DAY ONE ng Manila International Book Fair. Iyon ang pinakamalaking annual book convention sa bansa. Taun-taon din siyang suki ng MIBF para sa booksigning events ng company nila pero sa araw na iyon, pumunta lang si Amber bilang normal na reader. Sa day five pa ang schedule ng booksigning niya kaya naman susulitin niya na ang mga araw na libre siya para makapag-ikot, makabili ng napakaraming libro at makapagpapirma sa mga author na available sa event para sa araw na iyon.
Kapapasok niya pa lang sa SMX Convention Center. She wore a plain gray blouse and a pair of faded jeans. Tinernuhan niya ito ng itim na rubber shoes. Itinali niya rin ang hanggang bewang at straight niyang buhok. She wanted to look very simple. Ayaw niyang maka-attract ng unwanted attention. After all, wala naman siyang booksigning para sa araw na iyon. Baka masabihan pa siyang papansin.
Iyon din ang unang beses na magi-ikot siya nang mag-isa sa MIBF. Dati, mas gusto niya pang mag-stay lang at magkulong sa loob ng lungga niya. But now, she wanted to be surrounded by people who have same interests as her.
Kahit paano, marami rin kasi siyang readers na nagpapakalat-kalat doon. In fact, habang naglalakad siya patungo sa booth ng Vision Publishing kung saan may booksigning ang paborito niyang author ay aabot na yata sa sampu ang mga nagpapa-picture sa kanya.
Sumilip-silip siya sa booth ng Vision Publishing.
“Excuse me?" pang-iistorbo niya sa isa sa mga staff na nag-aayos sa booth. "Wala pa po ba si Mr. Jairus?"
Ngumiti ang pinagtanungan. "Ay parating na raw po, ma'am."
Napatango na lang siya. Sinimulan niyang magtingin-tingin ng mga librong itinitinda sa booth. May dala siyang tatlong librong isinulat ng manunulat na si Jairus Tan pero sa pagkakaalam niya ay may ilan pa siyang hindi nabibili. She scanned for titles and authors' names.
Napalingon siya sa isang author na naroon na rin sa booth. Hinanap niya ang libro nito sa mga paninda ng Vision Pub at saka pumili sa cashier para magbayad. Hindi naman ganoon kahaba ang pila kaya mabilis din siyang natapos.
Laging masarap mamili sa first day ng MIBF. Aside from the fact that you could see less people, it also happens once a year. Hindi lagi-lagi. Kaya inaabangan ng lahat. College pa yata siya nang huli siyang nagpunta roon.
Palingun-lingon si Amber sa paligid para libangin ang sarili.
Nakakatuwa rin na nakatayo siya roon at naghihintay sa isang author. Kaya naman mas naa-appreciate niya ang readers niya dahil alam niyang ganoon din ang nararamdaman ng mga ito sa tuwing hinihintay siya.
Hindi nga nagtagal ay dumating na si Jairus Tan.
Natulala siya nang makita ito. She was just sixteen when she first met him. Unang booksigning niya iyon sa Bulacan noong bagong teen fiction author pa lang siya. Hindi niya na masyadong naaalala ang hitsura nito sa personal. Pero sigurado siyang guwapo naman talaga ito noong una niya pa lang itong nakita.
Now, malinaw na sa kanya ang definition ng salitang “gwapo” na pagkakaalala niya sa mukha ng manunulat.
Ang guwapo-guwapo pa rin ni Jairus Tan. He was standing almost six feet tall. Chinito ang mga mata. Clean-cut. Fair complexion. Hindi gaya ng mga lalaking mukha nang labanos sa puti at hindi rin naman sobrang moreno. Kahit tingnan mo lang ay masasabi mo na agad na ang bango-bango ng lalaki.
She was starstrucked.
Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya nang mapansin ang pang-upo nito. Nice ass.
Noong una niya itong nakita noon, hindi niya naman napapansin ang mga iyon. Maybe because she was still young back then. But now, she was writing books about s*x. Kaya hindi na niya maiwasang tingnan ito physically. Jairus would surely be a good hero for her next erotic book.
"Sorry, sorry medyo na-traffic," hinging paumanhin nito sa mga naroon nang makaupo sa harap ng bakanteng mesa na nakalaan talaga para rito. He was smiling widely to his readers.
Mabilis itong nagsimulang pumirma. Pangwalo pa yata siya sa pila pero wala siyang reklamong naghintay.
Sinipat niya ang mga libro ni Jairus. Magaganda ang mga librong isinusulat nito. Pero magkaiba sila ng genre. At ng market.
Si Jairus, malawak ang nasasakop ng mga kwento. Sobrang kakaiba. Pero makamasa. Iyon naman kasi ang mga ipina-publish na libro ng Vision Pub. Mga nasa tamang edad na ang utak ng mga nagbabasa ng gawa ng lalaking manunulat. Kaya nang mag-digest ng mga issue ng lipunan na laging laman ng mga libro ni Jairus.
Siya, erotic ang forte niya. Younger readers ang nagbabasa kung sa totoo lang. Nasa 18 hanggang 27 ang karaniwan niyang reader. Kung minsan, may mga mas batang makukulit at nagbabasa pa rin kahit nagsusumigaw na ng "R-18" ang cover ng libro.
Nagpapirma muna siya sa katabing author ni Jairus habang hinihintay na sumunod sa dalawang dalagitang nakipagselfie pa sa manunulat. Bumili rin kasi siya ng libro ng author na iyon.
Nahigit niya ang hininga nang matitigan na ang lalaki matapos niyang magpapirma sa katabi nito. Iba ang awra nito sa malapitan. Iba ang karisma. Iba ang bango. She was stunned.
He looked so fine and well built. Sa pagkakatanda niya ay nasa mid to late thirties na ito. But he was still fine. In fact, ang hot ng hitsura nito. Just like a hot man you would call “daddy” while he was slapping your butt in bed.
Pasimple siyang napailing. What on Earth was she thinking? Alam niyang matagal na siyang walang s*x life pero ang pagnasahan si Jairus ang hindi niya naisip na magagawa niya.
“Hi.”
Siya na pala ang nasa harap ng lalaki.
“Hi, Sir. Natatandaan n’yo pa po ako?” nakangiti niyang tanong dito habang pinipilit iwaksi ang maliliit na detalyeng napapansin niya sa lalaki.
He had this pair of thick eyebrows. Bumabagay iyon sa singkit nitong mga mata. His deep brown eyes were staring at her intently. Mahahaba ang pilikmata. Matangos din ang ilong nito. Tamang-tama ang bawat anggulo ng mukha. And his lips were luscious and red as an apple. Ano kaya ang lasa niyon?
He was so hot with his white long sleeve. Bukas ang dalawang butones. Nakadikit na iyon halos sa balat nito kaya naman bumabakat ang matipuno nitong katawan. Nakatupi ang sleeves niyon hanggang sa siko nito.
Hinagod siya nito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit pero nag-iba ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay uminit ang pakiramdam niya sa simpleng tingin na iyon.
He smiled at her. Lumabas ang pantay-pantay nitong mga ngipin. “Yes, yes. Amber `di ba? Ikaw `yong nakasama ko sa Bulacan?”
Napatango siya at mas lumapad pa ang ngiti. Nalimutan niya agad ang pagtitig nito sa kanya. She felt so much happiness. Fan na fan siya ng mga libro nito. At nito mismo. Nakakatawa kasi itong tao. Kahit matagal na nang huling makasama niya ito, tanda niya pa rin ang mga sinabi nito sa kanya.
“`Pag nag-mature ka, kusa na ring magma-mature ang panulat mo.”
At mukha ngang tama ito. From teen fiction to erotic romance. Ang layo ng itinalon ng genre niya.
Naalala niya nang sunduin siya ng service ng bookstore na host ng event kung saan niya nakilala si Jairus. Pagkatapos ay dumaan sila sa condo ng lalaki. Hinintay itong lumabas mula sa lobby. Nang makita siya nito, nginitian lang siya ng lalaki. Nang mga panahong iyon ay clueless pa siya kung ano ang mga isinusulat nito. Pero lagi na niyang naririnig ang pangalan nito sa mga reader sa w*****d community kahit hindi naman ito nagsusulat sa w*****d.
Naalala niya rin nang makarating sila sa venue at nagtabi sa iisang table. Inalok pa siya nito ng kape. Nang tumanggi siya, natatawa siya nitong tinanong kung gusto niya ba ng mumurahing gin na nabibili sa Quiapo.
Sobra niyang nagustuhan ang personalidad nito. She started buying his books after that event. At hindi naman siya nagsisi. Doon nagsimula ang pagkahilig niya sa mga librong hindi romance ang genre.
“Nagtuturo pa rin po kayo ngayon?” Sa pagkakatanda niya ay maliban sa pagiging manunulat ay isa rin itong propesor.
“Yes. Same university pa rin. Ano na nga palang isinusulat mo ngayon?” tanong nito na pasulyap-sulyap sa kanya habang pinipirmahan ang mga librong dala niya.
“Erotic po,” medyo nahihiya niyang tugon. For these past years, hindi pa rin siya komportableng sabihin sa iba kung anong genre ng libro ang isinusulat niya.
Tila nagulat ito pero mabilis din namang ngumiti. “Ay gusto ko `yan. Pahingi naman ako ng book mo. Actually nagsusulat ako ngayon ulit ng erotic eh.”
“`Wag na po, Sir. Nakakahiya,” todo-tanggi niyang tugon kasunod pa ang marahas na iling.
“Dali na,” natatawa nitong pilit.
Matapos ang ilang saglit pang kwentuhan ay nagpa-picture na siya sa lalaki. Nahigit niya ang hininga nang dumikit ang balat nito sa kanya. Pakiramdam niya ay may naramdaman siyang pamamasa sa pagitan ng mga hita niya nang malanghap niya ang pabango nito. His smell was so captivating. Lalaking-lalaki. Parang ang sarap sumiksik dito sa gabi para lang langhapin ang mabango nitong amoy.
Ayaw pa sana niyang umalis pero alam niyang naba-badtrip na sa kanya ang mga kasunod niya sa pila. Dumiretso na lang siya sa booth ng publisher niya na wala sana siyang planong puntahan. Pakiramdam niya ay may obligasyon siya kay Jairus na bigyan ito ng libro niya. Hindi niya alam kung bakit.
Nagkagulo ang mga staff nang dumating siya sa booth nila. Puro ngiti at tango lang ang isinusukli niya sa bati ng mga ito. May mangilan-ngilan din siyang nakausap. Naroon din si Cathlyn kaya nagkausap na rin sila sandali tungkol sa event niya sa fifth day ng MIBF. Hindi rin iyon nagtagal dahil pagkatapos niyang bumili ng isa sa mga librong naisulat niya ay nagpaalam na rin siya.
She went back to Vision Pub’s booth and handed her own book to Jairus. It was the first time that he asked something from her that’s why she was grateful yet shy to give it to him.
“Isi-send ko sa `yo `yong isang chapter ng manuscript ko ah. Basahin mo kung may oras ka. Tingnan mo kung okay ang pagkakasulat. `Tapos coffee tayo minsan. Kwentuhan about books.”
Maang na lang siyang napatango.
Jairus Tan was asking her to read a part of his raw manuscript? Wow. She never felt so relevant in someone else’s life again.
And she was even unsure if she even became one in Corven’s world way back then.