CHAPTER 1.1

466 Words
“HINDI ko alam kung anong nangyayari sa `yo, Ambs. Pero lumalamya talaga ang stories mo. Parang hindi na pang-erotic ang dating eh. Hindi ka naman ganyan dati.” Tikom ang bibig ni Amber sa mga komentong iyon ni Cathlyn na siyang head ng imprint ng publishing company kung saan siya nakapirma ng kontrata bilang exclusive author. Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang ikakatwiran niya sa comments na naririnig niya. Somehow, alam niyang tama iyon. Hindi niya maitatanggi. Maging ang online reads ng raw stories niya, declining na. May mga hate comments na rin siyang natatanggap mula sa ibang readers ng online writing platform kung saan niya ipino-post ang mga istorya niya. Kesyo wala na raw siyang ganang magsulat, kesyo pera-pera na lang. “By the way, `wag mong kalilimutan `yong booksigning next month. Maraming readers mo ang nagtatanong na sa f*******: page ng company,” paalala nito tungkol sa upcoming event nila sa SMX Convention Center. Tumangu-tango siya. “What if hindi maihabol sa printing bago ang event `yong next book na ire-revise ko?” “Ayos lang `yon. Reprinted na rin naman `yong ibang titles mo.” “Babalitaan na lang kita siguro kapag natapos ko na `yong series,” matamlay niyang tugon matapos ang ilang sandali pa nilang pag-uusap. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch. “I have to go. Ayokong abutin ng rush hour sa daan. Grabe ang traffic dito sa QC.” “Are you sure you’re okay?” sinserong tanong ni Cathlyn. “Alam mong hindi ka na iba sa `kin.” Tumango lang siya. Akmang maglalakad na siya palabas sa opisina nang muling magsalita ang kausap. “It’s been three years, Amber. Set yourself free. Final decision na lang din naman ng korte ang hinihintay mo,” paalala nito. “Don’t let Corven’s ghost haunt you for the rest of your life.” Isang pekeng ngiti na lang ang naisagot niya sa kausap hanggang sa tuluyan na siyang lumabas sa opisina. Walang gana siyang naglakad patungo sa elevator hanggang sa tuluyan na nga siyang makarating sa harap ng nakaparada niyang sasakyan. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse. Ilang sandali lang siyang nakaupo sa harap ng manibela. She was blank as hell. Iniisip niya ang mga sinabi sa kanya ni Cathlyn. Iniisip niya ang nasisira niyang writing career. Iniisip niya si Corven. Her husband was her everything. And maybe, is still her everything. Pero nang araw na humingi ito ng kalayaan mula sa kanya, walang pagdadalawang-isip niya itong pinalaya. Because for her, love is not selfish. She started the engine. Kasunod niyon ay hindi mabilang na buntong-hininga. Someday, mabubuo niya rin ulit ang sarili niya. Ang sarili niyang nasira nang iwan siya ni Corven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD