Alas dyes na ng gabi at nagpaalam na si Natalie sa kasamahan niyang si Percy.
"5 hours ka ng O.T, a. Nag-tatanong na yong HR bakit panay OT mo. Sabi ko na lang sampu kasi anak mo na pinadedede."
Natawa na lamang siya sa sinabi ni Percy.
Napatingin siya sa labas. Nandoroin pa rin ang dalawang lalaki na bumubuntot sa kanya.
Ang isa ay nakapikit na. Umaandar ang oag kapilya niya.
Naisip niya takasan niya kaya kung ano ang gagawin ng mga ito.
Pumunta muna siya ng ladies wash room. Nagtagal siya doon ng ilang minuto. Dahil nagpalit muna siya ng damit.
Tapos sumilip siya sa labas.
Nagulat pa siya ng nasa labas ng wash room area ang mga ito.
Nakatalikod ang dalawa at nakatingin ang mga ito sa lobby.
Kaya pagkakataon na niyang lumabas.
Dali dali siyang lumabas ng ladies wash room at biglang napalingon ang isang lalaki. Nakita siya nito kaya siya ay dali daling naglakad kaso napagawi siya sa may elevator.
No choice na siya kaya pumasok na lang sa loob ng elevator na kakabukas lang.
Sa kamamadali niya ay hindi niya napansin na Top floor ang napindot niya.
Nakahinga siya ng malalim.
Pagkalabas niya ng elevator ay deretso siya sa exit para sa hagdanan na lang siya dadaan pero napansin niya parang meron taong umaakyat ....kaya bumalik na lang siya at napunta siya ng right wing.
Pilit niyang buksan ang pinto pero naalala niya na may code ito. Naalala niya noon napunta sila ni Percy dito. At nakita niya kung ano ang code ng kwartong ito kaya dali dali niyang pinindot ito.
Bumukas ang pintuan. At pumasok siya.
Medyo madilim sa loob. Sumilip siya sa maliit na butas ng pinto. Saktong dumaan ang dalawang lalaking naghahanap sa kanya.
Napabalikwas sa bath tub si Dane.
Narinig niya kasi na may pumasok sa kwarto. Nakaidlip kasi siya. Nakatatlong bote na siya ng beer sa kakaantay kay Ilustre.
Kaya medyo tipsy na siya. Napangiti siya dahil hindi siya binigo ni Ilustre.
Lumabas na siya ng bathroom at hindi na nagtapis ng tuwalya.
Medyo pasuray na ang lakad niya.
Kahit madilim ay naaninag niya ang babae sa pintuan.
"Ano kaya ang ginagawa ni Ilustre sa pinto?" Napangiti siya. Lumapit siya rito at bigla niya itong niyapos.