“I’M SORRY, Tita. I’m really sorry po,” nangingilid ang luhang paumanhin ni Amber sa ina ni Corven habang magkaagapay silang umaakyat sa hagdan. Kanina pa siya nakarating sa bahay ng mga ito pero umabot pa yata ng isang oras ang pag-iyak at pagkwento niya sa ina ni Corven sa living room. Hinaplos ni Mrs. San Lazaro ang likod niya. “Shhh. It’s okay, hija. `Wag ka nang magpaka-stress. I told you already before, dito ka na tumira.” Napabuga siya ng hangin. Malamlam ang mga mata niyang ngumiti nang pilit. Hindi sumasagot si Corven sa mga tawag niya kaya napilitan na lang siyang pumunta roon bitbit ang mga sariling gamit. Siguro ay tulog na ito. Maaga rin kasi itong gumigising kaya nauunawaan naman niya. Huminto sila sa harap ng kwarto ni Corven. “If you need anything, sabihan

