(Mr. Celtos AD’S POV). Bigla kong nahilot ang aking noo. Hanggang ngayon ay talagang hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa mga kawal kong may takip ang kabilang mata. Dahil inalis ang mata nila ni Emerald. Nalaman kong si Emerald Hycone pala ang nag-aalis ng mga mata ng ibang mga kawal ko rin. Hayop na babaeng 'yon. May sa demonyo yata. At talagang dinaig pa ang isang lalaki. “Mr. Celtos, pinasasabi po pala ni Emerald Hycone na ingatan mo ang iyong mga mata,” pagbibigay alam sa akin ng kawal ko. Buong lakas ko namang hinampas ang ibang mga table. Talagang galit na galit ako kay Emerald. Ngunit kailangan ko munang pag-isipan ang aking mga plano. Hanggang sa pinaalis ko na sa aking harapan ang mga tauhan kong tanga. Agad kong kinuha ang bote ng alak at mabilis ko itong tinungga na

