Iniabot ni Don Gaspar ang kamay kay Don Danilo. Dahil naka wheelchair ito.
"Gaspar, matagal din tayo hindi nagkita."
Umupo ang bisita sa isang malawak na sofa. Kahit papaano ay nami-maintain pa rin ang kagandahan ng mansion. Dahil naiwan pa din sa mansion ang katiwala nilang si Nanay Puring.
Naghatid ito ng meryenda sa mga bisita.
"Puring?! ikaw ba yan?"
"Opo, Don Danilo" Napangiti si Nanay Puring.
"Dalaga ka pa rin ba hanggang ngayon"? Biro ng matanda. "Alam mo ba Gaspar, nililigawan ko ito dati."
Nagkatawanan sila.
"Don Danilo naman hanggang ngayon po naalala niyo pa iyon." Nahihiyang Sabi ni Nanay Puring.
"Naku, kung hindi niyo lang alam siya ang pinakamagandang dalaga dito sa buong San Sebastian. Kaso hinadlangan kami ng ama mo e. "
Nagkatawanan sila ulit.
Si Nanay Puring ay step sister ng ama ni Don Gaspar. Tiyahin niya sa ama.
Pagkatapos ng mahabang usapan at kamustahan ay pinatawag ni Don Gaspar si Natalie na kanina pang kabado sa loob ng silid niya.
Kumatok ng bahagya sa pintuan si Nanay Puring.
Binuksan ni Natalie ang pinto.
Niyakap niya si Nanay Puring."Nanay Puring!"
"Iha, alam kong mahirap para sa iyo ito. Huwag kang mag alala. Mabait si Don Danilo."
Tumango na lamang si Natalie pero tumulo na ang kanyang luha.
Bago pa man sila bumaba ay pinahid niya muna ito. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni nanay Puring.
Pagkababa ay nakita na niya agad si Don Danilo. Napatayo pa ang matanda ng makita siya. Namangha ito sa taglay niyang ganda. Halos hindi kumurap ang mata ng matanda at titig na titig sa kanya.
Napayuko siya at iniabot ang kanyang kamay sa matanda. "Ku-kumusta po kayo, Don Danilo?"
Hinawakan ng matanda ang kanyang kamay at hinalikan ito. "Napakaganda ng anak mo Gaspar. Kamukha ng kanyang ina." Hawak pa rin ng matanda ang kanyang kamay.
Hanggang sa sila ay kumain na ng hapunan ay hawak hawak pa rin ng matanda ang kanyang kamay. Hindi naman siya nakaramdam ng irita dito dahil ramdan niyang napa-sweet ng matandang ito. Magiliw rin siyang nakikinig sa mga kwento nitong katatawanan.
Natapos ang gabi at nagpaalam na din ang mga bisita nito. Muli ay hinalikan ni Don Danilo ang kanyang kamay.
Pagkaalis ay isinara na niya ang pintuan ng bahay. Nagulat siya ng nasa likuran niya si Tess.
"Mukhang nag eenjoy ka din sa matandang yun". Sabay lagok ng wine sa kopita.
"E di sana ikaw na lang...." biglang hinablot ni Tess ang kanag braso niya. "Ano ba ..."
"Wag na wag mo akong sagutin ng ganyan."
"Bakit kung hindi naman dahil sa inyo ng mama mo hindi magkaganito ang pamilya ko?!"
"Aba't......." biglang nabitiwan ni Tess ang kopita dahil akmang sasampalin niya sana si Natalie.
Pero biglang dumating si Don Gaspar.
"Tess, Natalie!"
"Ito kasing anak niyo, e. Napakayabang..."
Matalim na titig lang ang pinukol ni Natalie at umakyat na sa taas patungo sa kanyang silid.
SIMULA ng bumalik si Natalie sa syudad ay napapansin niyang may mga lalaking sumusunod sa kanya.
Kahit saan siya magpunta ay nasa likuran niya ang mga ito.
Mga naka-amirakana pa ang mga suot ng mga ito.
Hindi kaya pinababantayan siya ng matanda kahit saan siya magpunta?
Kinabahan siya. Baka iniisip ng matanda ay tatakas siya sa usapan nila ng kanyang papa.
Kahit sa harap ng Hotel na pinagtatrabahuan niya ay nandun din ang mga ito.
Kaya nagpaalam muna siya sa kasama na pupunta ng wash room.
"Percy, punta muna ako sandali sa wash room."
"Okay, no problem. Wala pa namang gaanong guest."
Pagkaalis ay may guest na dumating.
Nagulat pa si Percy ng makilala ang mga ito. "Sir PJ....." lalo ng makita niya si Dane. "....OMG....Sir Dane ...kumusta po .?"
"Good evening Percy, We're going to Top floor. Where's Nat?"
"A eh, nasa wash room lang po, Sir. Yes Sir."
Pumungay ang mga mata ni Percy ng makita si Dane.