NATALIE
Sa abalang kalsada ng Maynila, nagsimula ang araw ni Natalie Escobar tulad ng dati. Suot ang kanyang simpleng uniporme bilang receptionist ng marangyang Montemayor Grand Hotel. Nakaayos ang kanyang buhok sa simpleng ponytail, at bahagya siyang ngumiti sa sarili.
Sa hotel, dama ni Natalie ang kagandahan ng paligid. Ang marmol na sahig, ang mga chandelier na tila mga bituin, at ang amoy ng mamahaling bulaklak na palaging naroroon sa lobby ay palaging nakakapagbigay ng kaunting saya sa kanya.
“Good morning, Ms. Escobar,” bati ng kanyang kasamang receptionist si Percy.
“Good morning din, Percy,” sagot niya nang may magalang na ngiti. Agad siyang pumuwesto sa reception desk, handang salubungin ang mga kliyente ng hotel.
Para kay Natalie, ang kanyang trabaho ay hindi lamang hanapbuhay. Isa itong paraan upang makapagsimula muli matapos ang lahat ng nawala sa kanila.
“Nat, may bagong VIP na darating mamaya.” paalala ni Percy.
"Okay. Percy, punta lang ako sandali sa wash room". Paalam ni Natalie sa kasamang receptionist.
Mag-isang taon pa lang siyang nagtatrabaho sa 5 star hotel na ito. At ito ang pinakasikat na hotel sa syudad. Kaya laking tuwa niyang matanggap siya rito. Nagtapos siya ng BS Hotel and Restaurant. Kaya pagka graduate ay naghanap agad siya ng trabaho. Dahil ilang taon din siyang huminto sa pag aaral. Kung tutuusin ay may kaya naman sila sa buhay malawak ang hacienda nila sa probinsya.
Ngunit nagkasakit ang kanyang ama ng prostate cancer. Nag asawa ito ulit simula ng mamatay ang kanyang mama. Nagpakasal ulit ang kanyang papa. Hindi niya nakasundo ang kanyang tita Amor. At may anak din ito na kasing edad din niya. Si Tess.
Mahilig sa casino ang mag-ina. nalulunong sa sugal ang mga ito kaya halos kalahati ng yaman nila ay naubos sa mga ito. Siya pa ang sinisi ng mga ito dahil malaki daw ang binabayaran niya sa pag-aaral niya.
Na bankrupt ang mga negosyong ipinundar ng kanyang ama, dahil pinahawak ng ama kay Tess.
Dati siya ang nagpapatakbo ng mga ito kaya siya napahinto sa kolehiyo.
Dahil inggit sa kanya si Tess, ay kinuha ang position niyang mamahala sa mga negosyo. Takot kasi ang papa niya sa Tita Amor niya kaya sunod sunuran ang ama dito.
Umuwi siya nakaraang araw sa probinsya dahil tumawag ang kanyang Tita Amor.
"Bakit ako Tita? Bakit hindi na lang si Tess?"
Napataas ng kilay si Tess habang hitit ang sigarilyong hawak.
"Hoy, anong ako? Ikaw na yong pinagkasundo ng papa mo na magpakasal kay Don Danilo." at pinatay ang sigarilyo sa ash tray na nasa lamesa.
"Anak kung hindi mo ito gagawin mareremata ang buong hacienda sa banko". Sabi ng kanyang amang si Don Gaspar.
"What?! paanong nangyari at pati itong hacienda ay sinangla ninyo. Bakit kayo pumayag pa?"
"Kung hindi namin isasangla walang pangtustos ang papa mo sa panggagamot niya". Sabi ng Tita Amor niya."Wala ka namang binibigay na pera para sa gamot niya."
" Buwan buwan po ako nagpapadala ng pera kay papa." Pagtataka niyang sagot.
"Kanino mo pinapadala?" Tanong ng tita Amor niya.
Napatingin siya kay Tess.
Iniwas ni Tess ang mga tingin niya sa mga ito.
"Tess, binibigay mo ba kay papa ang mga pinapadala ko?"
"Hoy, kulang pa ang 30 thousand na pinapadala mo, no?"
"Nasaan yong pera?" Tanong ng ina. "Wala kang inaabot sa akin."
Galit na sabi ng kanyang ina.
Nilapitan niya ang anak. Bigla niyang sinampal ito ng malakas.
PAK!!!
Sapo ni Tess ang namumula na niyang pisngi.
"Ma!?"
"Kaya pala gabi gabi ka na umuuwe"
"Ano ka ba, ma? Nakinabang ka naman sa mga pinadala niya a.?"
"Tumigil na kayo!!!!" Sigaw ni Don Gaspar at biglang hinawakan ang kabilang dibdib nito.
"Pa?!" Nilapitan ni Natalie ang ama. "Pa, ayos lang po ba kayo?"
Tumango lang ang ama.
"Pacensya ka na, anak. Kasalanan ko din naman lahat ng ito."
"Sundin mo na kasi ang ama mo para matapos na din ang problemang ito." At lumabas ng silid ang kanyang Tita Amor at si Tess.
Kinahapunan ay dumating ang kanilang bisita si Don Danilo.
May mga kasama itong bodyguard.
85 anyos na ang matanda pero matikas pa rin itong tumindig. Mas matanda pa ito sa kanyang papa pero mas mukhang pang matanda tignan ang kanyang papa kesa dito.
"Don Danilo, kumusta po kayo?"