Bigla akong natawa sa sinabi ni Jonawel na salitang mukhang pera. Eh, sa aking pagkakaalam, eh, mas mukhang pera ito kaysa sa amin ni Ennaya. . “Magkano ba ang pusta ninyo at baka sakaling labanan ko kayo?!” Biglang tanong ni Jonawel. Nagtingin naman kami ni Ennaya. Balak ko sanang magsalita nang marinig kong dumating ang private helicopter ni boss Zach. Agad kong itinago ang sampung libo. Dali-dali kaming lumapit sa mga nagkakagulo upang awatin sila. Walang nagawa ang mga taong labas sa lakas ng mga tauhan ni boss Zach. Kakalabanin nila ang bihasa sa pakikipaglaban. Halos araw-araw ay nag-iinsayo ag mga tauhan ni boss Zach. Halos magkakapantay lamang ang lakas namin. Maliban kay boss Zach na may kakaibang lakas na galing kay Ms. Farah. Iiling-iling ako na isa-isang pinagsisipa ni bos

