Chapter 3: The Death Squad

1889 Words
~~[1,862 Words]~~ The Death Squad "Ano, kaya pa ba", isang boses ang nagsalita. "Gusto ko pang makipaglaro sayo eh kaso lang mukhang natatagalan na ako. Maiinitin pa naman ang ulo ni Boss kapag pinaghihintay". Nanlilisik ang kanyang mga tingin habang sinasabi iyon. Nakatindig siya sa pagitan ng mga nakasalansan na upuan. Ang lalaking iyon na nakagulapay sa bakal na sahig ay duguan, tadtad siya ng hiwa sa dibdib, sa mukha at sa braso. Isang bagay ang kinagigigilan niyang makuha sa mga oras na iyon, ang Pluton Code ay nabitawan niya at ngayon ay sinsuubuang kuahanin iyon sa abot ng makakaya kahit hangos na hangos at hinang-hina na. Ginapang niya iyon nang pa-higa, halos nanginginig na ang kanyang kanang kamay, mabawi lamang iyon. Malapit na at ilang dangal na lamang ay maabot na ng dulo ng kanyang mga daliri ang sakbitan nito. Makikita sa kanyang mga mata ang matinding pagnanais na protektahan iyon. Nangako siya sa sarili na ang bayay na iyon ay hindi dapat mapasa-kamay ng nilalang na iyon. Sa wakas ang maingay na kumakatok sa bakal na pintuan ay pinagbuksan ng isa sa kanang kamay ng nagmamaneho, tiyak na iyon ang kapitan ng Tren. "Emergency, may masamang nangyayari sa 'Section C' ng Tren. Kailangang ihinto ang Tren na ito ngayon din o marami sa mga pasahero ang mapapahamak", sa kaba tinatagaktakan na siya ng pawis sa mukha. "Ano, seryoso ka ba", namilog ang mata niya matapos tanggalin ang bagay na nakasyot sa ulo niya Tumango siya nng may ungol, ang mga mata niya ay walang halong biro. "Totoo po ang aking mga sinasabi". Bumalik ang deretsong unat ng leeg ng Katitan, dalawang pindutan ang kinapa niya mula sa ilalim ng switch board. Inayos niya ang maliit na microphone sa harap ng mukha niya. "Atensiyon sa lahat ng mga pasahero", nagsimula na siyang magsalita. "Makinig at sumunod sa aking sasabihin, ito po ang kapitan ng Tren", sabi niya. "Ang lahat po ay maging maingat sa kung anong sitwasiyon ang nagaganap diyan sa loob. Siguraduhin pong iwasan ang mga bagay na maaaring maging banta ng panganib sa inyong mga sarili. At kung maaari ay iwasan na lang po ito at huwag makisanggot para sa ikabubuti ng lahat. Inuutuasna ko po ang lahat na umusog sa Section B para sa inyong proteksiyon. Nalalapit nang pumundo ang Tren, hinihiling ko po ang inyong panandaliang pagsunod hanggang sa makarating na po tayo sa estasiyon. Maraming salamat". Ang lahat ay naalisto, isang malakas na boses ang umalingaw-naw saan mang dakong loob ng Tren hnaggang sa huling Linya ng Section L. Walang pagdadalawang isip, ang kanya-kanyang mga sarili ay mas ini-usog pa sa pinakadulo. Gayunpaman, tatlong lalaki ang nagsalita, nagpagilaw-gaw sa tainga ng pigurang nasa harapan nila. Ang grupo ng mga di kilalang lalaking iyon ay mga naka-yuniporme ng puti, may kanya-kanyang simbolong nakatakid sa harapan ng kanilang kasuotan. Isa sa kanilaang tinaggangal ang guhit-guhit nitong sombrero. Isang bagay ang hawak ng kanilang mgva kamay, ang isa ay hindi na makapaghintay na ihambalos ang sa kanya. Lumabas na mga basebal player pala ang mga iyon at ngayon ay may balak na gumawa ng kani-kanilang mga panghalan sa loob ng Tren. "Ipakilala mo an iyong sarili. Sabihin mo anong klaseng nilalang ka", sabi niya, walang halong tuwa ang mukha niya kumapara sa nasa kanan niya. At ang isa sa kaliwa niya ay tila nagpipilit ang hilatsa ng mukha, handang-handa sa pwedeng anong mangyari. "Hmm", tumalikod ito ng madahan. "Hindi namin alam kung sino ka o anong klaseng tao ka pero wala kaming pakialam", sabi niya, puno ng katapangan ang kanyang mga salita. "Hindi mo ba alam na ang iyong gingawa ay may katumbas na kaparusahan sa batas. Isa kang kriminal, ang dapat sa iyo tinuturusan ng leskyon. Kung ano man ang atraso niyan sa iyo, mas mabuting layuan mo na siya". Isang bulalas ng tawa ang umapaw sa loob. Ang mukha niya ay mas napapunta