Inside the OR, everything felt heavier than usual. The air was tense. Every beeping machine, every swab, every instrument—lahat ramdam ko. Pinilit kong maging kalmado habang tinititigan ang mukha ng lalaking mahal ko, walang malay at pilit lumalaban.
“Scalpel”bulong ko.
Nasa tabi ko si Doc Migs, tahimik lang pero ready anytime I needed support.
Habang binubuksan ko ang sugat malapit sa puso ni Zach, nagdadasal ako sa aking isip-isipan.
“Please… Lord guide me, guide us. Huwag mo akong biguin ngayon. Huwag mo pa ho siyang kunin.”
Nagpatuloy ang operasyon ng mahigit tatlong oras. Critical ang lagay niya, pero ginawa namin ang lahat. Na-stabilize ang dugo, natanggal ang mga debris, at naclose namin ang sugat.
Pagkatapos ng operasyon, tinignan ko siya. Wala pa ring galaw. Tahimik— tahimik ding nagdadasal sa kalagayan niya.
Araw-araw akong bumabalik sa kwarto niya na wari mo’y tahanan ko ito. Paulit-ulit ang tanong sa isip ko “Magigising ka pa ba, Mahal?” Kahit alam ko na may posibilidad na bumigay ang kanyang katawan.
At kahit walang sagot, araw-araw akong nauupo sa tabi niya pagkatapos ng mahabang oras na paggugol sa trabaho, hawak ang kamay niya, nagbabasa ng mga paborito naming libro, at minsan umiiyak na lang tahimik dahil sa mga alaalang hanggang balik tanaw sa ngayon.
Lalaban at ilalaban, dahil kahit na coma siya, nakaratay at may mga apparatus na nakakabit sa kanya...asawa ko pa rin siya. The man that made vows in front of Him, our family, friends, relatives, and colleagues. At hindi ko siya bibitawan.
Hanggang dulo, hanggang wakas, hangga’t may pag-asa— hangga‘t hindi bumibigay ang kanyang katawan.