong kinaiinisan ko na sina Isaac at Lady Hemelen. . Hanggang sa pasimple ko nang ibinigay kina Harere at Julmen ang maliit na device, ito ang gagamitin namin kapag nagsimula na sila sa paghahanap sa aking mga kapatid. Hanggang sa mapatingin ako sa nagsasalit. Pinakikilala na sina Gobernador Elzoly at ang dalawang asawa nito. At ganoon din ang mga anak na lalaki na talagang pinagmamalaki nito. “Grabe si Gobernador Elzoly, ang daming babae at ang dami ring anak, sabagay uso iyan dito lalo na kapag mayayamang tao katulad ni Gobernador Elzoly.” “Oo nga, kaya hindi na nakakapagtaka 'yon, saka napansin ko na mas mahalaga sa kanya ang dalawang babae na ‘yan dahil may mga anak na lalaki. Alam naman natin na mababa ang tingin