sa mas nakakatakot na pag-ngisi. "Pinapahanga niyo akong tatlo. Kung gayon, bat di natin subukan". Isang mabilis na pagkilos ang pinairal ng tatlo, ang nasa gitna ang naglakas-looob na manguna ngunit kinalmot lang siya niya niya sa kaliwang leeg hanggang sa magwaras siya at matumba sa upuan. Ang kamay niyang nanghinginig ay inilapat sa naghihingot-hingot na sugat. Ang sumuod ay walang hirap lamang niyang binutasan ng dib-dib, dinukot ang puso nito at isang beses na hinimod at pagkatapos ay ipinasa na parang bola sa isang nasa-saharapan, ang mga mata ay sobrang nanginginig. Walang nagawa ang isa, nadulas ito sa sahig sa karumal-dumal na nasaksihan sa ginawa sa kanyang kasama. Nag-iiyak siya papalyo na parang nakkita ng multo, walang lang kaht anong iginanti. "Halimaw", sisigaw ito na parang nauulol. Walang sala nanasaksihan ng marming mga taong naroroon ang pangyayari, ang bawat isa sa kanila ay napupuno ng kilabot na tila ngayon lang nila nakita sa buong buhay nila. Nandun ang ibang natitira na kaprehas ng kasuotan ng mga naging biktima nito. Tiyak na ganun din sa lalaking nakalgmok naiyon, nagpakawala siya ng isang seryosong pagatake kaagapay ng isang malaks na pag-sigaw. Ang kanyang mga mata napupuno ng galit. Gayunpamn, wala rin siyang nagawa. Tinadtad lamang siya nito ng mga kalmot sa buong katawan at pagkatapos at itinaas siya nito habang madiing nakakapit sa kanyang mukha. Sa tangkd at haba ng daliri ng mamatay taong iyon ay halos isang sakmal lamng nityo ang buo niyang mukha. Pinipipiga na siya, nararamdan niya ang unti-unting pagbitak ng kanyang bungo, sadyang napakalakas ng physical strenght ng nilalang na iyon. Walang kalaban-laban, ang bit-bit niyang kahoy ay nabitawan niyasa sobranmg pag-aalla sa sarili, sisisgaw siya sa ere na parang kinakatay. Dumadanak na ang dugo sa kanyang mukha hanggang sa leeg tung sa kanyang nagpuputian niyang kwelyo. Ang kamay na halimaw na iyon na may nangingintab na mga kuko karamay ng isang matingkad na kulay ng dugo ay dahang ipinusisyon sa ere para sa panibaong binabalak na pagatake. Sa isang mabilis na wasiwas ng braso, dumaan na parang espada ang mahahaba niyang kuko sa leeg ng kaawa-awang biktimang. At sa isang iglap, sumirit na parang gripo ang dugo nito sa leeg, kapit ng dalawang kamay na parang nabilag-ukan matapos bitiwan, nagsusuka na siya ng sariling dugo nang nakaluhod. Ang mga mata ng mga naroroon ay talaga namang hindi mga maipaliwanag, para silang mga estatwa na dinaanan ng isang malakas na lindol, damay ng kinig. Samantala, sa kabila ng kalunos-lunos na p*****n, ang iba pag mga baseball player na natitira ay naglakas loob ring lumaban upang ipagganti ang namatay nilng kasamahan. Bit-bit ang kanya-kanyang mga baseball bat, pinaghahampas nila iyon, tumama o hindi ay dere-dereso lang sa pagatake subalit masiyadong mabilis ang nilalang na iyon. Sa huli, wala rin nagawa angh mga sarili. Pinagbabalibag lang sila nito, tinadyakan at pinagkakalmot. Kahit na ang isang nagawang mahawakan sa ere ay wala rin'g naging silbe, itinapon lang siya nito na parang basuira sa bintana hanggang sa mag-agangat siya sa labas nang tumatakbong Tren. Gayunpaman, ang isang naroroon na tila'y bagut na bagut na ay binunot na ang kanyang tago-tagong baril. Pinagbabaril niya ito ng walang himpis ngunit masiyadong magulo ang nilalang na iyon, ni-hindi niya ito magawang matamaan na halos ay magka-basag-basag na ang buong paligid na naging sanhi ng pagpu-pundi ng mga bumbilya sa kisame. Isang lalaki ang nangahas, dala ang itak niyang hindi lisensiyado. Tiyak na ang isang iyon ay magsasaka. Subalit wala rin itong nagawa. Walang kahirap-hirap, ang sarili pa nitong sandata ang ginamit nito sa kanya matapos nitong mabitawan sa upuan. Sa isang sapat na pagtadyak sa puluhn ng itak, umikot ito sa ere na parang elesi, sinambot sa isang tiyak na betiranong pagkapit at pagkatapos ay ibinaon ang talim sa likod ng kaawa-awang magtatalok. Isang nanliisik na mga mata. Madugong mga kuko, napakatatalas. Mula sa kinatitindihan nito, isang masidhing titig ng pagpaslang ang ibinato niya sa nanginginig na lalaking iyon. Siya na ang susunod na biktima. Nagpatuloy siya sa pagbaril subalit tila mas lalong bumubiis n bumibilis pa ito at nawawala-wala sa bawat patay sindi ng ilaw. Nagpaiba-iba ito ng sampahan, mula sa sahig, sa gilid-gilid at sa kisamae. Hindi niya makita, nawawala sa pa-piik-pitik na dilim, unti-unting papalapit sa kanya. Ilang bala ang pinakawalan niya ngunit tila hindi ito tinatamaan hanggang sa isang iglap, bigla na lang itong naglaho kasabay ng dilim. Nawalan siya ng bala, kaagapay nito, mas tumaas ang pindig ng kanyang puso, tinatagktagakna na siya ng sng-katuka na pawis. Tila hindi alam ang gagawin hanggang sa nalaman na nasa tabi na niya pala ito, sa kisame. Dahang siyang tumingala, binigyan siya nito na isang malambinh na, 'Hello'. Isang malakas na hagulgol ng sigaw ang yumanig saan mang sulok hanggang sa labas ng Tren. Nalaman ng kanyang mga mata kung saan ito nagtungo. Ang paningiun niyang napupuno ng tila walang-kasawang pagpaslang ay ngumiti sa itaas. Isang kawang na lusutan ang sumilay sa kanyang nakatingalang mukha. Dun siya sumuot, sapat na ang lakas ng kanyang talon upang pumundo sa buong Tren. Ang lalaking iyon, patuloy ang pagtakas sa abiot ng makakaya kahit na ang buong katawan ay naliligo na ng sariling dugo, puros hiwa at sugat. Sira-sira na ang kanyang kasuotan. "Wala ka nang tatakbuhan, human",sumigaw ang mamatay tao . "Ubos na ang oras mo, andiyan na ako. Oras na ng iyong katapusan at ngayon at dito mismo sa bubong ng tren kita kikitilin ng buhay". Nakakakilabot ang bawat bigkas ng kanyang boses. Isang malakas na hagulhol ng tawa ang pinakawan niya, sumasalunga sa hangin na parang nag-eecho sa himpapawid Walang duda, rinig niya ang boses na iyon mua sa malayo. Napakalakas ng hangin na halos ay madala-dala na siya nito sa ibabaw ng tren. Parang nagbabagyo sa kalagitnaan ng Antarctica, dere-deretso lag siya sa paglalakad. Malapit na siya sa pinakang-huling Section ng napaka-habang Tren. "Ibigya m na sa akin an Code na yan, baka sakaling magbago pa ang isip ko. Alam mo ba kung gaano karaming mga tao ang maillgtas sa mundong ito gamit ang bagay na yan. Kapag nangyari iyon, mas makakapamhay kana ng mas maayos at maahimik. Ang patuloy na pagdami ng populasiyon ay nakasasama sa Mother Earth, mas maunti, mas maganda, mas mapayapa". Walang pnagbago sa hitlasa ng mga ngiti niya habang naglalaro ang mga kamay niya sa hangin. "Ok lang naman sa iyo yun diba,mas mabuti nga yun. Well ang totoo napagutusan lang ako, si Boss ang laht ng my pakana nito. Kaplit ng hinihiling ko, ay kapalit ng pagsasakatuparan ng lahat ng kanyang mga plano. Ang Pluton Code na yan ang kasagutan". Bigla siyang natawa sa sarili. Iniisp na nagmumukhang timang lamang siya ruon, kinakausap ang sarili. Ni-isang salitaay wala siyang natanggap mula sa lalaking iyon. Tan-aw niya, walang hinto prey niya sa pag-iwas sa kanya kasama ang bagay na kanyang kanina pa niya pakay. Gayunpaman, ok lang sa kanya ang ganuon katagal na pakikipaghabulan sapagkat para sa kanya, mas matagal ang laro, mas kagiliw-giliw na eksperyens. Mas masaya. "Magiging masaya ito", bumulong-bulong siya sa sarili. Isang mabilis na pagkilos ang kanyang pinakawalan, hindi literal na kilos na karaniwan ginagawa ng karaniwan na tao kundi ang pagtakbo na malayong-malayo ang galaw. Ganap na maihahalintulad sa isang mabangis na hayop, napakabilis at napakalakas. Sinuyod niya ang kahabaan ng Tren kaagapay ng isang hagulhol at hagik-gik na mga tawa, madarama ang kanyang malalim na pagsasabik na pumatay sa kalagitnaan ng pagkilos. Gayunpaman, isang pangyayari ang nagpabagal sa kanya sa pag-usad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD