Biglang tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang salitang pokpok. Pasimple ko tuloy inayos ang suot kong sombrero. Hanggang sa kunahin ko ang isang upuang plastik at buong lakas kong ibinato papunta sa malaking cake na umabot ng limang layer ang taas. Bigla akong ngumisi nang makita kong tuluyang tinamaan ang malaking cake. Agad ko ring hinawakan ang kamay ni Lowane upang dalhin sa labas ng hotel. Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ng kapatid ni Lowane at nagmumura talaga ito. Ngunit hindi namin pinansin ang babae. May ngiti sa aking labi nang tuluyan kaming makalabas ng hotel. “Pumasok ka na sa loob ng kotse, Lowane. Hintayin mo ako sa loob." Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha nito. “Emerald, teka lang muna ano’ng balak mong gawin?” kabadong tanong sa akin ng babae. “Lowane,

