Si Natalie ay deretso sa wash room. Alam niyang sumusunod na naman ang dalawang lalaki sa likuran niya.
Hindi naman siya nagtagal sa wash room. Paglabas niya ay nandoon sa labas ang dalawang lalaki at parang meron itong kausap sa ear piece nila.
Inignore na lang ni Natalie ang dalawa. Kunyari hindi niya pansin ang mga ito.
Pagkabalik niya sa Front desk reception ay nakatulala si Percy.
"Hoy, ano ba nangyari sayo at tila binagsakan ka ng isang malaking t**i na may pakpak."
"Talaga, Dhay, Nandito si Sir Dane, at kasama ang crush mo si Sir PJ."
"Oh, talaga? Pero di ko pa nakikita yang Sir Dane na yan. Gwapo ba talaga?"
"Nuknukan, Dhay. Kung meron lang akong kipay at hindi ako bakla, bubukaka ako sa harap niya."
Napangiti na lang si Natalie. Halos isang taon na siya sa Hotel never pa niyang nakikita ang CEO.
Kahit picture wala ito. Kahit mga kasama nila sa work o si Percy ay wala man lang picture sa cellphone.
Gabi kasi ang punta nito sa Hotel at bihira lang din kung pumunta. Pag may kasama ito halos kasama ang mga alalay at bodyguard at natatabunan ang mukha. kaya hindi sila makapag picture rito ng maayos.
Napaka exclusive daw kasi ng CEO nila.
Hindi ito masyado open sa mga media. Pero napaka playboy nito.
Laging si PJ ang nagpupunta sa Hotel. Akala ni Natalie ay si PJ ang CEO.
Habang nasa elevator ay kinuha ni Dane ang cellphone.
Wala pa ding imik ito. May hinanap siyang tao sa contacts niya at pinindot ang call ng pangalang Ilustre.
Tinawagan niya ito.
Nag-ring a cellphone sa kabila at sinagot naman ito kaagad.
"Are you free tonight?"
"Hi Sweetheart, mmm, i will message you. Nandito ako sa club e."
"Please, come I am expecting you tonight. Please?" parang bata nagsusumamo si Dane.
Napahagikgik na lang ang babae sa kabilang linya.
"I will message you okay?"
"Nandito ako sa Monte Hotel. Sa Top floor."
"Okay, tsup!" Pinatay na nito ang linya.
Napabuntunghina na lamang si Dane.
Pagkalabas sa elevator ay deretso sila sa Right wing ng Hotel. Pinindot ni PJ ang code ng pinto.
Pagkabukas ay deretso si Dane sa fridge at kumuha ng beer. Tinungga ito. At naghubad ng damit pati pants naka brief nalang ito ng pumasok ng bathroom.
Binuksan ang tubig sa bath tub.
Pumasok si PJ. "Boss, may iuutos ka pa ba?"
"No, PJ. Okay na ako dito. Antayin ko na lang si Ilustre."
"Just message me if you need me."
"Okay Thanks!"
Pagkaalis ng Personal Assistant niya, ay hinubad niya ang brief niya at hubo't hubad na lumusong sa bath tub.