Chapter 5

222 Words
Halos mag-iisang taon na rin siyang nakaratay at alam kong napapabayaan ko na ang sarili ko. Hindi ako kumakain sa tamang oras, kulang sa tulog, halos wala nang pahinga. Alam kong hindi siya matutuwa sa ginagawa ko… pero anong magagawa ko? Kalahati ng buhay ko ang nawala nong araw na nag-agaw-buhay siya, ngayong alam na alam kong walang kasiguradohan kung magigising paba siya o tuloyan siyang bibigay. Umupo ako sa tabi niya sa kwartong para sakanya lamang, gaya ng dati. Hawak ko ang kamay niyang malamig pero pamilyar. Binibigkas ang parehong mga linyang umaasa akong maririnig pa niya. “Mahal… gising na oh…”bulong ko habang nanginginig ang labi ko. “N-nakakulong na ‘yung taong gumawa sa’yo n’yan…” patuloy kong pagtangis. “Nanalo tayo, mahal… Hindi ko akalaing magagamit ko ‘tong lisensya ko sa pag-aabogado ng ganito. Pero hindi ito tagumpay—kasi…” I inhaled deeply, pilit pinipigilan ang paghikbi. “…ikaw ang unang naging kliyente ko. Gising na, oh? Ang dami na nating nami-miss. Ang dami ko pang gustong ikuwento sa'yo.” Inabot ko ang pisngi niya at marahang hinaplos. “Sabi natin noon, ‘pag bumalik ako sa court… magkasama tayo. Pero bakit ganito, mahal naman? Isang buwan pa lang akong board passer… bakit ikaw agad? Ni hindi pa nga tayo nakapag celebrate ohh”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD