Sa pagbalik ng aking ulirat sa reyalidad, hindi ko namalayang tumulo na ang aking mga luha na pilit kong pinipigilan—wari mo’y tubig na rumaragasa sa ilog na walang preno.
Napatingin ako sa salamin ng sasakyan, basang-basa na ang mga mata ko.
Napailing ako, pilit ngumiti.
“No… I know Zach won't be happy if he sees me like this”bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi.
Huminga ako nang malalim. This is not the end.
I prepared myself—sinuklay ang buhok, inayos ang sarili sa usual kong ayos, at pinilit tumayo ng matatag.
Alam ko kung anong gusto niya para sa akin.
To keep going. After all the storm.
Pumunta muna ako sa simbahan. Tahimik akong naupo sa gilid. Nagdasal. Nagpasalamat. At umiyak ng tahimik.
Pagkatapos ay dumiretso ako sa puntod niya.
Inilapag ko ang dala kong bulaklak, kandila, at ang luto ko na paborito naming pagkain—adobong may kaunting asukal,
kasi gusto niya medyo matamis na sakto lang.
Dahan-dahan kong hinaplos ang marmol.
"Zachuis Kiel Reyes "binigkas ko ang pangalan niya na para bang isang panalangin.
“Hi, Hon… it’s been a year since you’ve been with Him. I hope you’re happy there.”
“Sana di ka nagsasawang andito ako lagi—well, dapat lang! Ako pa ba?”
Natatawa ako sa gitna ng luha. Ganito kami dati. Laging may halong lambing at asaran kahit sa gitna ng pagod at lungkot.
“I’m not letting you go, Hon. Baka magtampo ka, ha? I’m moving forward, pero ikaw pa rin hanggang dulo.”
“Di ko pa nasabi sa’yo ‘to… but guess it!” sabay ngiti kahit namumugto ang mata.
“I continued being a lawyer. Our dream, remember? Pero, Hon… iba pa rin talaga kapag nandito ka ih. Don’t worry, part-time lang naman. Doctor pa rin syempre ang una kong priority—siya nga pala…”
Bumuntong-hininga ako bago ako tuluyang lumisan sa sementeryo at sinabi ang katagang.
“Thank you, Hon. I Love You always. Wait for me there, ha?” Bago lisanin ang tahanan niya ngayon.
Nang araw na iyon, nag-drive ako patungo sa paborito naming lugar—ang beach kung saan kami madalas mag-unwind. Doon kami unang nag-date, unang nagplano ng future, unang nag-‘I love you.’ sa isa’t isa.
Tahimik akong nakaupo sa buhanginan, nakatingin sa sunset. Ang araw ay unti-unting lumulubog, parang siya—unti-unting lumisan, pero iniwan akong may ilaw pa rin sa puso.
Hanggang sa may narinig akong maliit na tinig.
“Mamaaaaaa!”
Napalingon ako. Isang batang lalaki pilit kumakawala sa hawak ng kanyang mga lola. Mabilis na tumatakbo papunta sa aking direksyon matapos siyang bitawan. Sa likod niya ay ang kanyang mga tita‘t tito na hawak ang kanilang mga anak.
“Zachy… babyy”bulong ko, habang napapaluha sa gulat at tuwa.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Siya si Zachuis Klient —ang anak namin ni Zach na ipinanganak ko habang siya ay natutulog ng mahimbing sa hospital.
Nalaman kong buntis ako isang buwan matapos siyang mawalan ng malay. Pero dahil sa built ng katawan ko, anim na buwan na ako noon bago man lang mahalata ng lahat. Sa tagal kong hindi lumalabas at laging suot ang usual na aking suotan sa hospital, akala ng lahat— busog lang. Pero eto siya ngayon. Buhay. Malusog. At isang carbon copy ng kanyang ama—mula mata hanggang ngiti.
“Mama, look! Like Daddy daw ako sabi ni Lola!”
Ngumiti ako, hinaplos ko ang buhok niya.
“Oo, anak. Ikaw na ikaw ang Daddy mo. At ikaw ang pinakamagandang alaala na iniwan niya sa’kin.”
Tumitig ako ulit sa papalubog na araw habang buhat na ang aming munting Zach.
Sa wakas, hindi na masakit ang tanawin.
Hindi lang ito paalam.
Ito na ang bagong simula.
↺↻
Years have passed since that sunset ended, and still, his voice echoes in the winds.
I see him in our son, hear his voice in every courtroom silence I attend, and feel him in every life I try to save.
I carry him—not as a wound, but as a compass.
Some say grief fades. I say, it becomes part of who we are yesterday, today, tomorrow—forever. And that’s okay.
Because I am Elliana Lei D. S. Reyes.
Wife. Mother. Doctor. Lawyer.
This is my truth.
This is my testament.
This is Reflection That Hunts Me
-raiely
↺↻