CHAPTER 1.3

558 Words
AMBER was staring blankly at her laptop. Iniisip niyang i-revise ang manuscript niya. Ang hirap maging manunulat ng mga makamundong libro kung siya mismo ay hindi na nakakaranas niyon. “Let’s see.” She started to read her previous manuscript. Katatapos lang niyang kumain ng dinner nang gabing iyon. Hindi na siya nagluto dahil pagod siya mula sa pagda-drive. Nagpa-deliver na lang siya ng pagkain sa bahay niya. Well, bahay nila ni Corven. Pero magmula nang maghiwalay sila, hindi na ito umuwi. Siya na lang at ang mga lumang alaala nito ang naiwan. Earlier that year, she decided to put all of his things on that house’s spare room. Alam niyang baka isang araw ay bumalik ito at angkinin ang bahay na iyon—na bukas-palad niyang ibibigay rito. She could always go back to the ancestral house. Paminsan-minsan ay tinatawagan siya ng in-laws niya para kamustahin. Ramdam niyang nahihiya ang mga ito sa kanya, lalo na ang father-in-law niya ang isa sa mga unang taong gustung-gusto noong makasal siya kay Corven. Alam niyang hindi na ito babalik. Kahit pa anong lungkot o pag-iyak pa ang gawin niya ay hindi na siya nito lilingunin. That’s why she was trying her best to move forward and be better everyday. Pilit niyang iwinaksi ang asawa niya sa isip niya. Hindi niya na gustong maalala pa ito. Not now. Her career was starting to fall into pieces because of him. Because of their failed marriage. Kung hindi niya maisasalba ang marriage life, kahit man lang sana ang career niya ang maisalba niya. She was starting to type and edit scenes when she heard a notification from her f*******:. Napilitan siyang buksan ang Chrome tab para masilip kung sino iyon. Kung minsan kasi, mine-message siya ng editor niya, o kaya naman ni big boss. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung kanino iyon galing. Nabasa ko na `yong first chapters ng book mo. Ikaw ha. Hindi niya alam kung mahihiya o matutuwa siya sa chat na iyon ni Jairus. Binabasa nito ang mga kahalayang isinulat niya. Juskoh. Hindi niya alam kung paano pa haharap sa lalaki sa mga susunod na pagkakataong magkikita pa sila nito. Nakakahiya po, Sir. Pasensya na `yan lang ang nakayanan, she replied. Napahinga siya nang malalim. Isa si Jairus Tan sa mga pinakasikat na manunulat sa bansa. At hindi basta-bastang libro ang isinusulat nito. Mga librong inaaral ng mga kritiko at itinuturo sa akademya. Mga librong umaani ng parangal. Biglang sumagi sa isip niya ang hitsura ng lalaki kanina. Nakagat niya ang ibabang labi. He was really hot and sexy. Bagay na bagay maging hero ng mga librong isinusulat niya. He looked like one funny person na may itinatagong galing sa ibang bagay—tulad ng s*x. Nagulat siya nang ibigay nito sa kanya ang phone number nito sa gitna ng palitan nila ng chat conversations. At hiningi rin nito ang sa kanya. Somehow, naisip niyang mabuti na ring makapagkape nga sila ni Jairus minsan. Matagal na siyang walang nakakakwentuhan maliban kay Cathlyn. After what happened to her life, pinili niyang ilayo na rin ang sarili niya sa mga nakakakilala sa kanya. Let’s meet. Sabihan mo lang ako kung kelan ka available. She held her breath. Sure, Sir. Hindi niya alam kung bakit pero para siyang nakakaramdam ng excitement.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD