“AMBER, sana sabihin mo naman sa `kin kung saan ka pumupunta. Update me from time to time. Nag-aalala ako sa `yo.” Iyon ang bungad na narinig ni Amber mula kay Jairus nang maabutan niya ang lalaki sa bahay niya. Nakaupo na ito sa couch at halatang nakaabang sa kanya. “Bakit? Para saan?” She intended to sound sarcastic. “Amber, I care for you. f**k,” iritado nang sabi ni Jairus. “Gaano ba kahirap na sabihin man lang sa `kin kung anong ginagawa mo sa maghapon. I couldn’t even focus on teaching because I kept on looking on my phone.” Hindi niya inaasahan ang lalabas mula sa mga labi niya. “And no one told you to do that.” “Amber.” Tila naubusan ito ng sasabihin. She stared at him. Pinilit niyang huwag maglabas ng anumang emosyon. She was tired of looking so fragile and vulnerable. Paano

