~~[1,663 Words]~~
Tabboo
Sa likod ng malapad na bagay, duon nakatungo si Zero. Isang pamatpat ang mahigpit na kapit ng kanyang pinong mga kamao. Blam. Isang malakas na wasiwas ng hampas, nag-ngiwit sa sakit sa likod ang teroristang iyon.
"Yuren", nagtawag sa sigaw.
Senyales iyon batay sa planong kanina pa nila pinaghandaan. Mula sa tagong bahagi, umutlaw ang tinawag niya at hindi man lang nagdalawang isip na kagatin ang braso ng lalaking iyon. Sa lakas at tindi ng pagkakabaon na halos ay bumaon na ang ngipin ni Yuren rito. Nag-agangat ito sa sakit at mas nadagdagan pa iyon nang pasundan ni Zero ng sunod-sunod na sapak sa sikmura na nagpa-bali ng likod nito tungong kuba'ng hitsura. Dalawa at isa pa, ganap na napakatindi, mababase sa mukha ang dinanas ng sarili sa dalawang nagtulungan na iyon na hamak na mga bata lamang.
Wala itong nagawa.
"Ang baril ap.. apunggal kang diponggul ka", hindi pa kontento si Zero.
"Tingnan mo ang mukha mong insekto ka, walang kadala-dala. Ang lakas ng loob mong tutukan ng baril ang mga batang katulad namin", sinuhulan niya ang lalaking iyon, ang galit sa mukha ay batak na batak.
"Amin na lamang ang baril mo".
"Sige Yuren, agawin mo ang baril sa kanya", nakatigin siya sa baril.
"S-sige"
Agad na kinuha na hinablot ni Yuren ang nanatiling hapit-hapit parin ng kamay nito. Buti na lang kulang iyon sa lakas ng loob at kung nangyaring pinatuibay nito ang sarili laban sa kanila, malamang na isa ang nabaunan na nang bala sa katawan.
"Ito ay mas maliit na isa kumpara sa nahawakan ko kanina", sinuri ni Yuren ng mabuti ang baril na iyon. "Mabigat siya pero parang hindi naman ganoon kabigat".
"Ibigay mo sa akin yan, hindi kapa handang gamitin yan", sabi ni Zero. "Oh ito, yan muna ang gamitin mo", sa halip ay iniabot niya ang kanyang hawak na pamatpat.
"Sa tingin ko nga".
"Teka ano yun", isang malakas na dagabog ang narinig ni Yuren, nahuli si Zero na makaalam. "Malamang bagong panganib".
"Sa tingin ko ruon". Sinubukang hanapin ni Yuren kung saan nanggagaling hanggang sa nalaman niya ang tatlong terorista ang nasa likod nito. Sinisira nito ang pintuan na may medyo kalaparan. Sa itaas ay may nakalagay na, 'Please don't disturb. Only pacient allowed to enter'.
"Tumatayo ka pa".
Isang huling banat, tinadyakan niya ang nabuhay na isa sa pagkakalugmok at pagakatapos ay ini-untog sa matigas na bahaging iyon na naging bunga ng pagbabalik sa sarili nitong himbingan. Tatlo iyon sa katunayan, ang isa ay hugis bangkay na. Walang halong biro talaga ang di-pangkaraniwang lakas na tinataglay ng batang iyon. Malamang na si Yuren ay ganun din, marahil siguro hanggang ngayon pa rin.
Nandun si Yuren, nakadungaw na.
"Kapag hindi kayo lumabas, lalagyan namin ng bala itong 'DickHead' na kasamhanan niyo".
Nakisalo si Zero, para silang nagtatago-taguan sa kabilugan ng buwan. Naalala ni Yuren ang nilalaro nila ng ate niya nung mas bata-bat pa siya.
"Para tayong naga-tagu-taguan Zero".
"Tayo lang, sila walang balak magtago"", sabi niya. "May plano ako".
"Ano".
Sinimulan niyang ipakinig kay Yuren ang naisip niya.
Nagsisipol si Zero, ang kanyang dalawang braso ay nakatutok sa likod. Si Yuren namang nagkakamot ng pisngi, nakalagy rin ang brso niya niya sa likuran. Ang kanilang mga mukha ay anakalihis sa magkabilaang pader. Ang dalawang iyon ay sabay nanggaling sa kung saang lugar. Sa mga hitsura nila, nagmukha silang mga kawatan sa daanan na may sipat ng ka-hinalaan.
"Mga bata", bumulong-bulong ang isa, nagtaka ang sarili. "Paanong, anong ginagawa ng mga bata sa ganitong lugar. Hoy mga bata", sumigaw ang tinawag na bungal. "Saan kayo nanggaling, anong ginagawa niyo rito. Mga sino kayo".
"Wag kang pa-dali bungal, mga hindi ordinaryong mga bata yan".
"Wag kayong lalapit o babarilin namin kayo".
"Ilabas niyo ang mga hawak niyo sa likod".
Inilabas ni Zero ang baril niya. Isang malalim na ngiti ang ginawa niya.
"Ano, may baril".
"Anong ginagawa mo, Zero", biglang sumigaw si Yuren. "Anong giagawa mo, kala koba plano natin...", pinalitan niya agad iyon ng mahinang pagngisi. Bumulng-bulong.
Walang nagbago sa hitsura at tayo ni Zero, bigla na lamang niyang hinigit at niyakap si Yuren. "Gayahin mo ako".
Mahinhing ngumisi si Yuren. Kusa niyang inilabas ang kanyang tago-tagong sariling armas, ang pamatpat niya. At biglang hinugot sa kani-kanilang mga kamay ang mga armas.
Isang mahigpit na pagkapit ang ginawa ng isang terorista sa ulo ng batang iyon, talagang sinasabunutan na niya ito. Bagkus kay Yuren ay hinugot naman ang likurang damit niya paitaas.
"Hoy Blouchi", may binabalak siyang sabihin.
"Oh", sumagot ito.
"Sigurado akong ang mga batang ito ay anak ng isa sa mga nanunungkulan sa Forrtress. O kung suswertehin pa ay baka ang mga batang ito ay anak ng isang mataas na opisyales ng militar", isang pagngisi at sumipit sa magkabilaan ng kanyang uka-ukang pisngi. Ang mga mata niya ay nagsasabi ng tila katiyakan ukol sa iniisip niyang pagaakala.
"Baka nga", ngumisi rin ito. "Tumatalino ka Bokabua".
Tahimik lang ang isa nilang kasamahan, isang malaking baril ang bit-bit ng kanyang mga kamay. Seryoso at may nakakatakot na hubog ng hitsura, ganap na malayo sa dalawa.
"Hoy Ulupong", nagsimula nang maginit ang tainga ni Zero.
"Baakit, ano yun".
"Gusto ko lang sabihin sa iyo, na ayaw ko ang hinahawakan ako sa buhok ng marumi mongh kamay", hindi nagbibiro ang mga mata niya. Nang banggitin ni Zero ang kina-aayawan niya, isang mapang-insultong pagtawa ang isinagot sa kanya ng mga iyon.
Blaam.
Isang malakas na pagsipa ang ginawa ni Zero sa ilalim ng luma nitong maong kung saan kumukubkob ang bagay na pinakaiingat-ingatan niya. Nang dahil ruon, hindi matanggap ng mga mata nito ang hapdi ng sandali. Biglang nanahimik siya sa sakit, ang kanyang mukha ay talaga namang hindi na mahitsurahan.
Nasaksihan ng isa ang naganap. Wala ang mukha nitong nakakatakot ay segundong napunta sa natakot. Nanginig ang kanyang buong katawan at naalisto habang ukob ang katawan. Pinagbuhatin niya ng baril ang batang iyon. Nanginginig.
"Yuren sa iyo yang isa".
Agad na ginaya ni Yuren ang ginawa ni Zero, tianduyakn rin niya ito sa itlog hanggang sa walang kahit ang nagawa ang nagaalinlangang sarili nito.
"Patawad, hindi ko po sinasadya. Napagutusan lang",pinasundan pa niya ng isa.
"A-anong g-ginaw....m-moh", kaunti na lang, malapit na mahiga sa sahig ang bininyagan ni Zero.
Ginawa rin ni Zero ang ginawa nito sa kanya, tiyak na mas malala ang paraan ng pagsasa-bunot niya rito.
"Ano ka", tinawanan niya ito. "Kala mo ha. Sinabi ko naman sa iyo na ayaw ko ang hinahawakan ako sa ulo", sabi niya ngunit hindi pa siya tapos, pina-sundan pa niya ito ng pangalawa
"Zero hindi ba masakit ang ganuong paraan. Kawawa naman mga itlog nila", ang mukha ni Yuren ay nagpakita ng bahid g pagkaawa. Tila pinagsisihan niya ang ginawa niya sa isang iyon.
"Oo, pero minsan kasi ang paraan para makaiwas ka sa mga taong nang-aabuso sa iyo ay gawin ang tinatawag na taboo sa kalalakihan", bumulong-bulong siya kay Yuren.
"Ganun ba".
Tumango si Zero. "Tama na rin yun sa kanila kasi masiyado silang mapusok", sabi niya. "Wag mo nang isipin yan kasi lalaki ka rin. Matakot kana kapag babae ang gumawa sa iyo niyan. Mas malala", mas buamabaw ang pag-bulong niya kay Yuren. "Siguradong yari ka kaya wag na wag mong pagtangkaing galitin ang isang babae".
"Nge", napausog ang mukha ni Yuren. "Nakakatakot naman. Paano kung gawin sa akin ni ate ang tinatawag na taboo nayan, edih tapos na ako".
"Correct", sumang-ayon si Zero. "Paniguradong taposh, ang generation mo".
Walang imik ang isang terorista. Hindi siya natagtagal sapagkat ang kanilang bihag mismo ang dumali sa kanya. Isang malakas na pagbatok ang ginawa nito gamit ang dalawang kamao na pinag-isa.
"Salamat mga bata sa inyong tulong".
"Nako walang anuman po", malalim na ngumisi si Yuren.
"Buksan niyo ang pinto",nagsiisgaw siya, kinalampag niya ang harapan ng daanan. "Ok na, wala na ang mga terorista mga kasama. Si Seiko ito".
Hawak ang dalawang braso, idinukdok ni Zero ang pagmumukha ng isang teroristang iyon sa pisngi ng pintuan. Ilang sandali, rinig nila ang mahinang kalingking ng bakal mula sa likod, hanggang sa nagawa na silang pinagbuksan ng mga taong naroroon sa loob.
Isang malakas na pagbaksak, lumapat ang dibdib ng teroristang iyon sa maruming sahig.
Kasabay, isang boses ang nagsalita. Ang hubog ng boses na iyon, tiyak na hindi nanggaling sa isang sinuman na mataas kesa ruon.
"Magandang gabi sa iyo, sir", isang matanda, kuba at mas ikinuba pa ang sarili.
Isang malakas na hangin ang lumosot sa bukas na makipot na bintana at nagpagulo sa harapang buhok ni Zero.
"Magandang gabi rin", sumagot siya, isang silay ng magaang ngiti ang naglaro sa kanyang mga labi. Ang kanyang kananag paa ay nakatapak sa ulo ng terorristang pinahirapan niya, isang mahabang madilim na baril ang kapit ng kanyang kaliwang kamay.
"P-paanong naging malakas, i-isang hamak na bata".
Mas isinubsob pa ni Yuren ang mukha nito.
Natulala ang lahat, hindi nila inalakala ang ginawa ng matanda, pati na si Yuren na nanatiling inaabuso ang sarili niyang biktima sa likod.
Nagwaliw ang mata ni Zero sa mga naroroon.
.Tiyak na iniisip ng mga taong naroroon na walang galang ang batang iyon.
"S-s-salamat po", sinabi niya ngunit hindi niya ginawang bawian ang matandang iyon.
"Anong nangyari, sinong nakahuli sa mga teroristang yan", isang malalim na pagtataka ang nagningas sa matatakuting pagkatao ng isang iyon. Nasa harap na niya ang ebidensiya ngunit naghahanap pa rin siya ng kasagutan base sa nakikita niya'ng walang katiyakan.
"Ang mga batang ito, Doc", sumagot si Seiko. "Niligtas nila ang buhay ko sa mga teroristang yan at kung hindi dahil sa kanila, malamang wala na ako".
"Ano, anong kabaliwan yan".
Humahakbang ang mga mata niya paibaba, ang iba sa kanila ay nabigla, hindi nila maisip kung papaano. "Seryoso ba ang mga sinasabi mo. Niligtas ka ng isang hamak na mga bata lamang".
"Hindi ako nagbibiro, hindi pa ba malinaw sa iyo ang iyong nakikita".
Isang pagngisi ang ginawa ng dalawa, sabay.
"Wag mo nanag isipin yan Doc", nagsalita na ang matanda. "Ang mahalaga ay naiwasan natin ang mga sarili sa maaaring masamang mangyari. Magpasalamat na lang tayo sa mga...ito. Malaking bagay ang naitulong nila".
"A-anong n-nangyayari", hirap ang boses, ang lalaking iyon na may tapis ng puting damit sa katawan ay nagsalita. May dugo ang sikmura niya.