~~[1,051 Words]~~
The Code or Your life
Wosh. Isang pigura ang lumitaw mula sa mapang-bugso na hangin. Walang duda galing siya sa ibabang bahagi ng pader na iyon. Ngunit. Papaano, samantalang ang tayo ng isa pang 'Railroad' ay sa gitnang bahagi ng pader na may lalim mula sa kanya paibaba sa daanan na halos isang daan at limampung metro o mahigit pa. Gayunpaman, ayon sa sinasabi ng mga taong nakakalam tungkol sa tibay at tatag ng pader, wala raw na sinuman ang makakapag-bitak nito kahit rocket man o missle. Sapagkat ayon sa mga impormasiyon ukol ruon, ang pader raw na iyon ay ginawa hindi lamang mataas kundi may hindi pangkaraniwang tibay na ordinaryong bagay man ay hindi ito magagawang masira, matigpal man o mahati. Sa pagtagal ng panahon, kahit hanggang ngayon ay wala paring malinaw na dahilan kung bakit ginawa ang pader na ganuon kataas, katibay at katatag. Subalit, sapagkat ang lahat ng papel na may kinalaman sa paggawa ng dambuhalang pader na iyon ay lahat sinilab. Marami sa mga tao ang hindi naniniwala kahit kailaman pa man na ang unang hari ng Noxus Empire ay hindi ang pigurang nasa likod ng pagpapagawa nito. Nanatili pa ring misteryo ang pader na iyon hanggang sa kasalukuyan.
Gayunpaman.
Ang pigurang iyon, bumagsak sa isang mapayapang sundo sa ibabaw ng isang malapad na kongkreto. Tiyak na ang pinunduhan niyang iyon ay ang pinaka-tuktok ng dambuhalang pader. Maaring sa tayo niya ay hindi lamang iyon tatlog daan, kundi humigit kumulang para sa apat na daan base sa metro at altitude ng tayog o taas. Hindi na masiyadong tan-aw ang mga gusali sa ibabang-kalayuan sa kapal ng ulap na bumabalot.
"Ohow, its been a while", sa bawat hinga, tila sinasampal siya ng bugso ng hangin sa pisngi. Dama ng balat kung gaano kalakas ang suma-samual sa kanya. "Ang sarap naman ng hangin dito sa taas, ngayon lang din nakatungtong dito sa nagdaang mga nakalipas na panahon", banggit niya. "Hindi na masama, ginawa mong gumawa ako ng dahilan na pumunta rito para lang paslangin ang wala mong kwentang buhay. Ngayon bigyan mo pa ako ng ibang dahilan", ang mga salita niya ay mapurol, yet nakakatusok ng damdamin.
"Bibigyan kita ng minuto upang iabot sa akin ang bagay na yan", sabi niya. "Dalawang pagpipilian lang ang ipapatong ko gapok mong utak", ang mga mata niya ay nagbibiro ngunit ang mga ngiti niya. "Ang Pluton Code o kapalit ng buhay mo", nagbaba-bala na ang unat niyang braso.
Nakakapanidig balahibong humahalo sa balahibo niyang kanina pa nagtindigan. Ang lalaking iyon na may katakot-takot na hilatsa ng mukha ay parang nababang-aw na sa kaba. Malamang kung hindi kagagawan ng malamig na hangin na yumayakap sa katawan niya, tiyak na naliligo pa rin siya sa pwis hanggang ngayon.
"Wala ka nang tatakbuhan pa".
"Hindi maaari, ang bagay na ito ay hindi nararapat mapunta sa mga katulad mo", nagngatngat ito ng mga salita bilang sagot sa lalaking iyon na may mapang-abusong mga ngiti. "Itataya ko ang buhay ko para rito. Nangako ako na kahit anong mangyayari, hindi ito mapupunta sa ibang mga kamay. Lalong-lalo na sa mga maiitim ang budhi".
Bakas sa kanyang mga mata ang matinding panindigan na protektahan ang bagay na kapit ng kanyang mga kamay. Kitang-kita ang panginginig.
