NAPASIMANGOT si Amber nang makita niya kung sino ang tumatawag. Kakauwi niya pa lang mula sa lakad nila ni Jairus. Matapos siyang ihatid ng lalaki ay nagpaalam na rin ito agad na uuwi. Marami pa raw itong tatapusing papers. Tama lang din naman iyon dahil kailangan niya rin namang magsulat para hindi na siya matambakan ng gawain. Iyon nga lang, hindi niya pa nahahawakan ang laptop niya ay nag-ring naman agad ang phone niya. Ang akala niya ay si Jairus iyon. But to her surprise and dismay, ang mama iyon ni Corven. Bumuntong-hininga siya. Ano pa ba ang kailangan ng mga ito? Oo nga’t naging mabuting in-laws ang mga ito sa kanya pero hindi niya na sana gusto pang ma-associate sa mga ito. Gusto niya nang maging malaya nang tuluyan mula sa nakaraan niya. And she knew she was already just few mo

