CHAPTER 5.1

852 Words

LAGPAS hatinggabi na nang makauwi sila. Ihinatid pa si Amber ni Jairus na noon ay halatang pagod na sa pagda-drive. Hindi naman masyadong traffic dahil pasado alas doce na rin ng hatinggabi. Mabilis na umibis si Amber sa sasakyan. Hindi niya na hinintay ang binatang mag-aabala pa sanang pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse nito. Sobra-sobra na rin ang naging effort nito na sunduin at ihatid siya sa harap ng bahay niya. “So, pa’no,” usal ni Jairus nang huminto silang dalawa sa harap ng gate. “Thank you for coming with me. I hope you enjoyed everything.” Ngumiti na lang siya. “Good night. Thank you rin. Ingat ka.” He smiled sweetly at her. Akmang tatalikod na ang lalaki nang habulin niya ito. “Sandali!” pigil niya. Nagtataka naman itong lumingon sa kanya. Muntik niya pang makalimutan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD