“HAVE you read Eros Atalia’s ‘Ang Ikatlong Anti-Kristo’?” Ibinaba ni Amber ang hawak na libro para tingnan si Jairus na noon ay nakatayo sa shelf ng mga libro at ini-scan isa-isa ang mga naroon. “Yep. Quite thrilling. And nakakasorpresa ang mga pangyayari. Ang hilig niyang manggulat,” komento niya. Nakaupo siya sa couch, panaka-nakang kinukuha ang baso ng juice mula sa coffee table. Nagbabasa ng bagong release na libro ni Jairus. Ginawa niya nang mini-library at workspace ang bakanteng kwarto at ipinahakot niya na pabalik sa mga Villaluz ang ibang gamit ni Corven tatlong araw na ang nakakaraan. Iyon ay matapos ipadala sa kanya ni Corven ang titulo ng lupa. It-tr-in-ansfer na nito ang ownership sa kanya. Alas, they were both moving forward, completely. Sa wakas, mas gumagaan na ang

