(BLACK’S POV) Agad kong binalik sa lalaki ang wallet nito. Bago umalis ay kumindat pa ako rito. Tuloy-tuloy akong naglakad papalayo sa kay Apollo. Mabuti na lang at nakita ko ito. Hindi ko na kailangan pang umuwi para kumuha ng pera. Bakit kasi nakalimutan kong magdala ng pera. Bigla ko tuloy na hampas ang aking ulo dahil sa katangahan ko. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng karenderya na kung saan palagi ako kumakain. Agad naman akong sinalubong ng magandang may-ari ng karenderya. Tuwang-tuwa ito nang makita ako. Sinabi ko rito kung anong kakainin ko. Kasalukuyan akong naghihintay ng aking pagkain nang marinig ko ang boses ng dalawang babae na nag-uusap sa kabilang table. Agad kong pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila. Dahil may pagka marites din naman ako minsan. “Sobrang nak