Bukod sa bilis, sadyang may matalas rin na paningin ang pigurang iyon kahit sa may kapang-lawan man ang paligid. Mas lumalim ang ngiti niya. Hindi iyon napansin.
"Hindi ko hahayaan na mapa-sakamay mo ang Pluton Code", mas humigpit ang kapit niya sa bagay na naka-kubli sa kanyang braso. "Ngayon na alam kona ang bagay na ito, binigyan mo rin ako ng dahilan para ipaglaban ang nararapat sa hindi dapat".
"Isa kang hangal", bumulong-bulong. "Kung gayon, puputulin ko na ang pinataw ko sa iyong mga salita. Nakakawa ka, katulad ka ng mga taong mga pinaslang ko at ngayon ikaw na ang sususnod".
Nagsimula na ulit itong gamitin ang di pangkaraniwng bilis.
Maririnig ang ugong ng sasakyan, isa iyong napakahabang tren na maaring may mga sakay na pasahero sa mga oras na ito.
Pinagbuhatan niya ito ng baril ngunit wala ring naging epekto. "Napakabilis niya". Hindi pa siya tapos. Dumukot siya ng isang dinamita, nakatakit sa katawan nito ang tape na nakatali rito. Pinaghandaann niya iyon kanina pa upang baka sakaling maisahan niya ang manghahabol na iyon. Mabilis niyang kinalas ang pin at agarang inihagis rito. Kaunti nalang ang lapit sa kanya,. Sa wakas napagtgump[ayan niyangh maidikt ito sa kalaban.
Gayunpaman, nagawa nitong maialis ang dinamitang dumikit sa kanyang madilim na cote pero naging isang metro lang ang layo nito sa kanya nang subukang ihagis. Yumanig ang hangin, isang malakas na pagsabog ang naganap sa tabi niya hanggang sa tumalsik siya ilang metro ang layo sa pinagtangkaan. Buti nalang nagawa nitong makakapit sa kantong bahagi at kung hindi, malamang sa pinakang ibaba siya pupulutin na may daang metro ang lalim.
Sinamantala ng lalaking iyon ang pagkakataon na makalayo, tinahak niya ang lubog na bahagi ng Railroad Track.. Walang pagdadalawang isip, lakas loob siyang nagbitaw siya senyales gamit ang pagkuway sa hangin, at pumara ang tren na iyon sa isang madulas na paghinto, sagitsitan na nakakairit sa pandinig ngunit wala sa kanya sa kalagayan na iyon. Sumigaw siya, hinarap niya ang dinabog niya ang bubog ng unahan gamit ang kamay niyang may hawak ng baril subalit walang bahid sa mukha ng Driver ang awa ng pagsunod.
"Buksan niyo ang pinto", nag-ingay at nagdabog siya sa harapn ng tren, walang sala kapiranggot lang ang napapakinggan ng driver nito ngunit sa mga mata ng Driver nasa kanya ang mapanagutang desisyon. "
Bwisit", napilitan siyang maagisip ng ibang paraan. Sumampa siya sa taas. Sapilitan niyang binasag ang itaas na bahagi ng bintana na naging dahilan ng pagkumpulan ng mga pasahero sa tabi. Maririnig ang mga boses nito mula sa loob, puno ng takot at pangamba ang bawat isa. Isa pang bala sa gitnang bahagi, tuluyang nabasag ang salamin.
Kumapit siya sa palupo ng bintana at ipinasok ang sarili ruon gamit ang isang malakas na tadyak. Sa wakas nagawa niya makapasok ng hindi na kina-kailangan ng pakikipagtalo, ticket o ano pa man. Basag ang bubog, nagkalat lahat sa upuang nilisan ng ibang mga pasehero. Ang kanyang presensiya ay sapat na upang magtipon-tipon sa tabi ang mga sakay habang nagmamadaling magtatakbo pa-huli. Wala siyang pinagkaiba sa mga taong mga naroroon na mismong ang sarili mismo ang naging sanhi.
"Tabi. Tumabi kayo", dala ang kanyang baril.
Nagsimula nang umarangkada ang Tren.