Sa pagdilat ng aking mga mata, nagkakagulo na ang paligid.
Mabilis ang mga nurse, alerto ang lahat. And then it hit me.
“Doctor! V-fib! Flatline!”
Napasinghap ako—he's crashing.
Sa isang iglap, parang nagising ang katawan ko sa matagal na pagkakahimbing. Ang personal na ako ay nawala, at ang doktor na ako ay muling sumakop sa katawan ko.
“Push 1 mg epinephrine! Start CPR! Charge to 200—clear!” sigaw ko, habang ginagawa ang lahat ng alam kong paraan para iligtas siyang muli.
“One more, Push 1 mg epinephrine! Start CPR! Charge to 200—clear!” Sigaw kong muli.
Tinangka kong pigilan ang luha, pero kahit anong pigil ko ay hindi kayang itago ang sakit.
I was losing the love of my life—again.
Marahan ang bawat segundo. Parang lahat ng tunog sa paligid ay naglaho, maliban sa tunog ng defibrillator at monitor na wala nang buhay na ipinapakita.
“Come on, Hon… please…”bulong ko habang pinipiga ang dibdib niya, umaasang marinig niya ako.
Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang pamilyar na tinig ni Doc Migs, na matagal nang nasa tabi ko, tahimik na sumusuporta.
“Doc Lei…”mahina at mahinahon niyang sambit.
Sa mga katagang kanyang binigkas hindi ko ito marining patuloy lang ako sa aking ginagawa. Hindi pa ngayon huwag munaa.
“Alam kong mahirap… pero kailangan mong sabihin.” dugtong niya pa.
Hindi ako makagalaw pero ang katawan ko ay parang may sariling buhay na patuloy—tuloy tuloy sa ginagawa kong pagpiga sa dibdib ng aking asawa.
Parang may mabigat na nakabara sa puso ko. Hindi pa ako handaa. Ngunit alam ko na wala na tuloyan na siyang sumuko.
Mahirap man sabihin ngunit alam ko na ito ang dapat.
“Time of death…”huminga ako ng malalim, nanginginig, ayaw sambitin ang susunod na kataga.
“…12:51 AM.” Saad ko na tuluyan ding pagkabagsak ng aking mundo.
Tumulo ang luha ko habang tinitigan ko ang mukha ng asawa kong mahal na mahal ko.
“Anniversary natin, Hon…” bulong ko.
“Bakit ngayong araw pa?”
At sa oras na ‘yun, wala na akong ibang narinig kundi ang katahimikan. Katahimikan ng puso kong nabiyak sa gitna ng ospital kung saan ko siya sinubukang iligtas—bilang doktor… pero higit sa lahat, bilang asawa niya na.
“Wala na…wala na siyaa, wala na ang mahal ko. I-iniwan niya na….ako” bigkas ko habang patuloy na nagraragas ang aking mga luga.