Prologue
ILANG ulit na sinipat ni Amber ang sarili sa harap ng salamin. She really looked hot and sexy in her red lingerie. Sigurado siyang hindi siya magagawang hindi pansinin ng asawa niya sa gabing iyon. It was their second wedding anniversary and she was so excited to please him tonight. Halos isang buwan na yatang walang nangyayari sa kanila ng asawa niya.
She knew he was busy with work. Pero kung minsan, hindi niya pa rin maiwasang malungkot sa tuwing naiisip niya ang mga pagkakataong tinatanggihan siya ni Corven o kaya nama’y nanlalambot ito sa gitna ng pagtatalik nila.
“Ayan. Sobrang sexy ko na. Siguro naman hindi ka makakatanggi this time, asawa ko,” aniya na kinakausap ang sarili sa harap ng salamin sa kanilang banyo.
She even sexily touched herself. Of, course. Kailangan niyang magtiwala muna sa sarili niya na sexy nga siya dahil hindi niya madadala nang husto ang bawat gagawin niya mamaya kung hindi ganoon ang tingin sa sarili niya.
She made sure she had a fresh look. Nag-apply lang siya nang kaunting makeup dahil ayaw niya namang magmukhang drag queen sa harap ni Corven.
She knew she’s gorgeous. Ayaw niyang magtunog mayabang. But she was completely aware of her assets. She had this almond-shaped yet semi-rounded medium brown eyes and a pair of well-trimmed thick eyebrows. She had cute cheekbones and an oval-shaped face that is perfect for every hairstyle. Cute at pointed din naman ang ilong niya. She also had this pouty “Kylie Jenner look-a-like but more natural” lips.
Natutuwa siyang isipin na sa edad na veinte y tres ay nahanap niya na ang lalaking masasabi niyang man of her dreams. Hindi niya akalain na sa edad na twenty one ay ikinasal na siya at siguro naman ay mabibiyayaan na rin ng sarili nilang anak sa mga paparating na taon.
Nakangiti siyang lumabas mula sa banyo ng master’s bedroom. Sinuot niya ang black silk robe ngunit hindi iyon itinali. Hinayaan niya lang ding nakalugay ang itim at straight na straight niyang buhok.
Naglagay lang siya ng kaunting perfume at pagkatapos ay humiga na siya sa kama. Sinipat niya ang wallclock. Just in time. Alas siete y media na ng gabi. Alam niyang anumang oras ay darating na ang asawa niya mula sa trabaho nito.
Saglit siyang nag-browse sa phone niya. Well, pamatay-oras. Wala na rin naman siyang gagawin dahil katatapos niya lang sa isang manuscript sa araw na iyon at nakapagluto na rin siya ng dinner.
Wala pa ngang limang minuto siyang nasa ganoong posisyon nang dumating ang asawa niya. Napangiti siya nang malapad nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang guwapo at matangkad na lalaki.
Halatang nagulat si Corven nang makita siya. She slowly stood up and walked seductively towards him.
“Hi, love,” she greeted in a sexy tone.
“Anong meron?” tila balewalang tanong nito.
Bahagya siyang nakaramdam ng diappointment pero mabilis niya rin iyong iwinaksi sa isip. The night was too precious to spoil. Baka masyado lang pagod ang asawa niya kaya ni wala man lang itong dalang bulaklak para sa kanya. Sigurado siyang nawala sa isip nito ang anniversary nila.
“So you forgot?” Dahan-dahan niyang kinuha ang dalang bag nito at saka ihinagis iyon sa kung saan. “Anniversary natin today, love.”
Nahilot ng lalaki ang sentido. “Oo nga pala. I’m sorry. Nawala na sa isip ko.”
“It’s okay.” She went closer and closer to him.
She suddenly kissed her husband on the lips. Ipinaramdam niya rito kung gaano niya ito nami-miss. Masyado yata silang naging busy nitong mga nakaraan. It was the best time to make up on each other.
She could feel that he wasn’t almost responding to her kisses so she tried to do better. Pero laking gulat niya nang itulak siya ni Corven palayo rito.
“Why?” nagtatakang tanong niya. “Hindi mo ba nagustuhan `yong kiss ko? Or don’t you like this outfit?”
Umiling-iling ang asawa niya. “I just need to tell you something, Amber.”
Amber. Not “love.” Just Amber. Napaatras siya rito. Kinakabahan siya sa kung anumang lalabas mula sa mga labi ni Corven.
“I...” tila hindi nito mahanap ang mga salitang gusto nitong sabihin.
Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
“I can no longer be your husband. I’m sorry,” anang lalaki matapos ang ilang saglit na pagkapipi. “Hindi ko na kaya, Amber. Let’s file an annulment.”